Pacquiao kung bakit siya ang dapat na ibotong Pangulo: "Nakita ko ang problema ng bansa"

Pacquiao kung bakit siya ang dapat na ibotong Pangulo: "Nakita ko ang problema ng bansa"

- Si Manny Pacquiao ang huling nakapanayam ni Boy Abunda sa kanyang The 2022 Presidential One-On-One Interviews na naisa-ere ngayong Enero 28

- Tulad ng mga naunang presidentiables na sumalang sa naturang interview, naglabas din ng kanyang saloobin si Pacquiao sa ilang isyung kinahaharap ng bansa

- Sa pinakaabangan ng lahat ng Political Fast Talk, matapang na nilahad niya ang kanyang dahilan kung bakit hindi dapat iboto ang ilan sa kanyang mga katunggali

- Nilahad din niya na bilang naranasan niya ang hirap ng problema ng bansa, kaya niyang resolbahin ito kung siya ang mahahalal na Pangulo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isa si Senator Manny Pacquiao sa mga nagpaunalak kay Boy Abunda sa The 2022 Presidential One-On-One Interviews.

Nalaman ng KAMI na si Pacquiao na rin ang huling presidentiable na nakapanayam ni Abunda at naisa-ere ngayong Enero 28.

Read also

Manny Pacquiao, naluha sa interview sa kanya ni Boy Abunda

Manny Pacquio kung bakit siya ang dapat ibotong Pangulo: "Nakita ko ang problema ng bansa"
Manny Pacquiao (@mannypacquiao)
Source: Instagram

Tulad ng mga naunang presidentiables, matapang na inilahad ng senador ang kanyang pananaw at paninindigan sa maiinit na usapin at isyu ngayon sa bansa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nang mapag-usapan pa ang tungkol sa mga mahihirap, talagang naluha siya gayung alam niya ang hirap na dinanas ng mga ito kaya naman ganoon na lamang ang hiling niyang mas makatulong sa mga ito.

Pinakaabangan din ang political fast talk kung saan natanong din siya kung bakit hindi dapat na iboto ang apat na malalapit niyang katunggali.

"Hindi ko alam" ang naisagot niya para kina Senator Ping Lacson at Vice President Leni Robredo.

Subalit patungkol naman sa korapsyon ang dahilang naibigay niya para kina Mayor Isko Moreno at dating senador Bongbong Marcos.

Samantala, sinagot din niya ang tanong ni Abunda kung bakit siya ang dapat na ihalal na maging susunod na Pangulo ng Pilipinas.

Read also

Leni Robredo, sinagot isa-isa bakit hindi dapat iboto ang mga katunggali sa pagka-pangulo

"Naranasan kong matulog sa kalye. Naranasan kong walang pagkain sa isang araw. At ramdam ko ang naramdaman ng sambayanang Pilipino at nakita ko ang problema ng ating bansa. Dahil sa nakita ko, kaya kong resolbahin"

Narito ang kabuuan ng panayam sa kanya mula sa The Boy Abunda Talk Channel:

Si Manny "Pacman" Pacquiao ay isang eight-division world boxing champion, at tinaguriang "one of the greatest boxers in history". Pinasok din niya ang pulitika kung saan una siya naging congressman at ngayon, isa siya sa mga senador ng bansa. May 10, 2000 nang ikasal siya kay Jinkee at nabiyayaan sila ng limang anak na sina Emmanuel Jr. (Jimuel), Michael Stephen, Mary Divine Grace (Princess), Queen Elizabeth (Queenie) at Israel.

Matatandaang una nang sumalang si Senator Manny sa Presidential Interviews ni Jessica Soho noong Enero 22. Bukod kay Pacquiao, nagpaunlak din sina Senator Ping Lacson, Mayor Isko Moreno at Vice President Leni Robredo.

Sa kanyang kumpirmasyon ng pagtakbo sa pagka-Pangulo noong nakaraang taon, nailahad na niya ang tinawag niyang '22-round agenda' sa naging interview sa kanya ni Toni Gonzaga na mapapanood sa kanyang YouTube channel.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica