Leni Robredo, sinagot isa-isa bakit hindi dapat iboto ang mga katunggali sa pagka-pangulo

Leni Robredo, sinagot isa-isa bakit hindi dapat iboto ang mga katunggali sa pagka-pangulo

- Diretsahan ang mga naging sagot ni Vice President Leni Robredo sa political fast talk sa kanya ni Boy Abunda

- Isa-isa niyang sinagot kung bakit hindi dapat iboto ang kanyang mga katunggali

- Matapang ang mga naging sagot ni Robredo para kung bakit hindi dapat na iboto ang mga kapwa niya presidential candidates

- Sinagot din niya kung bakit siya ang sa tingin niyang karapat-dapat na maging pangulo ng bansa

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Isa sa mga pinakaabangan 'di umano ng publiko ay ang political fast talk ni Boy Abunda sa kanyang The 2022 Presidential One-On-One Interviews.

Nalaman ng KAMI na agad na naging kontrobersyal ang mga naging sagot ni Vice President Leni Robredo sa fast talk na ito gayung nakapagbigay siya ng isa-isang sagot sa tanong ni Abunda kung bakit hindi dapat na iboto ang kanyang mga katunggali sa pagiging susunod na Pangulo ng Pilipinas.

Read also

Leni Robredo, matapang na sinagot bakit 'di dapat iboto si BBM: "Number 1, sinungaling"

Leni Robredo, sinagot isa-isa bakit hindi dapat iboto ang mga katunggali sa pagka-pangulo
Photo: Vice President Leni Robredo
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Unang naitanong sa kanya ay si dating Senator Bongbong Marcos na ang agad niyang naisagot ay ang pagiging 'sinungaling' umano nito. "In the difficult times hindi siya nagpapakita," dagdag pa niya.

Nang maitanong naman sa kanya bakit hindi dapat iboto si Manila City Mayor Isko Moreno, sinabi niyang hindi umano ito klaro sa mga paninidigan niya sa maraming bagay.

Si Senator Ping Lacson naman, sinabi ni Robredo na "maraming salita ngunit kulang sa on-the-ground na gawa."

"Ito malungkot ito Boy, pero 'yung kabutihan kasi ng loob sa atin hindi sapat," pahayag naman ni VP Leni patungkol sa kung bakit hindi dapat umano iboto si Senator Manny Pacquiao.

"At nang tanungin naman siya ni Abunda kung bakit siya ang nararapat, "Ako Boy, pinakita ko ngayong krisis na ito and many pther crises in the past na ang mga babaeng lider nagsa-shine during crisis. and pinakita ko 'yan sa maraming trabaho namin dito sa OVP. Marami kaming crises na nalampasan with flying colors"

Read also

Bongbong Marcos sa kanyang magiging COVID-19 response; "No more lockdowns"

Narito ang kabuuan ng panayam sa kanya ni Boy Abunda mula sa YouTube nitong The Boy Abunda Talk Channel:

Si Leni Robredo ay ang kasalukuyang Bise Presidente ng Pilipinas. Siya ay misis ng namayapa na na si Jesse Robredo at nabiyayaan sila ng tatlong anak.

Bukod kay Robredo, nauna nang naisa-ere sa YouTube channel ni Aboy Abunda ang panayam nito kay Senator Ping Lacson at dating senator Bongbong Marcos.

Bahagi ito ng kanyang The 2022 Presidential One-On-One Interviews with Boy Abunda na mapapanood mula Enero 24 hanggang Enero 28 kung saan itinatampok nito ang top 5 presidential candidates ng bansa para sa Halalan 2022.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica