Bato Dela Rosa, binawi ang kandidatura bilang presidente sa darating na Halalan 2022

Bato Dela Rosa, binawi ang kandidatura bilang presidente sa darating na Halalan 2022

- Nagtungo ng Comelec si Senator Bato Dela Rosa upang bawiin ang kanyang kandidatura sa pagka-pangulo

- Matatandaan na noong Oktubre 8 nang biglang maghain ng certificate of candidacy si Sen. Bato para sa pagtakbo niya sa pagka-pangulo

- Matapos ang mahigit sa isang buwan, halos kasabay niyang dumating sa Comelec si Senator Bong Go na sinamahan naman ni Pangulong Duterte

- Si Go ay nag-withdraw din ng kanyang kandidatura sa pagka-bise presidente para bigyang daan ang kanyang pagtakbo sa pagka-pangulo

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ngayong Nobyembre 13, marami ang naging kaganapan sa Comelec at isa na rito ang pag-withdraw ni Senator Bato Dela Rosa sa kandidatura niya sa pagka-pangulo.

Nalaman ng KAMI na halos magkakasabay na dumating sina Senator Dela Rosa at sina Senator Bong Go na sinamahan naman ni Presidente Rodrigo Duterte sa comelec.

Read also

Bong Go, tatakbo bilang pangulo sa darating na Halalan 2022

Bato Dela Rosa, binawi ang kandidatura bilang presidente sa darating na Halalan 2022
Senator Ronald "Bato" Dela Rosa (Photo from Bato Dela Rosa)
Source: Facebook

Si Go ay nag-withdraw sa kanyang unang nahainan ng kandidatura, ang pagka-bise presidente ng bansa.

Sa kanyang Facebook post bago magtungo sa Comelec, pinasalamatan ni Senator Bato ang kanyang mga naging supporters sa panandaliang panahon ng pagtakbo niya sa pagka-pangulo.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Mahal kong mga supporters, isang malaking karangalan ang 1 month and 5 days na pagsama ninyo sa aking panaginip na maging Pangulo ng ating bansa. Ngayon po ay sabayan naman ninyo ako sa aking pagising sa katotohanan. Papunta po ako ngayon sa Comelec, Intramuros upang magwithdraw ng aking COC bilang pagsunod sa decision ng aming partido. Maraming Salamat po sa inyong lahat. Let us pray for a better Philippines. God bless us all!"

Samantala, ngayong araw din pormal na naghain ng substitution ang legal counsel at authorized representative ni Mayor Sara Duterte na si dating Presidential Commission on Good Government acting chair Reynold Munsayac.

Read also

Bongbong Marcos at Sara Duterte tandem, kasado na para sa Eleksyon 2022

Ito ay matapos umanong maunang mag-withdraw ng kandidatura ang alleged “placeholders” ng Lakas-CMD na si Lyle Uy.

Matapos ito, agad naman inilabas ang resolusyon ng PFP o Partido Federal ng Pilipinas para pormal nilang i-adopt at i-endorso si Davao City Mayor Sara Duterte na tatakbo bilang bise presidente ng bansa sa darating na Halalan 2022.

Ang PFP ang partido ni dating senador Bongbong Marcos kaya ito umano ang kumpirmasyon ng tandem ng dalawa sa pagka-pangulo at bise presidente.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica