Mayor Sara Duterte, naghain na ng kandidatura sa pagka-bise presidente para sa Eleksyon 2022
- Tuloy na ang pagtakbo ni Mayor Sara Duterte sa pagka-bise presidente sa darating na Eleksyon 2022
- Sa kanyang Facebook page, inabisuhan na niya ang kanyang mga tagasuporta maging ang media na huwag nang pumunta at dumumog pa sa Comelec gayung siya ay nasa Davao City
- Iyon pala, ang kanyang legal counsel na si Presidential Commission on Good Government acting chair Reynold Munsayac ang nagtungo sa Comelec upang pormal na maghain ng kandidatura ni Inday Sara
- Nauna munang mag-withdraw ng candidacy ang naunang pambato ng Lakas-CMD na si Lyle Uy na agad sinundan ng substitution ni Mayor Sara
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Ngayong araw, Nobyembre 13 ay pormal na naghain ng certificate of candidacy si Mayor Sara Duterte na tuloy na ang pagtakbo sa pagka-bise presidente ng bansa.
Nalaman ng KAMI na naunang mag-withdraw ng kandidatura ang alleged “placeholders” ng Lakas-CMD na si Lyle Uy.
Ilang sandali pa ay pormal na naghain ng subtitution ang kanyang legal counsel at authorized representative na si dating Presidential Commission on Good Government acting chair Reynold Munsayac.
Sa kanya namang Facebook page, isang araw bago naganapa ang kanyang filing ng COC, nagbigay mensahe na si Mayor Sara sa kanyang supporters at maging sa media.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
"Sa lahat ng aking mga taga-suporta, pati na po sa mga miyembro ng media -- nakikiusap po ako sa inyo na sana ay huwag na kayong mag-camp-out sa labas ng Comelec. Nakikiusap din ako sa mga nasa probinsiya na huwag kayo bumiyahe papunta Manila nandito lang po ako sa Davao City dahil sa sunod-sunod na pag-ulan at pagbaha"
"Sa aking mga supporters, humahanga po ako sa tibay ng inyong puso. Sa mga kasapi naman ng media, humahanga rin ako sa inyong dedikasyon sa trabaho"
"Hindi na kailangan mag-camp-out pa dahil meron pang pandemya at ayoko kayong magkasakit. Ulan at init ng araw ang inyong kalaban. Isipin nyo rin po sana ang kalagayan ng inyong mga pamilya"
"Magbibigay po ang mga spokesperson ng opisyal na pahayag, magbibigay po ng mga picture at video para sa inyo lahat"
"Patuloy nating mahalin ang ating bansang Pilipinas. Daghang salamat"
Narito ang kabuuan ng mga kaganapan sa Comelec na ibinahagi ng SMNI News:
Si Sara Duterte-Carpio ay ang kasalukuyang alkalde ng Davao City. Siya ay anak ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Matatandaang noong Oktubre 2, sa ganap na 4:15 ng hapon ay nagtungo ang kasalukuyang alkalde ng Davao city sa Comelec ng kanilang lugar upang pormal na magsumite ng kanyang certificate of candidacy sa parehong posisyon.
Subalit nito lamang Nobyembre 9, kasabay ni Mayor Sara na nag-withdraw ng kanilang kandidatura ang bunsong kapatid na si Baste Duterte na siyang tatakbo bilang alkalde ng kanilang lungsod.
Nito lamang Nobyembre 11, matapos dumalo sa kasalan ng anak ni Senator Bong Revilla, nanumpa na bilang kasapi ng Lakas-CMD si Inday Sara.
Source: KAMI.com.gh