Video ni Mayor Sara Duterte na umiiyak kasama ang empleyado ng kanilang city hall, viral
- Viral ngayon ang video ng isang empleyado ng Davao City Hall kung saan makikita si Mayor Sara Duterte na umiiyak
- Emosyonal si Mayor Sara habang yakap ang empleyado na nagpahayag ng pagsuporta sa kanilang alkalde
- Naganap ito matapos na mag-withdraw ng kandidatura sa pagka-alkalde ni Mayor Sara sa darating na Eleksyon 2022
- Kasabay din ito ng pagbawi ni Vice Mayor Sebastian Duterte sa kanyang kandidatura sa muling pagtakbo bilang bise presidente
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Agaw eksena ngayon sa social media ang video ng Davao City hall employee na si Elvielyn Restauro kung saan makikita silang magkasama ni Mayor Sara Duterte na humahagulhol.
Nalaman ng KAMI na kuha ni Chan Refuerzo, isa ring emplayado ng city hall ng Davao City ang madamdaming tagpo kung saan napayakap si Elvielyn sa kanilang alkalde matapos na ipahayag umano nito ang pag-withdraw sa kanyang kandidatura sa pagtakbo muli bilang Mayor ng Davao City.
Naikwento pa ni Elvielyn sa Manila Bulletin, na ito umano ang unang pagkakataon na nakita nilang umiyak ang kanilang suportadong alkalde.
Aniya, mamimiss niya ito gayung binawi na ng kasalukuyang alkalde ang kanyang kandidatura.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Ngunit sinabi naman daw nito sa kanila na sana'y suportahan din nila si Vice Mayor Sebastain "Baste" Duterte na siyang binawi rin ang pagtakbo sa pagiging Vice Mayor sa Eleksyon 2022 at maghahain ng kandidatura naman niya sa pagka-alkalde ng kanilang lungsod.
Si Sara Duterte ay ang kasalukuyang alkalde ng Davao City. Siya ay anak ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa isang naunang ulat ng KAMI ay ipinahayag ni Pangulong Duterte na hindi niya gusto tumakbo sa pagka-pangulo ang anak dahil sa hindi raw pambabae ang posisyon na ito.
Nobyembre 8 nang opisyal na ipinahayag ni Mayor Sara ang pagbawi ng kanyang kandidatura bilang alkalde sa Eleksyon 2022. Halos kasabay nito ang pagbawi rin ng kanyang kapatid na si Vice Mayor Baste ng kanyang muling pagtakbo sa parehong posisyon upang pumalit umano sa kay Mayor Sara sa pagkandidato nito sa pag-alkalde.
Nang araw ding iyon, naging emosyonal naman si Senator Bong Go sa speech niya sa Malasakit Center sa Antipolo kaugnay naman sa posibleng pagbabago rin umano sa kandidatura niya bilang bise presidente sa darating na halalan.
Source: KAMI.com.gh