Sara Duterte, muling iginiit na wala siyang plano na tumakbo sa pagka-Pangulo para sa Halalan 2022
- Muling iginiit ni Mayor Sara Duterte na wala umano siyang balak na tumakbo sa pagka-pangulo ng bansa para sa Halalan 2022
- Ito ay matapos na makita siyang nakasuot ng hoodie na "Sara All 2022" nang siya ay magtungo sa Cebu
- Naging maugong din ang tandem umano ni dating Senator Bongbong Marcos ati ni Mayor Sara
- Subalit tikom din ang bibig ng alkalde ng Davao ukol dito gayung ang kanila umanong napag-usapan ni Bongbong ay kung paano sila sususpotahan ng partido ni Sara
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Makailang beses nang itinanggi ni Mayor Sara Duterte na wala umano siyang plano na tumakbo sa pagka-Pangulo para sa Halalan 2022.
Sa pahayag niya sa mga reporters na nakapanayam niya sa Cebu, iginiit nitong wala talaga siyang plano na tumakbo sa pinakamataas na posisyon sa bansa.
"I do not have plans to run for president of the country," ani Mayor Sara na naibahagi ng GMA.
Ayon pa sa Cebu Daily News, tikom pa rin ang bibig ng alkalde ng Davao City patungkol naman sa maugong na tandem umano nila ni Bongbong Marcos matapos na sila ay mag-usap sa Cebu kamakailan.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Subalit ang tanging naibahagi ni Sara ay ang suporta at tulong umano ng kanyang partido na Hugpong ng Pagbabago sa kandidatura ni Marcos.
"There is no discussion about that yet. What we talked about for now is how "HNP" in Davao region can help his bid for the presidency," pahayag ni Mayor Sara.
Sa ulat ng Rappler, sinabing ang prayoridad pa rin ni Mayor Sara ay ang muli niyang pagtakbo bilang alkalde ng Davao City.
Si Sara Duterte ay ang kasalukuyang alkalde ng Davao City. Siya ay anak ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa isang naunang ulat ng KAMI ay ipinahayag ni Pangulong Duterte na hindi niya gusto tumakbo sa pagka-pangulo ang anak dahil sa hindi raw pambabae ang posisyon na ito.
Matatandaang mariin ding itinanggi mismo ito ni "Inday Sara" umano'y pagtakbo niya sa nasabing posisyon sa kabila ng pag-uudyok sa kanya ng kanyang mga taga-suporta.
Nito lamang Oktubre 2, pormal na naghain ng kanyang kandidatura sa pagtakbo muli bilang alkalde ng Davao City si Mayor Sara.
Source: KAMI.com.gh