Anak, emosyonal nang hindi inaasahang makasama muli ang ama matapos 20 taon

Anak, emosyonal nang hindi inaasahang makasama muli ang ama matapos 20 taon

  • Muling nagkita nang personal ang isang netizen at kaniyang ama matapos ang halos dalawang dekada, sa isang hindi niya inaasahang pagkakataon habang sakay siya ng pampasaherong bus mula Cavite patungong PITX
  • Ibinahagi ni Jinky Partolan sa Facebook ang emosyonal na karanasan matapos niyang makilala ang kaniyang ama sa kabilang bahagi ng bus, ilang buwan matapos maputol ang kanilang komunikasyon
  • Ayon kay Partolan, anim na buwan pa lamang siya nang huli siyang mahawakan ng kaniyang ama at lumaki siyang hindi kasama ang ama matapos maghiwalay ang kaniyang mga magulang
  • Sa kanilang maikling pagkikita, nagyakapan ang mag-ama bago bumaba ang kaniyang ama sa bus, isang sandaling sinabi ni Jinky na matagal na niyang hinihintay mula pa noong bata siya

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Isang hindi inaasahang pagkikita ang nagbigay ng emosyonal na sandali kay Jinky Partolan matapos niyang makitang muli ang kaniyang ama sa isang pampasaherong bus, ilang dekada matapos ang huli nilang pagkikita.

Anak, emosyonal nang hindi inaasahang makasama muli ang ama matapos 20 taon
Anak, emosyonal nang hindi inaasahang makasama muli ang ama matapos 20 taon (📷Jinky Partolan/Facebook)
Source: Facebook

Ibinahagi ni Partolan ang kaniyang karanasan sa Facebook, kung saan makikita sa viral na video ang emosyonal niyang pakikipag-usap sa isang lalaki habang nasa biyahe.

Read also

55-anyos na lalaki, huli matapos umano’y itago ang labi ng ama sa freezer para sa pensiyon

Ang lalaki ay walang iba kundi ang kaniyang ama na matagal na niyang hindi nakita nang personal.

Ayon kay Partolan, kasama niya noon ang kaniyang boyfriend at galing sila sa Patungan Beach Resort sa Cavite. Sumakay sila ng bus patungong PITX at wala siyang ideya na mangyayari ang isang mahalagang sandali sa kaniyang buhay sa mismong biyahe.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

“Kasama ko ang boyfriend ko niyan at galing kami sa Patungan Beach Resort sa Cavite. Sumakay kami ng bus papuntang PITX niyan at hindi ko inaasahan na mangyayari ‘tong magandang pangyayari sa buhay ko,” saad niya sa caption.

Ikinuwento ni Partolan na anim na buwan pa lamang siya nang huli siyang mahawakan ng kaniyang ama. Dahil sa paghihiwalay ng kaniyang mga magulang, lumaki siyang hindi kasama ang kaniyang ama.

“6 months old pa lang ako nang huli akong mahawakan ni Papa. Naghiwalay sila ni Mama kaya lumaki akong walang nakasamang ama at broken family,” ani Partolan.

Noong nakaraang taon, nagkaroon umano sila ng unang contact sa pamamagitan ng Messenger chat at video call. Sinabi niyang emosyonal siya noon dahil unang pagkakataon niyang nakausap ang kaniyang ama.

Read also

Collector ng CARD sa Leyte, natagpuang wala nang buhay ilang araw matapos mawala

May plano rin umano ang kaniyang ama na pumunta sa kanilang bahay ngunit hindi ito natuloy. Nagkaroon din sila ng personal na problema na naging dahilan upang muli silang mawalan ng komunikasyon.

Ayon kay Partolan, ang huli nilang contact ay noong Disyembre 2025.

“Last contact namin, December 2025 pa at hindi na ‘yon nasundan. ‘Yong planong pagkikita namin is hindi na natuloy at sobra akong nasaktan doon…BUT! May maganda palang mangyayari, may ibang way pala para magkita kaming dalawa na wala sa plano,” kuwento niya.

Nakita niya ang ama habang naghahanap ng headset

Habang nasa bus, natutulog umano si Partolan at nakasandal sa balikat ng kaniyang boyfriend. Nagising siya at bumangon upang kunin ang kaniyang headset.

Hindi niya inaasahan na sa halip na headset lamang ang makita niya, mapapansin niya ang kaniyang ama sa kabilang bahagi ng bus.

Ayon sa kaniyang kuwento, may kinakausap na babae ang kaniyang ama nang mapansin niya ito. Una niyang sinabi sa kaniyang boyfriend na maaaring iyon ang kaniyang ama, bago muling tumingin upang makasiguro.

Nang makumpirma niyang siya nga iyon, tinawag niya ito.

“Tinawag ko siya, sabi ko, ‘Papa,’ hindi siya tumingin agad sa akin, kaya para mapukaw ko ang atensyon niya, inangat ko ‘yong braso ko at tinapat sa kaniya sabay hawi at bigkas ng ‘Papaaaa.’”

Read also

Claudine Barretto, sinang-ayunan ang depensa ni Mariel para kay Robin Padilla

Nagkatitigan umano sila nang ilang segundo bago niya sabihin, “Ako ‘to, si Jinky.”

Ayon kay Partolan, napaiyak siya nang marinig ang tanong ng kaniyang ama.

“Ikaw ‘yan? Anak? Ikaw ba talaga ‘yan?”

Maikling pagkikita, naging mahalagang alaala

Nang malaman ng ibang pasahero na unang beses nilang nagkita nang personal, nag-adjust umano ang ilan upang mas mapalapit ang mag-ama sa isa't isa.

Nang tuluyan silang magkalapit, nagyakapan umano sila.

Hindi man nagtagal ang kanilang pagsasama dahil kailangan nang bumaba ng kaniyang ama, sinabi ni Partolan na naging mahalaga pa rin sa kaniya ang pagkakataong iyon.

“Thank you, Lord dahil tinupad mo ang isa sa wish ko simula bata pa lang ako na magkita kami ni Papa, pinagtagpo mo kaming dalawa sa hindi inaasahan,” pagtatapos niya.

Umaasa rin si Partolan na muli silang magkikita ng kaniyang ama at magkakaroon ng mas mahabang panahon upang makapag-bonding.

Ang hindi inaasahang pagkikita nina Partolan at ng kaniyang ama ay kahalintulad ng iba pang kuwentong naiulat sa KAMI.com.ph kung saan naging mahalaga ang muling pagkikita at pagkilala ng mga magkakapamilya.

Read also

Bianca Umali, chill sa road trip kasama si Ruru Madrid matapos ang viral confession

Sa isang naunang ulat, naging tampok ang kuwento ng dalawang sanggol na nagkapalit umano sa ospital at kalaunan ay naging bahagi ng isang espesyal na selebrasyon. Iniulat ng KAMI ang ginawang pamaskuhan para sa mga bata ni Jessica Soho, na naging bahagi rin ng kuwento ng kanilang mga pamilya.

Samantala, isa ring paghihintay para sa kumpirmasyon ng pagkakakilanlan ang naging sentro ng isa pang ulat ng KAMI tungkol sa pamilya ni Frank Barbasa. Naghihintay noon ang pamilya sa resulta ng DNA test upang magkaroon ng kumpirmasyon, isang prosesong may malaking kahalagahan para sa mga sangkot.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate