Meiko Montefalco, nagsalita sa isyung kinasasangkutan ng ex

Meiko Montefalco, nagsalita sa isyung kinasasangkutan ng ex

  • Nagsalita si Meiko Montefalco tungkol sa balitang nawawala umano ang dati niyang partner na si Patrick at nilinaw ang kasalukuyang kalagayan nito
  • Ayon kay Meiko, nasa isang pinagkakatiwalaang rehabilitation center si Patrick para sa kanyang ikabubuti at alam umano ito ng pamilya nito
  • Ipinaliwanag niyang hindi niya maaaring ibahagi ang ibang detalye dahil nakatali siya sa isang confidentiality agreement na may kaugnayan sa proseso
  • Umapela rin si Meiko na itigil ang umano’y maling impormasyon at sinabing nais niyang mapanatili ang kanyang oras, lakas, at kapayapaan para sa kanilang mga anak

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Naglabas ng mahabang pahayag si Meiko Montefalco matapos kumalat ang balitang nawawala umano ang dati niyang partner na si Patrick.

Meiko Montefalco, nagsalita sa isyung kinasasangkutan ng ex
Meiko Montefalco, nagsalita sa isyung kinasasangkutan ng ex (📷Meiko Montefalco/Facebook)
Source: Facebook

Sa kanyang Facebook post, sinabi ni Meiko na ito na ang huling pagkakataong magsasalita siya tungkol sa sensitibong usapin. Ayaw na rin umano niyang patuloy itong pag-usapan ng publiko.

Aniya, “This will be the last time I am addressing this issue dahil ayoko nang pagpiyestahan pa to ng mga tao.”

Read also

Sanhi ng pagpanaw ni Jobert Sucaldito, inilahad ng anak

Direkta ring nilinaw ni Meiko ang kalagayan ni Patrick. Ayon sa kanya, buhay ang kanyang dating partner at kasalukuyang nasa isang pinagkakatiwalaang rehabilitation center.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

“Patrick is very much alive and he is in a trusted rehabilitation center for his betterment. As a mother, I wish for him to one day face our kids as a better man and a father far from how he was before.”

Dagdag pa niya, “Ayokong humarap sya sa mga anak namin na ganoon pa din syang klase nang tao.”

Sinabi rin ni Meiko na naipakita na niya sa pamilya ni Patrick ang mga dokumento at impormasyong hinihingi sa kanya. Gayunman, hindi umano niya maaaring ilabas sa publiko ang ibang detalye dahil sa kasunduang dapat niyang sundin.

Paliwanag niya, “But for the other details, I am contractually bound NOT TO DISCLOSE. At alam din nila ang confidentiality agreement na yon dahil hindi pwedeng madisrupt ang rehab process niya.”

Mariin din niyang sinabi, “Hindi yan nawawala dahil alam niyong nasa rehab.”

Ibinahagi ni Meiko na labis siyang nasaktan sa mga nangyari, lalo na dahil kailangan niyang ilaan ang kanyang panahon at pera sa legal na proseso sa halip na sa kanilang mga anak. Ayon sa kanya, siya na lamang ang inaasahan ng mga bata.

Read also

Heart Evangelista, may prangkang sagot sa usapang bisyo

“Durog na po ako. Marami akong kasalanan sa mundo na pinagbabayaran ko ngayon pero wag niyo naman akong durugin pa dahil kailangan ako ng mga anak ko.”

Sa pagtatapos ng kanyang pahayag, binigyang-diin niyang isang pampamilya at legal na usapin ang sitwasyon. Nagbabala rin siyang maaari niyang dalhin sa korte ang patuloy na pagpapakalat ng umano’y kasinungalingan laban sa kanya.

“Ito ay usaping pamilya at legal. Kung ipagpapatuloy niyo ang pagpapakalat ng mga kasinungalingan at paninira, sa korte tayo magkita kita.”

“Hindi ako natatakot sa inyo dahil kakampi ko ang katotohanan.”

Nakilala si Meiko Montefalco sa social media, kung saan naging bukas siya sa ilang bahagi ng kanyang personal na buhay at karanasan bilang ina. Sa mga nauna niyang post, naibahagi rin niya ang kanyang mga pagsubok, mga natutunan sa relasyon, at ang hangarin niyang unahin ang kapakanan ng kanyang mga anak. Sa pinakahuling pahayag, malinaw ang kanyang pakiusap na igalang ang pagiging pribado ng usapin.

Read also

Miles Ocampo at Elijah Canlas, hiwalay na umano ayon kay Ogie Diaz

Nauna nang naging emosyonal si Meiko matapos marinig ang sagot ng kanyang anak sa isang tanong. Hindi niya napigilan ang kanyang luha dahil sa naging tugon nito, na nagbigay-diin sa kanilang ugnayan bilang mag-ina.

Nagbahagi rin si Meiko ng bago niyang panuntunan pagdating sa pagpili ng taong makakasama sa buhay. Inilahad niya ang mga bagay na mas pinahahalagahan niya matapos ang mga karanasang pinagdaanan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate