Heart Evangelista, may prangkang sagot sa usapang bisyo

Heart Evangelista, may prangkang sagot sa usapang bisyo

  • Prangkang inamin ni Heart Evangelista na maituturing niyang bisyo ang shopping nang sumagot siya sa isang tanong sa Kapuso game show na The People Have Spoken with Sean Lucas
  • Ipinaliwanag ng aktres at global fashion personality na handa siyang magsikap at magtrabaho upang mabili ang mga bagay na gusto niya nang walang ibang taong nasasaktan
  • Mas pipiliin umano ni Heart ang asawang may mga bisyo ngunit masipag kaysa sa isang taong walang bisyo ngunit tamad dahil mahalaga sa kanya ang kasipagan
  • Mabilis na kumalat sa Reddit ang bahagi ng programa at umani ito ng magkakaibang reaksiyon mula sa netizens tungkol sa kanyang pahayag at pampublikong imahe

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Muling naging paksa ng usapan online si Heart Evangelista matapos ang kanyang prangkang pag-amin sa isang episode ng Kapuso game show na The People Have Spoken with Sean Lucas.

Heart Evangelista, may prangkang sagot sa usapang bisyo
Heart Evangelista, may prangkang sagot sa usapang bisyo (đź“·@iamhearte/IG)
Source: Instagram

Sa programa, tinanong ang mga kalahok: “Mas pipiliin mo ba ang asawang maraming bisyo pero masipag, o walang bisyo pero tamad?”

Read also

Toni Fowler, tinanggal na ang kanyang breast implants matapos ang 10 taon

Para kay Heart, mas pipiliin niya raw ang unang opsiyon. Ipinaliwanag niyang mayroon din siyang maituturing na personal na “bisyo”—ang pamimili ng mga bagay na gusto niya.

“Bisyo ko shopping, pero kung magtrabaho ako, nahihimatay, naoospital, everything, para mabili ko yung gusto ko. So wala naman akong sinasaktan nang dahil d’on,” saad ni Heart.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Binigyang-diin din niya na hindi niya gusto ang taong “tamad.” Sa kanyang paliwanag, sinabi niyang sinisikap niyang kumita sa pamamagitan ng pagtatrabaho upang masuportahan ang kanyang mga kailangan at kagustuhan. Para sa aktres, mahalagang may kasipagan at pananagutan ang isang tao kahit mayroon itong personal na mga hilig.

Ibinahagi sa Reddit ang bahagi ng nasabing episode at agad itong nakakuha ng sari-saring reaksiyon. May ilang mga netizens na nakatuon sa kanyang pag-amin tungkol sa shopping, habang ang iba ay nagkomento tungkol sa kanyang pisikal na anyo.

May ilan ding nag-ugnay sa pahayag sa mga alegasyong ibinabato online laban sa kanyang asawang si Senador Chiz Escudero. Gayunman, ang mga komentong ito ay reaksiyon lamang ng social media users at hindi patunay sa anumang paratang.

Read also

Rosmar Tan, pumalag sa tsikang ipinalaglag umano ang kaniyang baby

Hindi ito ang unang pagkakataong naging viral ang sagot ni Heart sa parehong programa. Nauna na ring pinag-usapan ang kanyang pabirong pahayag tungkol sa pagkakaroon ng pera kahit walang mga kaibigan.

Kilala si Heart bilang isa sa mga pinakaglamorosong personalidad sa Philippine entertainment industry. Bukod sa pag-arte, nakabuo siya ng pangalan sa global fashion scene sa pamamagitan ng pagdalo sa prominenteng fashion events sa iba’t ibang bansa.

Madalas niyang ibahagi sa social media ang kanyang luxury clothes, sapatos, bag, at iba pang accessories. Tinagurian din siyang Queen of Creative Collaborations dahil sa kanyang mga proyekto kasama ang lokal at international brands.

Sa isang kaugnay na balita, personal na inayusan at minakeupan ni Heart si John Prats. Ipinakita sa naturang pagkakataon ang kanyang pagiging malikhain at hands-on sa styling.

Naging bukas din si Heart tungkol sa lumalalim niyang pagkakaibigan sa co-host niyang si Sean Lucas. Inamin niyang nagiging close na sila habang magkasamang nagtatrabaho sa The People Have Spoken.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate