Miles Ocampo at Elijah Canlas, hiwalay na umano ayon kay Ogie Diaz

Miles Ocampo at Elijah Canlas, hiwalay na umano ayon kay Ogie Diaz

  • Ibinahagi ni Ogie Diaz na kinumpirma umano ng kanyang source na hiwalay na sina Miles Ocampo at Elijah Canlas
  • Nauna rito ang pagkalat ng video ni Elijah kasama si Thea Astley, na naging dahilan ng sari-saring espekulasyon online
  • Sinubukan umano ni Ogie na direktang tanungin sina Miles at Elijah, ngunit wala pa siyang natanggap na sagot mula sa dalawa
  • Nilinaw rin ng source ni Ogie na matagal nang magkaibigan sina Elijah at Thea at marami silang kasama sa La Union

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Muling naging usap-usapan ang tunay na estado ng relasyon nina Miles Ocampo at Elijah Canlas matapos magbahagi ng update ang talent manager at showbiz vlogger na si Ogie Diaz.

Miles Ocampo at Elijah Canlas, hiwalay na umano ayon kay Ogie Diaz
Miles Ocampo at Elijah Canlas, hiwalay na umano ayon kay Ogie Diaz (📷@elijahcanlas/IG)
Source: Instagram

Sa isang episode ng “Showbiz Update,” sinabi ni Ogie na nagtanong siya sa kanyang source matapos lumabas ang isang TikTok video kung saan nakitang magkasama sina Elijah at Kapuso actress Thea Astley. Dahil sa isang bahagi ng video, nagkaroon ng hinala ang ilang netizens na may hiwalay na nga sina Miles at Elijah.

Read also

Papa Jackson tumulong sa caller sa kanyang podcast, kinaantigan ng netizens

Ayon kay Ogie, una niyang sinubukang kausapin si Miles sa pamamagitan ng direct message.

“Sabi ko sa kanya, ‘Kayo pa ba ni Elijah?’ Kasi nga may lumabas na nakita itong si Elijah na kasama si Thea na taga-channel 7 sa La Union na parang magkahawak kamay, so tinanong ko si Miles (at) walang sagot,” Ogie shared.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Maging si Elijah ay tinanong din umano ng talent manager-vlogger. Gayunman, wala rin daw itong tugon sa kanya. Ipinaliwanag ni Ogie na ayaw niyang agad humusga dahil malapit siya sa dalawang aktor at alam niya ang pinagdaanan ng kanilang relasyon.

“Ayokong magalit dahil malapit ako sa dalawang batang ‘yan dahil alam ko mga five years na ‘yung relationship nila dahil nag-split pa nga ‘yang mga batang ‘yan tapos nagkabalikan (2024),” Ogie shared.

Sa gitna ng mga komento at alegasyon laban kay Elijah, pinaalalahanan naman ni Mama Loi ang publiko na hindi pa alam ang buong kuwento.

“Ay, grabe naman po kayo hindi pa natin alam ang kuwento,” Mama Loi commented.

Read also

Melai Cantiveros, inamin ang 6-buwang hiwalayan nila ni Jason Francisco bago muling nagkasama

Dahil hindi sumagot sina Miles at Elijah, lumapit umano si Ogie sa ilang taong malapit sa dalawa. Dito niya nalaman ang paliwanag tungkol sa viral na tagpo nina Elijah at Thea.

“Sa La Union ‘yun di ba? Marami raw silang magkakasama ro’n. And then parang pinatatabi lang daw ni Elijah si Thea para kunan ng picture at na-screenshot na, nakunan din ng picture na inakala magka-holding hands pero ang sabi ng aking source ay matagal nang magkaibigan ‘yung dalawa,” Ogie shared.

Pagdating naman sa relasyon nina Miles at Elijah, sinabi ni Ogie na may kumpirmasyon umano siyang natanggap mula sa kanyang source.

“Ang sabi ng aking source confirmed na hiwalay na sina Miles at Elijah parang two months ago na at hindi sinabi kung bakit at hindi ko rin alam.

Sa kabila nito, wala pang direktang pahayag mula kina Miles at Elijah tungkol sa lumabas na balita ng hiwalayan. Hindi rin sinabi ng source ni Ogie ang dahilan kung bakit umano natapos ang kanilang relasyon. Dahil dito, nananatiling mahalaga ang opisyal na pahayag ng dalawang aktor bago makabuo ng tiyak na konklusyon.

Read also

Maegan Aguilar, aminadong allowance muna ang natatanggap nilang magkakapatid

Sina Miles at Elijah ay ilang taon nang nauugnay sa isa’t isa. Dumaan din sa paghihiwalay ang dalawa bago sila muling magkabalikan noong 2024, ayon sa naunang pahayag ni Ogie. Kapwa abala ang dalawa sa kani-kanilang career, kung saan regular na napapanood si Miles sa “Eat Bulaga,” habang patuloy naman si Elijah sa paggawa ng mga pelikula at serye.

Nauna nang naging laman ng balita si Elijah dahil sa kanyang paninindigan laban sa stigma na kinakaharap ng LGBTQ+ community. Hiniling ng aktor ang mas malawak na pag-unawa at pagtanggap mula sa publiko.

Muli ring naugnay sina Miles at Elijah sa breakup speculation dahil sa kumalat na video kasama si Thea. Maraming netizens ang nagtanong noon tungkol sa tunay na estado ng relasyon ng dalawa, bagaman wala pang direktang kumpirmasyon mula sa kanila.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Tags: