Papa Jackson tumulong sa caller sa kanyang podcast, kinaantigan ng netizens

Papa Jackson tumulong sa caller sa kanyang podcast, kinaantigan ng netizens

  • Ginamit ni Papa Jackson ang kanyang late night podcast na “Petty Night” upang tulungan ang caller na si Mae, 29-anyos mula sa Makati City, na nagbahagi ng kanyang problema sa pamilya
  • Ibinahagi ni Mae na sinasaktan umano siya ng ama ng kanyang mga anak at hawak nito ang kanyang bank account, dahilan upang mawalan siya ng sariling pera at mas mahirapan sa sustento ng kanyang dalawang anak
  • Sa live broadcast, hiningi ni Papa Jackson ang isa pang bank account details ni Mae na siya lamang ang may access, at ibinahagi ito sa netizens na agad nagpaabot ng tulong
  • Naging emosyonal si Papa Jackson sa programa, sabay pasasalamat ni Mae sa kanya at sa mga netizens na bukas na tumulong sa gitna ng kanyang sitwasyon

Naging emosyonal ang Filipino radio disc jockey (DJ) na si “Papa Jackson” sa kaniyang late night podcast na “Petty Night” matapos pakinggan ang madamdaming kuwento ng kaniyang caller.

Read also

Toni Fowler, tinanggal na ang kanyang breast implants matapos ang 10 taon

Papa Jackson tumulong sa caller sa kanyang podcast, kinaantigan ng netizens
Papa Jackson tumulong sa caller sa kanyang podcast, kinaantigan ng netizens (📷John Gemperle/Facebook)
Source: Facebook

Kinaantigan ng netizens ang ginawang pagtulong ni Papa Jackson sa caller na pinangalanang “Mae,” isang 29-anyos na nanay mula sa Makati City.

Sa kaniyang narasyon sa live broadcast, ibinahagi ni Mae na sinasaktan siya ng ama ng kaniyang mga anak. Bukod dito, hawak din umano nito ang kaniyang bank account kaya wala siyang sariling pera.

Lalo pang nabigatan ang sitwasyon ni Mae nang matanggal siya sa trabaho, dahilan upang mas mahirapan siyang sustentuhan ang dalawa niyang anak, na ang isa ay sanggol pa lamang.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Dahil dito, hiningi ni Papa Jackson ang detalye ng isa pang bank account ni Mae—na siya lang mismo ang may access—at ibinahagi ito sa mga netizens na nakikinig sa programa upang makapangalap ng tulong.

Sinabi ni Papa Jackson na ito ang kauna-unahang pagkakataon na ginawa niya ang ganitong aksyon sa kaniyang programa.

“This is the first time that we’ve done this. This is the good thing about this community, kaya ayoko ng toxic, e,” pahayag ni Papa Jackson sa live broadcast.

Read also

Rosmar Tan, pumalag sa tsikang ipinalaglag umano ang kaniyang baby

Mabilis namang tumugon ang netizens at nag-abot ng tulong pampinansyal para kay Mae at sa kaniyang mga anak.

Labis naman ang pasasalamat ng caller sa DJ at sa listeners na nagbukas ng palad sa kaniyang gitna ng kagipitan.

“Sobrang thank you po, Papa Jackson…pakisabi po sa mga nakikinig, maraming maraming salamat po,” pahayag ni Mae.

Si Papa Jackson, o John S. Gemperle sa tunay na buhay, ay isa sa mga pinakasikat na radio DJs at love advisers sa bansa. Unang nakilala sa kanyang mga panggabing love advice shows sa radyo, patuloy siyang minamahal ng publiko dahil sa kanyang praktikal na payo at pagtulong sa mga nangangailangan.

Habang patuloy na pinupuri ng mga tagapakinig ang kabutihang-loob ni Papa Jackson sa kanyang listeners, marami rin ang interesadong makibalita sa iba pang mga usapin na kinasangkutan niya kamakailan.

Kaugnay nito, naging mainit na paksa rin sa online community noong magsalita ang sikat na DJ ukol sa kanyang mga nakatrabaho sa radyo. Sa isang hiwalay na ulat, di na nakapagtimpi si Papa Jackson nang ibunyag niya ang itinuturing niyang pinakaiinisang DJ sa industriya ng radyo.

Read also

Sarah Geronimo, ipinagdiwang ang 38th birthday kasama ang kanyang mga magulang

Bukod pa rito, muling naging usap-usapan si Papa Jackson matapos niyang ipagtanggol ang kanyang kapwa DJ sa harap ng pambabatikos ng netizens. Sa naturang balita, ipinaglaban ni Papa Jackson si DJ Kara at ipinaliwanag ang tungkol sa nakaraan nito upang irepeto at maunawaan ng publiko ang kanyang totoong katauhan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate