Di na nakapagtimpi! Papa Jackson, binunyag ang pinakaiinisang DJ

Di na nakapagtimpi! Papa Jackson, binunyag ang pinakaiinisang DJ

- Isa marahil sa pinakasikat ng DJ sa radyo ay si Papa Jackson na kilala din bilang si Papa Jack

- Naging palaisipan sa karamihan ang kanyang pag-alis sa dati niyang istasyon kung saan siya nagtrabaho ng matagal na panahon

- Sa isang vlog na kung saan siya sa sumalang sa fast talk, pinangalanan ni Papa Jackson ang kinaiinisan niyang DJ

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isa sa pinakasikat na DJ si John Gemperle o mas kilala bilang Papa Jack. Gayunpaman, dahil lumipat na siya ng istasyon kinailangan niyang magpalit ng gagamiting pangalan at iyon ay Papa Jackson.

Naging kontrobersiyal ang kanyang pag-alis sa dati niyang istasyon dahil bukod sa marami siyang tagasubaybay, tila biglaan din ang mga pangyayari.

Sa mga naging panayam sa kanya sinabi na rin niyang isa sa dahilan ng kanyang pag-alis ay dahil nais siyang ilipat ng time slot. Dahil final na ang desisyon ng management ay minabuti na lamang umalis ni Papa Jackson.

Gayunpaman, tila masaya na siya sa bagong istasyong kanyang kinabibilangan. Isang video ang ibinahagi ng YouTube channel n Almira Sheil.

Itinanong sa kanya ang ilan sa pinakakontrobersiyal na tanong na hindi naman intrasang sagutin ni Papa Jackson. Bilang isang prangkang tao kahit noon pa man sa kanyang mga programa sa radyo, pinangalanan nito ang isang DJ na kinaiinisan niya.

Gayunpaman, enedit ang video upang matakpan ang bibig niya at hindi na tuluyang nabunyag kung sino iyon.

Base naman sa mga komento ng mga netizens na makikita sa comment section ng nasabing vlog, marami ang naniniwalang si Nicole Hyala ang tinutukoy nito.

Narito ang ilan sa mga reaksiyon ng netizens:

Nicole hyala.. Kc nabanggit niya ang boss's chair
NICOLE HYALA HAHAHA andami na nilang dj nagsalita paktay hahahah
Parang gets ko ung tinutukoy n papa jack..kung makapag post nga nmn akala mu d busy2.hahhaha...hate ko nga un sya e..paipal sya d k nmn sya gusto dun sa love radio.parang masyado na sya naging abusado
Binuburaot ata ni Nicole Hyala lahat ng DJ sa Love Radio para sha nlng matira!

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nakilala si Papa Jack bilang DJ na nagbibigay ng love advice. Naiiba ang kanyang pamamaraan dahil kung minsan ay pinapagalitan niya ang kanyang mga callers para magising sa kung ano mang maling ginagawa o paniniwala.

Kasalukuyang napapakinggan si Papa Jackson sa Energy FM.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Filipinos Answer Funny Tricky Questions Tagalog: Who Is Neil Armstrong? | HumanMeter

https://goo.gl/JooLri

Do you think you can answer them correctly? These individuals from the Philippines have their answers!

Click “Play” and find out the answers to these tricky questions from the Tagalog speakers

Source: Kami.com.ph

Related news
Miss Universe PH Signature Walks! 8 Gorgeous Pinay beauty queens and their fabulous famed struts

Miss Universe PH Signature Walks! 8 Gorgeous Pinay beauty queens and their fabulous famed struts

Miss Universe PH Signature Walks! 8 Gorgeous Pinay beauty queens and their fabulous famed struts
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel