Melai Cantiveros, inamin ang 6-buwang hiwalayan nila ni Jason Francisco bago muling nagkasama

Melai Cantiveros, inamin ang 6-buwang hiwalayan nila ni Jason Francisco bago muling nagkasama

  • Ibinunyag ng comedienne at TV host na si Melai Cantiveros na nagkahiwalay sila ng kanyang mister na si Jason Francisco nang halos anim na buwan nang hindi nalalaman ng publiko
  • Nangyari ang pag-amin sa unang episode ng online show na "Hello Outside World" kung saan kasama niyang nag-usap sina Bianca Gonzalez at Esnyr tungkol sa katatagan ng relasyon
  • Nagkaayos ang dalawa habang kasama ang kanilang anak sa isang sinehan kung saan napagdesisyunan nilang muling subukang ayusin ang kanilang pagsasama para sa pamilya
  • Nagkakilala ang tambalang Melason sa loob ng "Pinoy Big Brother" house noong 2009 at opisyal na ikinasal noong Disyembre 2013 sa Holy Cross Parish sa General Santos City

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Sa kauna-unahang pagkakataon, nagbukas ng kalooban ang TV host at komedyante na si Melai Cantiveros ukol sa isang malalim na pagsubok sa relasyon nila ng kanyang mister na si Jason Francisco. Sa gitna ng kanilang tila walang kapintasang pagsasama sa mata ng publiko, ibinunyag ni Melai na dumating sa puntong nagkahiwalay sila nang anim na buwan nang walang sinumang nakakaalam.

Read also

Senior citizen, natagpuang wala nang buhay matapos umano’y atake ng bubuyog sa Leyte

Melai Cantiveros, inamin ang 6-buwang hiwalayan nila ni Jason Francisco bago muling nagkasama
Melai Cantiveros, inamin ang 6-buwang hiwalayan nila ni Jason Francisco bago muling nagkasama (📷Melai Cantiveros - Francisco/Facebook)
Source: Instagram

Ibinahagi ito ng dating "Pinoy Big Brother" grand winner sa unang episode ng online show na "Hello Outside World," kung saan nakasama niya ang mga kapwa PBB housemates na sina Bianca Gonzalez at Esnyr.

"Ito, dito ko lang io-open talaga. Para ma-realize niyo lang na ang relationship talaga ay hindi 'yung kapag mag-away lang kayo ay breakup na agad, kapag may away kayo ay suko na agad. So kami, umabot talaga sa time na naghiwalay talaga kami, pero walang nakakaalam," pahayag ni Melai sa nasabing panayam.

Inipaliwanag din ng Kapamilya host kung bakit pinili nilang panatilihing pribado ang nangyaring sitwasyon. "Because nire-respect namin ang isa't isa. Tatay ni Mela, nanay ni Mela, so hindi kami pwedeng magsiraan kasi we share love for each other. So 'yun ang aming usapan. Naghiwalay kami. Six months talaga, hindi kami nagsama sa isang bahay. Dito ko lang talaga ito sinabi. Six months talaga," dagdag pa ng komedyante.

Read also

Doc Willie Ong, nagbahagi ng panibagong pagsubok ng kanilang pamilya

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ayon kay Melai, naganap ang kanilang muling pag-uusap at rekonsilyasyon sa isang hindi inaasahang pagkakataon habang kasama ang kanilang anak.

"Nag-usap kami niyan sa sinehan kasi kasama namin 'yung anak namin na nanood ng sine. So sabi niya i-try natin natin na i-work out kasi kailangan tayo ng anak natin," kwento ni Melai.

Ibinahagi rin niya ang naging resulta ng kanilang muling pagsubok: "So nagsama kami ulit. So nakita namin ang rapport, na in love ulit kami sa isa't isa. Hanggang mas naging more kaming na in love sa isa't isa dahil doon sa pinagdaanan namin at walang nakakaalam noon."

Malaki rin ang respeto ng aktres sa kanyang kabiyak dahil sa pagmamahal nito sa kanilang mga anak. "Kung hindi niya mahal anak ko, goodbye na kami. Ganoon din si Jason. Mahal niya ako na nakikita niya na sobrang [mahal ko ang mga anak namin]," aniya.

Binigyang-diin pa ni Melai na ang tunay na relasyon ay dumarada sa malalaking pagsubok at ang respeto ang nananatiling pundasyon nito. "Kapag dumaan ka sa butas (ng karayom) at nalagpasan niyo 'yan, 'yan ang totoo. At si Lord lahat 'yan. We owe it all to God," dagdag ng TV host. "Ang love nandiyan, pwedeng matutunan. Pero ang respect to each other ay nanatili -- six months walang nakakaalam na naghiwalay kami."

Read also

Lalaki sa Iloilo, nasawi sa pamamaril habang kasama ang anak sa kalsada

Ikinasal sina Melai at Jason noong Disyembre 9, 2013 sa Holy Cross Parish sa General Santos City, tatlong buwan matapos ihayag ng comedienne ang kanyang unang pagbubuntis. Unang sumikat ang kanilang tambalan bilang "Melason" nang magkasama sila sa loob ng "Pinoy Big Brother" house noong 2009. Sa kabila ng mga pinagdaanang pagsubok sa nakalipas na mga taon, patuloy na kinagigiliwan ang kanilang pamilya dahil sa kanilang pagiging totoong tao at pagpapahalaga sa bawat isa.

Bago ang matapang na pag-amin na ito ni Melai ukol sa kanilang pamilya, hindi rin nawawala ang atensyon ng publiko sa mga magagandang kaganapan at komedya sa buhay ng aktres.

Kaugnay nito, kinagiliwan kamakailan ng netizens ang naging reaksyon ni Melai Cantiveros sa isang drawing na nagpapakita sa kanila ni Jason Francisco. Sa nasabing ulat, ipinakita ang kakaibang humor at pagiging game ng TV host nang magbahagi ng kanyang komento sa malikhaing sining ng isang tagahanga.

Bukod pa rito, maging ang ibang kilalang personalidad sa industriya ay patuloy na humahanga sa katangian ng aktres. Sa isa pang ulat,todo-puri si Ai-Ai delas Alas kay Melai Cantiveros matapos ang kanilang masayang chance encounter. Ibinahagi ng Comedy AI-AI ang kanyang paghanga sa kababaang-loob at positibong enerhiya ni Melai sa kabila ng tagumpay nito sa showbiz.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate