Korte Suprema naglabas ng show cause order laban kina Bong Suntay at Atty. Topacio
- Naglabas ng show cause order ang Korte Suprema laban kina Rep. Bong Suntay at Atty. Ferdinand Topacio kaugnay sa kontrobersyal na pahayag nila kina Anne Curtis-Smith at Jasmine Curtis-Smith
- Naging usap-usapan ang manifestation ni Suntay sa House Committee on Justice hearing kung saan binanggit niya ang personal na pagnanasa kay Anne Curtis
- Sa programa naman ni Topacio, binanggit niya na hindi kasalanan ang anumang iniisip ng isang lalaki na panghahalay at direkta ring pinasaringan si Jasmine Curtis-Smith
- Binigyan ng 10 araw na palugit ng Korte Suprema sina Suntay at Topacio upang magsumite ng kanilang komento at paliwanag upang hindi mapatawan ng disbarment
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Naglabas ng show cause order ang Korte Suprema laban kina Quezon City 4th District Rep. Bong Suntay at Atty. Ferdinand Topacio matapos ang kontrobersyal na pahayag ng dalawa kaugnay sa mga aktres na sina Anne Curtis-Smith at Jasmine Curtis-Smith.

Source: Facebook
Matatandaang naging usap-usapan ang manifestation ni Suntay sa House Committee on Justice hearing noong Marso 3, 2026 kaugnay sa impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte. Sa kanyang pahayag, binanggit niya ang personal na karanasan kung saan nakita niya si Anne Curtis sa isang hotel. “Minsan nasa Shangri-La ako, nakita ko si Anne Curtis. Ang ganda-ganda pala niya. You know, may desire sa loob ko na nag-init talaga, at na-imagine ko na lang kung ano ang puwedeng mangyari. Pero siyempre hanggang imagination lang ’yon,” ani Suntay.
Samantala, sa programa ni Topacio na “Yes… Yes… Yo! Topoacio” ng DWIZ 882 noong Marso 5, 2026, sinabi niyang hindi kasalanan ang anumang iniisip ng isang lalaki na panghahalay o gahasain ang isang babae. “Kayong mga artista, mga ganyan, ikaw, Jasmine, bakit ka nagpo-post ng b*kini pictures mo sa social media, sa mga pahayagan—hindi ba para ikaw ay pagnasahan, para ikaw ay sumikat?” dagdag pa niya.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Bukod dito, inamin din ni Topacio sa publiko na minsan ay nagkaroon siya ng pagnanasa nang maamoy si Gabriela Women’s Partylist Rep. Sarah Elago. Ang mga pahayag na ito ay umani ng matinding batikos mula sa publiko at mga sektor na nagtatanggol sa karapatan ng kababaihan.
Batay sa inilabas na resolusyon ng Korte Suprema nitong Hulyo 8, 2026, inatasan ang dalawa na magsumite ng kanilang komento sa loob ng 10 araw. “Representative Suntay and Atty. Topacio are ordered to SHOW CAUSE why they should not be meted the ultimate penalty of disbarment by filing with the Court their respective comments within a NON-EXTENDIBLE period of 10 days from receipt of this Resolution,” ayon sa SC.
Kasabay nito, inutusan din ng Korte Suprema ang Office of the Bar Confidant na magsumite ng updated na listahan ng mga nakabinbing administrative case laban sa dalawa, at ang Integrated Bar of the Philippines (IBP) na magbigay ng status report. Habang sinusulat ito, wala pang inilalabas na pahayag sina Suntay at Topacio kaugnay sa isyu.
Sa isang hiwalay na ulat, nagbigay ng matinding pahayag si Erwan Heussaff tungkol sa pagkakaibigan at politika. Sa kanyang panayam, binigyang-diin niya ang kahalagahan ng respeto at tamang pakikitungo sa mga isyu na may kinalaman sa lipunan. Basahin ang buong detalye rito: Erwan Heussaff nagbigay ng matinding pahayag sa pagkakaibigan, politika.
Samantala, si Jasmine Curtis-Smith naman ay nagpahayag ng kanyang pagkadismaya sa paulit-ulit na pambabastos sa kababaihan online. Ayon sa kanya, panahon na upang mas seryosohin ang ganitong uri ng pang-aabuso at bigyan ng tamang aksyon. Basahin ang buong ulat dito: Jasmine Curtis napuno na sa paulit-ulit na pambabastos sa kababaihan online.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh

