“My mom, of course”: Bimby Aquino ibinahagi ang plano sa unang sweldo
- Bimby Aquino ibinahagi ang plano sa kanyang unang adult sweldo, kalahati ay idodonate sa simbahan bilang pagtupad sa pangako ni Kris Aquino, at kalahati naman ay gagamitin para i-treat ang kanyang ina na si Queen of All Media Kris Aquino
- Sa video noong Hulyo 4, makikita si Bimby na masayang nakapila para tanggapin ang kanyang unang sahod, at agad niyang sinabi na ang unang taong ititreat niya ay ang kanyang ina, sabay banggit ng kasunduan nila ni Kris tungkol sa donasyon sa simbahan
- Kasabay ng kanyang guest hosting stint sa isang noontime show, pinuri ng mga manonood ang chemistry niya kay Ryzza Mae Dizon, habang ang mga netizens naman ay nagbigay ng papuri kay Kris Aquino sa pagpapalaki kay Bimby na may tamang values at pananampalataya
- Bukod sa kanyang hosting, matagal nang naghahanda si Bimby para sa showbiz career, kabilang ang vocal lessons sa ilalim ni Thor Dulay, habang si Kris naman ay patuloy na nagpapagaling mula sa autoimmune diseases at umaasang makabalik sa pamamagitan ng kanyang video podcast
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Masayang ibinahagi ni Bimby Aquino ang kanyang plano sa unang adult sweldo. Sa isang video na in-upload noong Hulyo 4, makikita ang anak ni Kris Aquino na nakapila para tanggapin ang kanyang kita. “I’m claiming my first adult sweldo,” ani Bimby, sabay ngiti at excitement.

Source: Facebook
Nang tanungin kung sino ang unang taong ititreat niya gamit ang kanyang sahod, mabilis niyang sagot: “My mom, of course. I have to.” Dagdag pa niya, kalahati ng kanyang sweldo ay idodonate muna sa simbahan bilang pagtupad sa pangako ni Kris kay Bishop Jun. “And ang promise ni Mama to my priest, si Father Jun, or he is now a Bishop ata... So we’re going to donate half of it muna,” sabi ni Bimby.
Bukod sa kanyang plano, natuwa rin siya nang malaman na cash ang kanyang matatanggap. “Wow, it’s cash. I like cash!” biro niya.
Kasabay nito, kasalukuyang guest host si Bimby sa isang long-running noontime show. Pinuri ng mga manonood ang kanyang natural na hosting skills at chemistry kay Ryzza Mae Dizon. Maraming netizens ang nagkomento ng papuri kay Kris Aquino, na sa kabila ng kanyang health struggles ay nagawang palakihin si Bimby na may tamang values.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Noong Hunyo, nagpakita si Kris sa publiko para suportahan ang anak. Nakasuot ng white top, black skirt, at eyeglasses, masayang binati siya ng mga hosts at nakisalo pa sa dinner kasama sina Bimby, Ryzza, Miles Ocampo, at ina ni Ryzza.
Matagal nang nakahanda si Bimby para sa showbiz career. Noong nakaraang taon, nag-training siya sa Cornerstone Entertainment at kumuha ng vocal lessons kay Thor Dulay. Samantala, si Kris ay nagpahayag na hindi siya magiging “mamager” ng anak, kundi mananatiling ina na nagbibigay ng suporta habang ang career decisions ay iiwan kay Bimby at sa kanyang management team.
Ice Seguerra shares update on Bimby Aquino’s Eat Bulaga future and Kim Chiu’s viral joke Sa artikulong ito, ibinahagi ni Ice Seguerra ang update tungkol sa guest hosting stint ni Bimby sa Eat Bulaga. Kasama rin ang viral joke ni Kim Chiu na nagbigay ng dagdag aliw sa mga manonood.
Sobrang responsible: Kris Aquino ibinahagi ang nakaka-proud na ginawa ni Bimby Sa kwentong ito, ipinakita ni Kris kung gaano karesponsable ang kanyang anak. Maraming netizens ang humanga sa values ni Bimby at sa pagpapalaki ni Kris na nagbigay ng inspirasyon sa ibang magulang.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh


