Enrile family, naglabas ng pahayag sa sinabi ni Cayetano

Enrile family, naglabas ng pahayag sa sinabi ni Cayetano

  • Naglabas ng pahayag ang pamilya ng yumaong dating Senate President Juan Ponce Enrile kaugnay ng sinabi ni Senate President Alan Peter Cayetano na malapit umano siya sa kanilang ama
  • Ayon sa pamilya, matagal nang may ugnayan ang Cayetano at Enrile families ngunit ang tunay na relasyon ay nasusukat sa presensya, sincerity, at respeto lalo na sa panahon ng pagdadalamhati
  • Binanggit nila na sa necrological services at sa mga araw ng pagluluksa, malinaw kung sino ang naroroon at sino ang hindi, kaya’t ang mga pahayag ng closeness ay nagdulot ng lungkot at pagkadismaya
  • Dagdag pa ng pamilya, ang legacy ni Enrile ay dapat igalang nang may honesty at consistency, at hindi lamang binabanggit kapag convenient o politically useful

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Naglabas ng opisyal na pahayag ang pamilya ng yumaong dating Senate President Juan Ponce Enrile kaugnay ng sinabi ni Senate President Alan Peter Cayetano na malapit umano siya sa kanilang ama.

Read also

Jinggoy Estrada, nilinaw ang isyu sa CCTV footage at panawagan sa media

Enrile family, naglabas ng pahayag sa sinabi ni Cayetano
Enrile family, naglabas ng pahayag sa sinabi ni Cayetano (📷Katrina Ponce Enrile, Alan Peter Cayetano/Facebook)
Source: Facebook

Sa kanyang naunang pahayag, sinabi ni Cayetano na dalawa lamang ang hindi niya kamag-anak na tinatawag niyang “Uncle,” at isa na rito si Enrile, na aniya’y nakasama niya habang lumalaki.

Ngunit ayon sa pamilya ni Enrile, bagama’t matagal nang may ugnayan ang Cayetano at Enrile families, ang tunay na relasyon ay hindi nasusukat sa mga salitang binabanggit sa publiko matapos ang pagpanaw ng isang tao. “They are measured by presence, sincerity, and the quiet acts of respect shown to a grieving family during moments of profound loss,” anila.

Binanggit ng pamilya na sa necrological services sa Senado at sa mga araw ng pagluluksa, hindi nila maiwasang mapansin kung sino ang naroroon at sino ang hindi. Dahil dito, ang mga pahayag ng closeness ay nagdulot sa kanila ng lungkot at pagkadismaya.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Dagdag pa nila, ang legacy at sakripisyo ni Enrile ay hindi dapat binabalikan lamang kapag convenient, politically useful, o publicly advantageous. “He deserved sincerity in life, dignity in death, and peace in memory,” ayon sa pamilya.

Read also

Rock dela Rosa, emosyonal na panawagan para sa ama sa gitna ng tensyon

Sa kabila ng kanilang damdamin, nanatili silang tapat sa mga pagpapahalaga ng grace at restraint na ipinakita ni Enrile sa kanyang mahabang buhay publiko. “We pray that all who invoke his name do so with honesty, consistency, and genuine respect,” pagtatapos ng kanilang pahayag.

Si Juan Ponce Enrile ay isa sa pinakamatagal na nagsilbi sa Senado at naging Senate President. Kilala siya bilang isa sa mga prominenteng personalidad sa politika ng Pilipinas, na may mahigit apat na dekada ng serbisyo. Ang kanyang legacy ay nananatiling bahagi ng kasaysayan ng bansa, at ang kanyang pamilya ay patuloy na nananawagan ng respeto sa kanyang alaala.

Sen. Alan Peter Cayetano’s ready to resign: “Pangungunahan ko” Sa artikulong ito, ipinahayag ni Senate President Alan Peter Cayetano ang kanyang kahandaan na magbitiw sa pwesto kung kinakailangan. Ang pahayag ay nagbigay ng matinding diskusyon sa Senado at sa publiko.

Sen. Alan Peter Cayetano sinabing attack sa Senate ang putukan sa loob ng Senado Sa artikulong ito, sinabi ni Cayetano na ang nangyaring putukan sa loob ng Senado ay isang “attack” sa institusyon. Ang kanyang pahayag ay nagbigay-diin sa pangangailangan ng accountability at seguridad sa loob ng Senado.

Read also

Tito Sotto, dismayado sa PNP matapos batuhin ang sasakyan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Hot: