Tito Sotto, dismayado sa PNP matapos batuhin ang sasakyan

Tito Sotto, dismayado sa PNP matapos batuhin ang sasakyan

  • Binato, kinalampag, at pinagmumura ang sasakyan ni Senador Tito Sotto sa labas ng Senado matapos ang isang protesta, dahilan upang maglabas siya ng matinding galit at pagkadismaya sa mga awtoridad na nakatalaga sa seguridad
  • Nagpahayag si Sotto na nabigo ang PNP at iba pang security personnel na kontrolin ang mga nagpoprotesta, at tinawag niyang "barbaric" ang kanilang ginawa matapos paulit-ulit na hampasin ang kaniyang sasakyan, magbato ng bote, at magbitaw ng masasakit na salita
  • Binanggit ng dating Senate President na siya ay nagmamaneho nang mag-isa at walang bodyguards, kaya’t lalo siyang nagtaka kung bakit hindi agad kumilos ang mga nakadeploy na truck ng PNP upang pigilan ang insidente
  • Sa huli, nagtanong si Sotto kung nawawala na ba ang respeto ng mga taga-suporta ng ilang senador na nagrarally, kasabay ng kaniyang pagkadismaya sa kawalan ng kontrol at disiplina sa paligid ng Senado

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Dismayado si Senador Vicente “Tito” Sotto sa mga miyembro ng Philippine National Police (PNP) at iba pang security personnel matapos ang insidente sa labas ng Senado nitong Miyerkules ng gabi, Mayo 13. Ayon sa dating Senate President, hindi umano nakontrol ng mga awtoridad ang mga nagpoprotesta, dahilan upang pagbabatuhin at kinalampag ang kaniyang minamanehong sasakyan.

Read also

Precious Lara Quigaman, nagbahagi ng Mother’s Day reflection

Tito Sotto, dismayado sa PNP matapos batuhin ang sasakyan
Tito Sotto, dismayado sa PNP matapos batuhin ang sasakyan (📷@helenstito/IG)
Source: Instagram

Sa kaniyang social media post, ibinahagi ni Sotto ang galit at pagkadismaya sa nangyari. "I am furious and disappointed with the PNP and other security personnel assigned outside the Senate for failing to control the rowdy and unruly crowd, allowing them to assault me while inside my vehicle when I was about to exit the Senate," aniya.

Dagdag pa ng senador, "The barbaric protesters banged my vehicle repeatedly, threw bottles and cursed foul remarks. They can see that I am driving alone with no bodyguards. Ilang truck na PNP ang nakadeploy sa Senate, tapos ganito?"

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa huling bahagi ng kaniyang pahayag, nagtanong si Sotto kung nawawala na ba ang respeto ng mga nagpoprotesta. "Ganito na ba kawalang respeto at walanghiya ang mga taga suporta ng ilang Senador na nag rarally ngayong gabi?"

Matatandaang noong Mayo 11, dalawang araw bago ang insidente, pinatalsik si Sotto bilang Senate President at pinalitan ni Senador Alan Peter Cayetano. Isa rin si Sotto sa mga naghain ng Senate Resolution No. 395 na layong pasukuin si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa at sundin ang mga legal remedies kaugnay ng warrant of arrest ng International Criminal Court (ICC).

Read also

12-anyos lumangoy ng dalawang oras para masagip ang pamilya

Si Tito Sotto ay kilalang beteranong politiko at dating Senate President. Bukod sa kaniyang karera sa politika, isa rin siyang personalidad sa entertainment industry bilang dating miyembro ng grupong VST & Company. Sa Senado, nakilala siya sa mga panukalang batas na may kinalaman sa kalusugan, kabataan, at seguridad.

Sa isang artikulo ng Kami.com.ph, ipinagtanggol ni Cristy Fermin si Tito Sotto laban sa mga banat ni Anjo Yllana. Ayon kay Fermin, hindi dapat maliitin ang kontribusyon ni Sotto sa industriya ng entertainment at politika. Nagbigay siya ng matinding pahayag upang ipagtanggol ang dating Senate President laban sa mga negatibong komento.

Samantala, sa isa pang ulat ng Kami.com.ph, mariing itinanggi ni Ruby Rodriguez ang isang malisyosong tsismis na nag-uugnay kay Sotto. Ayon kay Ruby, walang katotohanan ang kumakalat na balita at iginiit niyang hindi dapat basta-basta paniwalaan ang mga ganitong uri ng tsismis.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate