Kabayanihan sa gitna ng sigalot: Pilipinang caregiver, pumanaw habang nagliligtas ng alaga
- Kinumpirma ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. ang pagkamatay ng isang Pilipinang caregiver sa gitna ng tensyon sa pagitan ng Israel at Iran
- Kinilala ang biktima na si Mary Anne Velazquez Rivera na tubong Pangasinan at nasawi habang sinusubukang iligtas ang kaniyang matandang alaga
- Nangako ang administrasyon na ibibigay ang lahat ng kinakailangang tulong at suporta para sa naulilang pamilya ng nasabing Overseas Filipino Worker
- Patuloy ang ginagawang pagbabantay ng pamahalaan sa kalagayan ng libo-libong mga Pilipino na kasalukuyang nananatili sa mga apektadong lugar sa rehiyon
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Sa isang malungkot na balitang ibinahagi ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. nitong Linggo ng gabi, Marso 1, kinumpirma ang kauna-unahang Pilipinong nasawi sa gitna ng lumalalang tensyon sa Middle East. Sa kabila ng naunang ulat na walang Pinoy na nasaktan, isang opisyal na report ang nagpabago sa sitwasyon matapos ang pag-atake noong Sabado ng gabi.

Source: Facebook
Ang biktima ay kinilalang si Mary Anne Velazquez Rivera, isang matapang na caregiver na tubong Pangasinan. Ayon sa Pangulo, pumanaw ang ating kababayan habang ginagawa ang kaniyang tungkulin. "Nakikiisa tayo sa taos-pusong pakikiramay sa pamilya ni Mary Ann Velasquez De Vera, isang OFW na caregiver sa Israel na nasawi habang sinusubukang iligtas ang kanyang alaga sa gitna ng kaguluhan sa rehiyon," pahayag ni PBBM sa kaniyang social media post.
Sa kaniyang video message, idinetalye ng Pangulo ang kabayanihang ipinamalas ni Rivera bago ang malagim na insidente. Isinasalba raw ng caregiver ang kaniyang matandang alaga para dalhin sa bomb shelter nang mangyari ang pagsabog. "Siya po ay isang caregiver sa Israel na tinutulungan ang kaniyang alaga para dalhin sa bomb shelter, ngunit hindi na po nakaabot sa bomb shelter at inabutan na sila bago sila nakarating," ani Marcos. Nilinaw din ng Pangulo ang sanhi ng pagkamatay nito: "Siya ay namatay dahil tinamaan ng shrapnel ng mga bumagsak na bomba."
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Ang asawa ni Rivera, na isa ring OFW sa Israel, ang mismong kumilala sa kaniya. Dahil dito, tiniyak ng MalacaƱang na hindi pababayaan ang pamilya sa Pilipinas. "Lahat po ng tulong na kakailanganin ng kanilang pamilya ay ihahatid ng ating pamahalaan," giit ng Pangulo. Dagdag pa niya, mananatiling prayoridad ang kaligtasan ng mga Pinoy sa ibang bansa habang patuloy na minomonitor ang sigalot.
Si Mary Anne Velazquez Rivera ay isa sa libo-libong Pilipinong nagtatrabaho bilang caregivers sa Israel. Kilala ang mga Pinoy caregiver sa bansang ito dahil sa kanilang dedikasyon, pagmamalasakit, at husay sa pag-aalaga ng mga matatanda, dahilan kung bakit sila ay itinuturing na bahagi na rin ng mga pamilyang Israeli na kanilang pinaglilingkuran.
Ang sakripisyong ito ni Rivera ay muling nagpapaalala sa panganib na kinakaharap ng ating mga bagong bayani sa iba't ibang panig ng mundo dahil sa hindi inaasahang mga sakuna at kaguluhan.
Sa isa pang malungkot na ulat, isang Pilipinang domestic helper ang kinumpirmang nasawi sa isang sunog na naganap sa isang mataas na gusali sa Hong Kong. Ayon sa mga awtoridad, na-trap ang biktima sa loob ng kaniyang tinutuluyang kuwarto at hindi na nakalabas pa. Agad namang nakipag-ugnayan ang Department of Migrant Workers para sa pag-uwi ng labi ng nasabing kababayan.
Maging ang mga celebrity ay apektado rin ng tensyon sa Middle East gaya na lamang ni Anne Curtis na nagbahagi ng kaniyang karanasan sa eroplano. Ayon sa aktres, nagkaroon ng rerouting sa kaniyang flight patungong Dubai dahil sa mga aktibidad sa himpapawid na kaniyang napansin. Ibinahagi niya ang kaba at panalangin para sa kaligtasan ng lahat ng mga nagbibiyahe sa nasabing rehiyon.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ā”ļø hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh
