Ulo ng bagong silang na sanggol natagpuan sa barangay sa Minglanilla, Cebu
- Mga residente ng Barangay Camp 7 ang unang nakakita sa nakagigimbal na eksena
- Isang tuta ang namataang may dalang ulo ng bagong luwal na sanggol
- Hindi na natagpuan ang katawan ng sanggol sa isinagawang paghahanap ng pulisya
- Patuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang ina at iba pang posibleng sangkot
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Nagulat at nabahala ang mga residente ng Purok 10, Lubas 1, Barangay Camp 7 sa Minglanilla, Cebu matapos matagpuan ang ulo ng isang bagong silang na sanggol noong Lunes ng hapon.

Source: Facebook
Ang insidente ay agad na ini-report sa mga awtoridad matapos masaksihan ng isang residente ang hindi pangkaraniwang pangyayari.
Ayon sa pulisya, napansin ng residente na may isang tuta na may bitbit na ulo ng sanggol.
Dahil sa takot at pag-aalala, nilapitan umano niya ang aso hanggang sa tuluyang mahulog ang ulo sa lupa.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
“Naalarma siya kaya nilapitan ang tuta hanggang sa nahulog ang ulo ng sanggol,” ani Police Lt. Col. Theresa Macatangay, hepe ng Minglanilla Police Station.
Batay sa paunang imbestigasyon, lumalabas na maaaring sadyang inabandona ang sanggol ng isang hindi pa nakikilalang indibidwal.
Agad na nagsagawa ng paghahanap ang mga pulis at rescue personnel sa paligid ng lugar kung saan natagpuan ang ulo, ngunit hindi na nakita ang katawan ng sanggol sa loob ng humigit-kumulang 50 metro mula sa pinangyarihan.
Sa patuloy na pagsisiyasat, natagpuan din ng mga awtoridad ang inang aso ng tuta.
Napansin ng pulisya na may bakas ng dugo sa bibig ng hayop, na posibleng may kaugnayan sa pagkawala ng katawan ng sanggol.
“Maaaring nakain ng aso ang katawan dahil na din sa laki ng kaniyang tiyan,” dagdag ni Macatangay.
Sa ngayon, masusing iniimbestigahan ng pulisya ang insidente upang matukoy ang ina ng sanggol at ang sinumang responsable sa umano’y pag-abandona.
Patuloy din ang pakikipag-ugnayan ng mga awtoridad sa mga residente para sa anumang impormasyong makakatulong sa kaso.
Samantala, pansamantalang inilagak sa bone chamber ng Minglanilla Public Cemetery ang ulo ng sanggol habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.
Sa isang naunang ulat ng KAMI, iniulat na nagsasagawa ang Bureau of Customs ng masusing pagsusuri sa pag-angkat ng humigit-kumulang 40 luxury vehicle na umano’y may kaugnayan sa pamilya ni Sarah Discaya. Sinimulan ang imbestigasyon matapos kumalat online ang isang viral na panayam kung saan hayagang ipinakita ni Discaya ang kanilang kahanga-hangang koleksyon ng mga high-end na sasakyan, na agad nakakuha ng pansin ng publiko at ng mga awtoridad ng gobyerno. Matapos ang naturang panayam, sinimulan ng mga opisyal ng customs ang detalyadong pagrepaso sa mga importation record, kabilang ang mga shipping document at ang pagkakakilanlan ng mga idineklarang consignee, upang matukoy kung may nalabag na anumang batas o regulasyon sa customs. Bukod sa usapin ng pag-angkat ng mga sasakyan, naiugnay rin si Discaya sa mga contractor na sangkot sa mga flood control project na kasalukuyang iniimbestigahan ng Senado, kaya lalo pang napapagitna ang kanyang pangalan sa patuloy na usaping pampubliko at lehislatibo.

Read also
18-anyos na binatilyo, patay matapos tumalon sa Pasig River habang tumatakas sa umano’y humahabol
Samantala, naging trending topic sa social media ang beteranong mamamahayag na si Korina Sanchez-Roxas matapos magbahagi ng isang larawan sa kanyang Instagram account sa isang kamakailang pagbisita sa Disneyland. Makikita sa larawan si Korina na nakapose sa harap ng isang palasyong atraksiyon, na agad nakatawag ng pansin ng mga netizen. Lalo pang pinag-usapan ang post dahil sa caption na ginamit niya, na may magaan at mapagbirong tono. Sinimulan ni Korina ang kanyang caption sa linyang, "My P10 Million Palace," na inunawa ng maraming netizen bilang isang banayad at nakakatawang patama sa mga dating alegasyong ibinato laban sa kanya ni Pasig City Mayor Vico Sotto.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh
