Dating DPWH Undersecretary Catalina Cabral, natagpuang walang malay sa ilalim ng Kennon Road
- Natagpuan si dating DPWH Undersecretary Catalina Cabral sa may Bued River sa Benguet
- Ayon sa pulisya, siya ay “unconscious and unresponsive” nang matagpuan
- Lumalabas sa imbestigasyon na ang insidente ay isang “alleged fall”
- Huling nakita si Cabral matapos niyang pababain ang kanyang driver sa Kennon Road
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Natagpuan ang dating Department of Public Works and Highways Undersecretary na si Catalina Cabral sa isang malubhang kalagayan ilang oras matapos siyang iwan ng kanyang driver sa Kennon Road sa Benguet.

Source: Facebook
Ayon sa ulat ng pulisya, si Cabral ay natagpuang “unconscious and unresponsive” sa layong humigit-kumulang 20 hanggang 30 metro sa ibaba ng highway, malapit sa Bued River.
Base sa paunang impormasyon mula sa Benguet Police, mga tauhan ng Baguio City Police Office ang unang rumesponde sa lugar matapos makatanggap ng ulat tungkol sa insidente.
Sa kanilang inisyal na imbestigasyon, tinukoy ng mga awtoridad na ang nangyari ay isang “alleged fall,” bagaman patuloy pa rin ang masusing pagsisiyasat upang matukoy ang buong detalye ng pangyayari.

Read also
Richard Gomez, inamin ang komprontasyon sa SEA Games, kinwestiyon pagkatanggal sa top fencer
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Ayon sa pulisya, bandang alas-3 ng hapon noong Huwebes nang bumiyahe si Cabral at ang kanyang driver sa Kennon Road patungong La Union.
Habang nasa biyahe, hiniling umano ng dating opisyal na huminto ang sasakyan sa ilang bahagi ng kalsada, kabilang ang Maramal, Camp 5, at Camp 4. Kalaunan, pinakiusapan niya ang driver na iwan siya sa lugar.
Bandang alas-5 ng hapon, bumalik ang driver sa pinakahuling lokasyon kung saan niya iniwan si Cabral, subalit wala na ito roon. Matapos ang ilang oras ng paghahanap at pangamba, nagtungo ang driver sa pulisya bandang alas-7 ng gabi upang humingi ng tulong.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang mga pangyayari bago natagpuan si Cabral at upang malinawan ang sanhi ng kanyang pagkakahulog. Samantala, nanawagan ang pulisya sa publiko na magbigay ng anumang impormasyong makatutulong sa kaso.
Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlong miyembro ang brutal na pinaslang sa loob ng kanilang sariling tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Sa kuha ng CCTV, makikita ang tatlong lalaki na pumasok sa establisimyento, ibinaba ang roll-up door, at sunod-sunod na pinaputukan ang mga biktima. Matapos ang pamamaril, kinuha pa umano ng isa sa mga suspek ang isang bag at cellphone bago tuluyang tumakas. Ayon sa ulat ni Gary De Leon ng TV5 na “Frontline Pilipinas,” nagsimula umanong makatanggap ng mga banta ang pamilya matapos silang magpautang ng halagang P1 milyon sa isang kapitbahay na sinasabing ginamit ang pera bilang puhunan sa negosyo.
Samantala, sa isa pang insidenteng umani ng matinding reaksiyon online, isang 51-anyos na gu*ro sa pampublikong paaralan sa Las Piñas City ang nasawi matapos umanong saksakin nang maraming beses ng kanyang sariling asawa. Batay sa ulat ni EJ Gomez ng “Unang Balita,” nangyari ang karahasan sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa pulisya, may nakatalagang guwardiya sa paaralan ngunit nakapasok pa rin ang suspek dahil pamilyar ito sa lugar. Inilahad din ng mga awtoridad na nagtungo ang lalaki sa paaralan upang kausapin ang kanyang asawa at ayusin ang kanilang alitan, subalit nauwi ito sa mainit na pagtatalo na humantong sa trahedya.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh
