Netizens, naantig sa isang babaeng rider: "May pa-message siya sa helmet"

Netizens, naantig sa isang babaeng rider: "May pa-message siya sa helmet"

  • Isang babaeng driver ang nag-viral matapos mag-iwan ng sulat-kamay na mensahe sa kanyang helmet
  • Base sa sulat na ito ng babaeng rider, humihingi siya ng pag-unawa sa mga pasahero niya
  • Inihayag ng original poster ang kanyang pagkamangha sa babaeng rider at sa liham nito
  • IAniya sa caption ng viral post niya sa X na dating Twitter, "I live! #KayaRinNgBabae"

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Isang post sa X (dating Twitter) ang nag-viral at umani ng papuri kamakailan lang mula sa mga netizen matapos ibahagi ng user ang larawan ng isang babaeng rider, na nagpakita ng 'old school' at heartwarming na paraan ng pakikipag-usap sa kanyang mga pasahero.

Netizens, naantig sa isang babaeng rider: "May pa-message siya sa helmet"
Photos: Irish83 on Pixabay | @BersabeCede on X
Source: Twitter

Ibinahagi ng netizen na si @BersabeCede ang larawan ng isang babaeng driver ng Move It, kung saan makikita ang isang sulat-kamay na mensahe na idinikit sa likod ng kanyang helmet.

Ang mensahe ay humihingi ng pag-unawa at pasensya sa mga pasahero kung sakaling hindi siya mabilis mag-drive:

"Sana po ay hindi kayo mainis sa akin kung hindi po ako ganun kabilis mag-drive. May mga anak po akong nag-aantay sa aking pag-uwi," aniya ng rider sa liham. Nagtapos naman ang nakakaantig na pakiusap sa linyang: "Drive safe lang po ako."

Read also

Alexa Ilacad, naloka sa paggamit ng isang netizen sa photo niya: "Ano po konek"

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Labis na humanga ang netizen na nag-post sa driver at ginamit niya ito upang i-promote ang "women empowerment."

"A WOMAN driver for Move It! May pa-message pa siya sa helmet. I live! #KayaRinNgBabae #WomenEmpowerment," aniya ng user.

Ang post ay mabilis na kumalat at umani ng maraming reactions, marami ang nagpakita ng paghanga sa sipag at diskarte ng ginang upang itaguyod ang kanyang pamilya. Ang mensahe ay nagpaalala sa lahat ng kahalagahan ng pag-iingat sa kalsada, lalo na para sa mga taong nagtatrabaho ng marangal para sa kanilang mga pamilya.

Sa comment section, marami ang natuwa sa pag-share ng netizen at patuloy na humingi ng iba pang detalye ukol sa babaeng rider na ito.

Aniya pa nga ng isang netizen sa X, "I'd rather have a slower but safe ride, kaysa yung ang bilis niyo nga, mapapadasal ka naman haha."

Say naman ng ibang netizens, nakakatuwa raw makitang naghahanap-buhay ng marangal ang rider na ito.

Read also

Angelica Panganiban, nagpakatotoo nang matanong tungkol kay Derek Ramsay

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay nag-viral ang video ng isang babae na nagulat sa ginawa ng mascot na si Jollibee sa isang birthday party. Ang sikat na mascot, sa gitna ng birthday greeting, ay bigla na lamang kasing humarap sa babae. Sa gitna naman ng nakakagulat na gimmick ni Jollibee ay tawang-tawa pa rin ang babae. Say tuloy ng babae sa caption ng kanyang viral na post sa Instagram ay, "Napaka mo, Jollibee."

Samantalang ay isang video ng dalawang host na tumatakbo palayo sa stage ang nag-viral online. Ang nakakaaliw na pangyayari ay naganap sa isang pageant na may temang Halloween. Ang genuine at mabilis na reaksyon ng mga host ay nagdulot ng hagalpakan ng tawa sa mga manonood. Ikinumpara naman ng mga netizen ang eksena sa "literal na stage fright," bagay na lalong kinagiliwan ng iba pang mga netizens.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco