Dating barangay kagawad, patay nang barilin ng riding-in-tandem
- Isang dating barangay kagawad na lalaki sa Pateros ay pinatay ng riding-in-tandem
- Ang kanyang bag na may laman na P500,000 ay tinangay ng mga salarin
- Base sa CCTV na ibinahagi ng 'Unang Balita,' nakuhanan ang pagsunod ng mga salarin at ang pananambang
- Samantala, ang Pateros LGU naman ay nag-alok ng P300,000 reward para sa impormasyong makakapagturo sa kinaroroonan ng mga suspek
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!

Source: Original
Patay ang isang dating barangay kagawad ng San Pedro, Pateros matapos siyang abangan at tambangan ng riding-in-tandem.
Tinangay din ng mga salarin ang kaniyang bag na may P500,000. Kinilala ang biktima na si Mark Herman Tañga, na sakay ng pulang motorsiklo noong Biyernes.
Nakita sa CCTV na sinundan siya ng dalawang lalaki sakay ng motorsiklo matapos siyang umalis sa kanilang bahay bago mag-10 p.m.
Sa isa pang kuha, makikitang matagal nang nag-aabang ang mga suspek sa hindi kalayuan.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Ayon sa kapatid ng biktima na si Mina Tañga, pauwi si Mark mula sa kanila nang sundan siya ng mga salarin.
Sinipa raw ang kaniyang motor, kinuha ang bag, at saka siya binaril. Sa Barangay Ususan sa Taguig nangyari ang pananambang.
Nakuha ng isa ang bag, habang sinundan pa ng kasama ang biktima at doon siya pinagbabaril kahit nakaalis na.
Bukod sa bag, kinuha rin ang motorsiklo ng biktima, ngunit kalaunan ay iniwan ito ng mga salarin sa hindi kalayuan.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya para malaman ang pagkakilanlan ng riding-in-tandem at ang tunay na motibo.
Pagnanakaw ang isa sa mga anggulong tinitingnan ng pamilya. Wala silang alam na nakaaway ang dating kagawad.
Nag-alok ang lokal na pamahalaan ng Pateros ng P300,000 na reward para sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon tungkol sa mga responsable.
Ayon sa kapatid ng biktima, aktibo sa komunidad si Mark at madalas gumastos mula sa sariling bulsa para makatulong sa barangay at sumuporta sa mga liga sa lugar.
Panuorin ang balita sa bidyong ito:
Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlo ay walang-awang pinagbabaril hanggang mamatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Nakuhanan ng CCTV ang tatlong lalaki na pumasok sa kanilang tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, kinuha pa ng isa sa mga suspek ang isang bag at cellphone mula sa biktima. Ayon sa ulat ni Gary De Leon ng TV 5 na “Frontline Pilipinas,” nagsimulang makatanggap ng pagbabanta ang pamilya matapos nilang pautangin ng P1-M ang isang residente sa kanilang barangay, na umano’y ginamit ang pera para sa negosyo.
Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na teacher sa pampublikong paaralan sa Las Piñas City ang paulit-ulit na sinaksak ng sariling asawa. Batay sa ulat ni EJ Gomez ng “Unang Balita,” naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardiya ang paaralan ngunit dahil kilala ang suspek sa lugar, madali nitong nagawang makapasok at makalabas. Ayon sa suspek, pumunta siya roon upang kausapin ang kanyang asawa at ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh

