Lolo, 74, patay sa pananaksak ng apo sa Davao City; pamilya desididong hindi maghabla

Lolo, 74, patay sa pananaksak ng apo sa Davao City; pamilya desididong hindi maghabla

  • Isang 74-anyos na lolo ang nasawi matapos saksakin ng sarili niyang apo sa Davao City
  • Ayon sa pamilya, matagal nang may banta ang suspek laban sa biktima
  • Ilang ulit nang dinala sa mental health facility ang 27-anyos na apo
  • Pamilya nagpasya na hindi magsampa ng kaso at ipa-confine na lang sa mental hospital ang suspek

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Isang 74-anyos na lolo ang binawian ng buhay matapos umanong pagsasaksakin ng kaniyang 27-anyos na apo sa loob ng kanilang tahanan sa Barangay 9A, Davao City.

Photo: Pixabay
Photo: Pixabay
Source: UGC

Batay sa ulat ni Rgil Relator para sa GMA Regional TV One Mindanao, nangyari ang insidente nitong Lunes ng umaga, December 1, 2025, at nagdulot ito ng matinding pagdadalamhati sa kanilang pamilya.

Ayon sa kapatid ng suspek, nagsimula ang lahat nang makarinig sila ng ingay mula sa bahagi ng bahay.

Kasunod noon ay narinig nila ang paghingi ng tulong ng kanilang lolo.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Pagdating niya sa lugar, nakita raw niya ang kaniyang kapatid na papalabas mula sa kuwarto ng biktima habang may hawak na dalawang kutsilyong duguan.

Read also

Suspek sa 2 kaso ng pamamaril, todas din matapos pagbabarilin

Ibinahagi rin ng pamilya na dati nang nakatatanggap ng banta ang biktima mula sa suspek.

Bukod dito, ilang beses na ring dinala sa mental health facility ang apo dahil sa kondisyon nito.

Dahil sa matagal nang struggle ng suspek sa pag-iisip, hindi na nakapagtaka para sa pamilya ang biglaang paglala ng sitwasyon.

Sa kabila ng bigat ng nangyari, nagpasya ang pamilya na huwag magsampa ng kaso laban sa suspek.

“Naka-decide sila na instead na mag-file sila ng kaso, dalhin na lang nila sa mental hospital ang suspek,” says Davao City Police Office spokesperson Police Capt. Hazel Caballero Tuazon.

Nananatili namang nasa pangangalaga ng mga awtoridad ang suspek habang iniintay ang kaniyang muling pagdadala sa mental health institution.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang mapunan ang lahat ng detalye sa insidente. Meanwhile, pamilya at kaanak ng biktima ang patuloy na naghihinagpis sa sinapit ng kanilang mahal sa buhay.

Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlong katao ang brutal na pinagbabaril hanggang sa mapatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Nakuhanan ng CCTV ang tatlong armadong lalaki na pumasok sa establisyemento, ibinaba ang roll-up door, at walang-awang pinagbabaril ang mga biktima. Bago tumakas, kinuha pa ng isa sa mga suspek ang isang bag at cellphone mula sa pamilya. Ayon sa report ni Gary De Leon ng TV5 program na “Frontline Pilipinas,” nagsimulang makatanggap ng serye ng pagbabanta ang pamilya matapos nilang pautangin ng P1 milyon ang isang residente sa barangay—pera umanong ginamit para sa negosyo.

Read also

Sikat na beauty influencer, natagpuang patay sa loob ng maletang iniwan sa masukal na gubat

Samantala, sa isa pang kumalat na lokal na balita, isang 51-anyos na public school teacher sa Las Piñas City ang paulit-ulit na sinaksak ng sariling asawa. Batay sa ulat ni EJ Gomez ng “Unang Balita,” nangyari ang insidente sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Bagama’t may guwardiya sa lugar, sinabi ng pulisya na madaling nakalusot ang suspek dahil kilala ito sa komunidad. Ayon sa pahayag ng suspek, nagtungo siya sa paaralan upang kausapin ang kanyang asawa at subukang ayusin ang kanilang sigalot, ngunit nauwi umano ito sa matinding pagtatalo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Stacy dela Fuente avatar

Stacy dela Fuente (Editor)