Matinding sakripisyo: Rescuer tumulong sa iba, sariling pamilya tinangay ng baha

Matinding sakripisyo: Rescuer tumulong sa iba, sariling pamilya tinangay ng baha

  • Si John Rey Espora ng Canlaon City ay isa sa mga DRRMO rescuers na sumabak sa gitna ng Bagyong Tino upang iligtas ang iba
  • Habang nasa tungkulin, binawi ng baha ang kanyang tahanan at pamilya
  • Kuwento niya, naging inspirasyon ang kanyang anak na si John Nathan sa patuloy na paglilingkod sa komunidad
  • Sa kabila ng matinding hinagpis, nagpasiya siyang magpatuloy sa serbisyo bilang alay sa kanyang pamilya

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Habang rumaragasa ang Bagyong Tino (Kalmaegi) sa Canlaon City, Negros Oriental noong gabi ng Nobyembre 2, 2025, isa sa mga unang tumugon sa tawag ng tungkulin ay si John Rey Espora, miyembro ng Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO) ng lungsod.

Matinding sakripisyo: Rescuer tumulong sa iba, sariling pamilya tinangay ng baha
Matinding sakripisyo: Rescuer tumulong sa iba, sariling pamilya tinangay ng baha (📷Pixabay)
Source: Original

Sanay na si Espora sa pagharap sa peligro, ngunit sa gabing iyon, ang kanyang misyon na tumulong ay humantong sa pinakamasakit na yugto ng kanyang buhay—ang pagkawala ng tahanan at ng mga pinakamamahal sa buhay.

Read also

Kiray Celis ibinahagi ang “pakiusap” kay Vice Ganda bilang ninong sa kasal

Binahagi niya sa panayam ng Inquirer na bago siya umalis upang tumugon sa operasyon ng pagsagip, niyakap siya ng kanyang 10-anyos na anak na si John Nathan Espora. “He was unusually clingy that night. He hugged me tightly, as if he didn’t want to let go,” aniya. Hindi niya alam na iyon na pala ang huling pagkakataon na mayakap niya ito.

Habang abala sa command post, inakala nilang isa lamang ito sa mga karaniwang gabi ng malakas na ulan. Ngunit nang bumuhos nang tuluy-tuloy ang tubig mula sa Mt. Kanlaon, bumalot ang takot sa buong lungsod. “The water came rushing down as if poured all at once,” sabi ni Espora.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sinubukan niyang bumalik sa kanilang bahay upang sagipin ang pamilya, ngunit pinigilan siya ng mga kasamahan—alam nilang hindi na ligtas ang pagdaan sa rumaragasang baha. “I saw how the current swallowed everything. All I could do was watch, pray, and cry,” malungkot niyang pag-alala.

Nang humupa ang tubig, bumalik si Espora sa lugar ng kanilang tahanan. Wala na roon ang bahay, at tanging mga labi ng sirang pader at putik ang bumungad sa kanya. Sa kanyang paghahanap, natagpuan niya ang kanyang kapatid na si Sara, nanginginig at humihingi ng tulong. Siya ang nagsabi ng pinakamasakit na katotohanan—na ang kanilang pamilya ay tinangay ng baha.

Read also

12-anyos na lalaki, halos maubos ang digestive system dahil sa mga kapalpakan sa kanyang operasyon

Hindi sumuko si Espora. Naghukay siya gamit ang sariling kamay, walang tigil sa pag-asang makikita pa niya ang kanyang mga mahal sa buhay. Isa-isa niyang nahanap ang mga ito, hanggang sa muli niyang makita ang kanyang anak. “He was holding onto a metal pole when we found him. Maybe he thought it would float. He fought hard,” malungkot niyang wika.

Walong miyembro ng kanyang pamilya ang binawian ng buhay, at isa ang nananatiling nawawala. Sa kabila nito, hindi naglaho ang kanyang diwa ng paglilingkod. “I’m part of the rescue team. I save people. But I couldn’t save my own family. It hurts,” aniya, habang pinipilit tanggapin ang sinapit ng kanyang mga mahal sa buhay.

Ngayon, pansamantalang pinayagan si Espora na magpahinga mula sa kanyang tungkulin upang makabawi sa emosyonal na dagok na kanyang naranasan. Ngunit nang tanungin kung babalik pa siya sa serbisyo, walang pag-aalinlangan siyang tumugon—oo.

Read also

Pulis na nangholdap ng convenience store at napatay ng kapwa pulis, gipit umano sa pera

“I’ll continue to serve. My son will live through every life I help save,” matatag niyang sinabi.

Ang Bagyong Tino (international name: Kalmaegi) ay isa sa mga malalakas na bagyong tumama sa bansa nitong Nobyembre 2025. Tumama ito sa bahagi ng Visayas at Southern Luzon, partikular sa mga lalawigan ng Negros Oriental, Cebu, Leyte, at Albay, dala ang malalakas na hangin at walang tigil na pag-ulan na nagdulot ng malawakang pagbaha at pagguho ng lupa.

Netizens humanga sa kabayanihan ng isang 15-anyos sa kasagsagan ng Bagyong Tino Sa ulat ng KAMI.com.ph, umani ng papuri ang isang 15-anyos na estudyante matapos iligtas ang ilang residente mula sa lumulubog na barangay sa Cebu. Ang kanyang kabayanihan ay nagsilbing inspirasyon sa buong bansa.

Ruffa Gutierrez, pinarangalan ang 15-anyos na si Jayboy Magdadaro na nakapagsagip ng 50 katao sa bagyo Ibinahagi ni Ruffa Gutierrez ang kanyang paghanga kay Jayboy Magdadaro, isang kabataang naging bayani sa gitna ng Bagyong Tino sa Cebu. Ayon sa aktres, dapat kilalanin si Jayboy bilang simbolo ng tapang at malasakit sa kapwa.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate