Cameraman ng News 5, hinangaan nang siya mismo ang mag-ulat ng lagay sa Albay
- Proud si Gretchen Ho sa kanilang cameraman sa News5 na si Mark Ortiz
- Sa kasagsagan kasi ng Bagyong Uwan, ito ang naghatid ng balita ukol sa kalagayan ng Albay
- Ani Gretchen, multi-talented umano si Mark na nakasama rin niya sa pag-cover ng kalagayan sa isyu ng West Philippine Sea
- Maging ang netizen na si LJ Abadinas ay namangha kay Ortiz na nagawang mag-ulat ng live
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Ipinahayag ng TV host at journalist na si Gretchen Ho ang kanyang paghanga at pagiging proud sa kanilang cameraman sa News5 na si Mark Andrew Ortiz, na kamakailan ay nag-ulat ng live mula sa Albay sa kasagsagan ng Bagyong Uwan.

Source: Facebook
Sa gitna ng masamang panahon, si Ortiz mismo ang naghatid ng balita ukol sa kalagayan sa Albay — isang tagpo na umani ng papuri hindi lamang mula sa mga kasamahan sa media kundi pati na rin sa mga netizen.
Ayon kay Gretchen Ho, hinangaan niya si Ortiz hindi lang sa tapang kundi sa husay at pagiging “multi-talented.” Ani Gretchen, "Where else do you see a cameraman reporting?! Proud of our multi-talented Mark Andrew Ortiz! He can shoot, photograph, fly a drone, edit stories, and also report?! Kasamahan namin ‘to sa West Philippine Sea! Tunay na matapang."
Matatandaang nakasama rin ni Gretchen si Ortiz sa mga coverage ng West Philippine Sea, kung saan ipinakita rin nito ang kanyang dedikasyon sa trabaho.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Maging ang netizen na si LJ Abadinas ay hindi rin nakapigil na magpahayag ng paghanga sa kakaibang tagpo kung saan isang cameraman mismo ang nagbigay ng live update mula sa field. Ani LJ, "'FIRST TIME, FIRST TIME' While channel surfing, I saw that News5 had their cameraman do a live standupper and annotate the latest updates from Albay on Super Typhoon Uwan. Ingat and saludo sa mga nasa field ngayon," ang bahagi ng kanyang post.
Sa panahon ng kalamidad, ipinakita ni Mark Ortiz ang dedikasyon at tapang ng mga mamamahayag na patuloy na naglilingkod upang maihatid ang mahahalagang impormasyon sa publiko — anumang hamon ng panahon.
Patuloy ang nararanasang masamang panahon sa malaking bahagi ng bansa dahil sa hagupit ng Super Typhoon Uwan, na nagdulot ng malawakang pagbaha, landslide, at pagkawala ng kuryente sa ilang lalawigan sa Bicol Region, partikular sa Albay. Ayon sa ulat ng lokal na pamahalaan, umabot na sa higit isang libong residente ang inilikas mula sa mga baybaying barangay sa Legazpi City, Daraga, at Guinobatan dahil sa banta ng storm surge at pag-apaw ng mga ilog. Malalakas din ang hangin at tuloy-tuloy ang pagbuhos ng ulan na nagdulot ng pagbagsak ng ilang puno at poste ng kuryente, dahilan upang mawalan ng suplay ng elektrisidad ang malaking bahagi ng lalawigan. Patuloy namang naka-red alert ang mga awtoridad sa Albay, habang nagpapatuloy ang rescue at relief operations sa mga apektadong lugar.
Samantala, nararanasan din ng Metro Manila ang epekto ng habagat na pinalakas ng bagyong Uwan. Nagraresulta ito sa malalakas na pag-ulan at matinding pagbaha sa ilang mabababang lugar tulad ng Maynila, Quezon City, at Marikina. Dahil dito, ilang klase at biyahe ng pampublikong transportasyon ang pansamantalang sinuspinde. Ayon sa PAGASA, kahit humina na ang bagyo habang patungong hilagang-kanluran, patuloy pa rin ang pagbabantay dahil sa posibilidad ng mga pag-ulan at pagbaha sa susunod na mga araw.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh

