Family reunion, nauwi sa malagim na trahedya sa kalsada; 4 na sakay ng kotse, ubos
- Apat na tao ang namatay matapos bumangga ang isang kotse sa truck sa Iligan City
- Pauwi na umano ang mga biktima mula sa isang family reunion nang mangyari ang aksidente
- Halos mawasak ang harapan ng kotse dahil sa lakas ng salpukan
- Inaresto ng pulisya ang truck driver habang nagpapatuloy ang imbestigasyon
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!

Source: Youtube
Apat na katao ang nasawi matapos bumangga ang sinasakyan nilang kotse sa isang truck sa Barangay Dalipuga, Iligan City.
Ayon sa ulat ng GMA Regional TV, galing sa isang family reunion ang mga biktima at pauwi na nang maganap ang trahedya.
Dahil sa lakas ng banggaan, halos mawasak ang harapan ng kotse na pumailalim pa sa truck.
Dinala agad sa ospital ang mga sakay ng kotse, ngunit tatlo ang idineklarang dead on arrival. Isa pa ang binawian ng buhay habang ginagamot.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Agad namang inaresto ng mga pulis ang driver ng truck matapos ang insidente.
Patuloy pa rin ang imbestigasyon upang malaman kung paano naganap ang aksidente at kung may pananagutan ang driver.
Nagpaalala naman ang mga awtoridad sa mga motorista na maging maingat sa kalsada, lalo na sa gabi o kapag pagod sa biyahe.
Kapag nagbanggaan ang dalawang sasakyan at may mga namatay, maaaring makasuhan ang driver na may kasalanan ng reckless imprudence resulting in homicide sa ilalim ng Revised Penal Code ng Pilipinas.
Ito ay nangyayari kapag napatunayan na naging pabaya, mabilis, lasing, o walang ingat ang pagmamaneho ng isa sa mga driver na naging dahilan ng pagkamatay ng tao.
Bukod sa kasong kriminal, maaari ring harapin ng driver ang civil case para sa danyos o bayad sa pamilya ng mga biktima.
Kung parehong may kasalanan ang mga driver, parehong maaaring managot depende sa bigat ng pagkakamali ng bawat isa.
Panuorin ang ulat ng GMA Inetgrated News sa 'Balitanghali,' hatid ng GMA Regional TV:
Ang mga balita, larawan, o video na nakakaantig ng interes ng mga netizen ay madalas nagiging viral sa social media dahil sa atensyon na ibinibigay ng publiko. Ang ganitong mga post ay kadalasang tumatama sa emosyon ng mga netizen, at sa ilang pagkakataon, maaari rin itong mangyari sa mga karaniwang tao, na mas nagiging relatable sa marami.

Read also
8-anyos na bata patay matapos mabundol ng dump truck; 2 magpinsan nalunod sa ilog sa Quezon
Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlo ay walang-awang pinagbabaril hanggang mamatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Nakuhanan ng CCTV ang tatlong lalaki na pumasok sa kanilang tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, kinuha pa ng isa sa mga suspek ang isang bag at cellphone mula sa biktima. Ayon sa ulat ni Gary De Leon ng TV 5 na “Frontline Pilipinas,” nagsimulang makatanggap ng pagbabanta ang pamilya matapos nilang pautangin ng P1-M ang isang residente sa kanilang barangay, na umano’y ginamit ang pera para sa negosyo.
Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na teacher sa pampublikong paaralan sa Las Piñas City ang paulit-ulit na sinaksak ng sariling asawa. Batay sa ulat ni EJ Gomez ng “Unang Balita,” naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardiya ang paaralan ngunit dahil kilala ang suspek sa lugar, madali nitong nagawang makapasok at makalabas. Ayon sa suspek, pumunta siya roon upang kausapin ang kanyang asawa at ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh
