Lasing na mister, binugbog hanggang mamatay ang asawa sa Batangas; apo sugatan

Lasing na mister, binugbog hanggang mamatay ang asawa sa Batangas; apo sugatan

  • Isang 63-anyos na babae ang nasawi matapos bugbugin ng kanyang lasing na asawa sa Laurel, Batangas
  • Nagtamo rin ng minor injuries ang kanilang 13-anyos na apo matapos madamay sa gulo
  • Ayon sa pulisya, nag-ugat ang away sa pera para sa baon ng bata na gustong kunin ng suspek
  • Humingi ng tawad ang suspek at sinabing hindi niya sinasadyang mapatay ang kanyang asawa

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Isang malagim na insidente ang naganap sa Barangay San Gabriel, Laurel, Batangas nitong Linggo ng gabi (Oktubre 12, 2025) matapos mapatay ng isang lasing na lalaki ang kanyang asawa sa gitna ng mainit na pagtatalo.

Lasing na mister, binugbog hanggang mamatay ang asawa sa Batangas; apo sugatan
Lasing na mister, binugbog hanggang mamatay ang asawa sa Batangas; apo sugatan (📷Pexels)
Source: Facebook

Ayon sa imbestigasyon ng Laurel Police, ang 62-anyos na suspek ay naging marahas at walang awang sinaktan ang kanyang 63-anyos na misis, na kalaunan ay binawian ng buhay.

Batay sa ulat, sinuntok, tinadyakan, at hinampas ng kahoy ng suspek ang ulo ng kanyang asawa. Ayon kay Police Major Rhyan Olave, hepe ng Laurel Municipal Police Station, dead on arrival ang biktima sa ospital. Lumabas sa autopsy report na atake sa puso ang ikinamatay ng babae, dulot ng matinding pambubugbog.

Read also

Ombudsman Boying Remulla, ibinalik ang full access sa SALN ng mga opisyal ng gobyerno

“Nagsimula po ‘yung pagtatalo nung asawa nung kinuha ng suspect ‘yung pera sana na babaunin ng bata within the week, so ‘yung pagtatalo po nila ay nauwi sa pisikal na away. Hinampas po sa ulo ng kahoy ‘yun pong ating biktima, sinuntok, at tinadyakan po. Nawalan po ito ng malay,” ayon kay Olave.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Hindi lamang ang asawa ang nadamay sa galit ng lalaki — nasugatan din ang kanilang 13-anyos na apo matapos itong suntukin at hampasin ng kahoy habang sinusubukang awatin ang kanyang lolo. Nakaligtas naman ang bata at ginagamot ngayon sa minor injuries.

Ayon sa mga awtoridad, negatibo ang suspek sa ilegal na droga ngunit positibo sa alkohol. Ang bangkay ng biktima ay nasa kanilang tahanan habang nagluluksa ang pamilya. Ayon sa anak ng mag-asawa, matagal nang tiniis ng kanilang ina ang marahas na ugali ng kanilang ama, ngunit patuloy pa rin itong nagtiis para sa kanilang anim na anak.

Sa loob ng istasyon ng pulisya, una munang itinanggi ng lalaki na sinadya niyang saktan ang asawa, bago kalaunan ay umamin at nagpahayag ng matinding pagsisisi.

“Hindi ko sukat akalain. Hindi ko naman sinasadya. Labis na labis po ang aking pagsisisi dahil sa tunay na buhay, hindi ko kayang patayin ang asawa ko. Ako’y patawarin niya,” pahayag ng suspek.

Read also

LTO, sinuspinde ang lisensya ng driver na pinayagang magmaneho ang anak

Sa ngayon, nahaharap siya sa kasong parricide at paglabag sa Republic Act 7610 o ang Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation, and Discrimination Act dahil sa pananakit sa kanyang apo.

Ang kasong ito ay muling nagbigay-diin sa patuloy na problema ng domestic violence sa bansa. Ayon sa mga eksperto, madalas na nag-uugat ang ganitong mga pangyayari sa alak, selos, o pinansyal na alitan, tulad ng nangyari sa Batangas. Ipinapakita rin ng insidente kung paanong ang mga bata ay kadalasang nagiging saksi o biktima ng karahasan sa loob ng tahanan — isang siklo ng trauma na kailangang maputol sa pamamagitan ng tamang edukasyon at suporta sa pamilya.


Kamakailan, isang ina ang inaresto matapos umanong bugbugin hanggang sa mamatay ang kanyang apat na taong gulang na anak. Ayon sa ulat, dinala pa ng ina ang bata sa ospital ngunit idineklara itong dead on arrival. Nahaharap siya ngayon sa kasong parricide at iniimbestigahan pa kung may kasabwat siya sa krimen. Tulad ng kaso sa Batangas, ang pangyayaring ito ay patunay ng tumitinding isyu ng karahasan sa loob mismo ng pamilya.

Read also

Fetus natagpuan sa loob ng kahon ng sapatos sa tambak ng basura sa Quezon City


Sa isa pang karumal-dumal na insidente, pinatay ng isang lalaki ang kanyang sariling ina matapos umano nitong hindi mapaghanda ng hapunan ang kanyang anak. Ayon sa mga awtoridad, agad na tumakas ang suspek matapos ang krimen ngunit kalaunan ay naaresto. Nahaharap siya ngayon sa kasong parricide. Ang kaso ay nagpapakita ng parehong pattern ng galit, kawalan ng kontrol, at karahasang nagmumula sa loob ng tahanan, katulad ng insidente sa Laurel, Batangas.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate