Ginang patay sa pamamaril sa Maguindanao del Sur; mag-ama ligtas
- Babae, nasawi sa pamamaril ng riding-in-tandem sa Barangay Sapakan, Rajah Buayan
- Biktima, sakay ng tricycle kasama ang asawa at tatlong-taong-gulang na anak
- Baril ng mga suspek pumalya, dahilan ng pagkakaligtas ng mag-ama
- Pulisya, patuloy na iniimbestigahan ang motibo at pagkakakilanlan ng mga salarin
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Isang ginang ang nasawi matapos barilin ng riding-in-tandem sa Maguindanao del Sur, habang nakaligtas naman ang kanyang asawa at anak matapos pumalya ang baril ng mga suspek.
Sa ulat ng GMA Regional TV sa GTV News Balitanghali nitong Lunes, sinabi ng mga awtoridad na nangyari ang insidente sa Barangay Sapakan, Rajah Buayan.
Sakay umano ng tricycle ang pamilya ng biktima nang tabihan sila ng dalawang lalaking nakamotorsiklo at biglang pinaputukan.
Dead on the spot ang ginang matapos tamaan ng bala, habang nakaligtas ang kanyang asawa at tatlong-taong-gulang na anak matapos pumalya ang baril ng mga salarin sa mga sumunod na putok.
Ayon sa pulisya, mabilis na tumakas ang mga suspek matapos ang pamamaril. Patuloy pa ang imbestigasyon upang matukoy ang kanilang pagkakakilanlan at ang motibo sa krimen.

Read also
Kris Aquino, may matapang na pahayag laban sa mga nagpapakalat ng “death hoax” tungkol sa kanya
“Tinitingnan pa natin ang lahat ng anggulo kung bakit nangyari ang insidente at kung may kaugnayan ito sa personal o iba pang dahilan,” ayon sa ulat ng mga otoridad.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Nagpapatuloy din ang operasyon ng mga pulis sa lugar upang makakalap ng impormasyon mula sa mga residente at posibleng saksi.
Samantala, nanawagan ang pamilya ng biktima ng hustisya at umaasang agad mahuhuli ang mga responsable sa pamamaril na nagdulot ng kanilang matinding kalungkutan.
News, photos, or videos that arouse the interest of netizens would often go viral on social media, due to the attention netizens give them. These viral posts appeal to the emotions of netizens, and in rare cases, this could also happen to ordinary people, making them very relatable to one's daily life. These stories are among those that people would be able to learn from every day. The story of the woman simply shows that one must bwe very careful whenever one is on the road and with his or her family.
In other news, a lawyer was arrested in Quezon City for allegedly duping victims through fake investment offers. She reportedly took ₱140,000 from a couple, promising weekly profits of ₱5,600. Police said she had previously been jailed for a similar case but went into hiding after posting bail. Authorities urge other victims to file complaints to elevate the case to syndicated estafa.
In another story, a police officer and a security agency manager were caught selling high-powered firearms in Davao City. The operation took place along Roxas Avenue on Monday, led by the Regional Intelligence Division 11. Police Regional Office 11 Director PBGen Joseph Arguelles confirmed the arrest.
In another story, a police officer and a security agency manager were caught selling high-powered firearms in Davao City. The operation took place along Roxas Avenue on Monday, led by the Regional Intelligence Division 11. Police Regional Office 11 Director PBGen Joseph Arguelles confirmed the arrest.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh