Cayetano, iminungkahi ang snap elections upang maibalik ang tiwala ng publiko sa pamahalaan
- Iminungkahi ni Sen. Alan Peter Cayetano ang pagsasagawa ng snap elections bilang solusyon sa krisis ng tiwala sa gobyerno
- Sa kanyang panukala, magbibitiw ang lahat ng halal na opisyal at hindi papayagang tumakbo muli sa susunod na halalan
- Ayon sa senador, panahon na upang magsakripisyo ang mga lingkod-bayan para sa “clean slate” ng bansa
- Iginiit ni Cayetano na nawalan na ng tiwala ang mga mamamayan sa mga pulitiko at institusyong pampamahalaan
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Isang matapang na mungkahi ang inilabas ni Senator Alan Peter Cayetano sa gitna ng lumalalang kawalan ng tiwala ng publiko sa pamahalaan—ang pagsasagawa ng snap elections kung saan lahat ng halal na opisyal, mula Presidente hanggang Kongresista, ay sabay-sabay na magbibitiw sa puwesto.

Source: Facebook
Sa isang social media post, binigyang-diin ni Cayetano na panahon na para magsakripisyo ang mga nasa gobyerno upang maibalik ang tiwala ng mga Pilipino. “No drama, no excuses, no recycling. Just a clean slate for the Filipino people,” ani ng senador.
Read also
Ayon sa kanyang panukala, lahat ng incumbent national officials—kabilang ang Pangulo, Pangalawang Pangulo, mga senador, at mga miyembro ng Kongreso—ay dapat magbitiw sa kanilang posisyon upang magbigay-daan sa isang bagong halalan. Dagdag pa niya, walang sinumang kasalukuyang opisyal ang papayagang tumakbo muli sa susunod na election cycle.
“People have lost trust in government and government officials. Honestly, who can blame them?” saad ni Cayetano, sabay linaw na ito ay hindi isang atake sa sinumang lider kundi isang panawagan para sa pambansang pagbangon.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Tinawag ng senador ang ideya bilang isang “sacrifice from public servants”, isang paraan para maputol ang paulit-ulit na siklo ng politika at muling mabigyan ng pag-asa ang mamamayan. “I dare say, now more than ever in our history, politicians are suspects!” dagdag pa niya, sabay giit na ang panibagong halalan ay maaaring magsilbing turning point tungo sa national renewal and revival.
Hindi na bago sa publiko ang panawagang reporma ni Cayetano. Kilala siya sa mga panukalang naglalayong ayusin ang sistema ng pamahalaan at palakasin ang pananagutan ng mga opisyal. Sa mga nagdaang taon, madalas niyang bigyang-diin ang pangangailangan ng repentance, renewal, at moral governance sa larangan ng politika.
Read also
Sa ilalim ng batas, ang snap elections ay maaaring isagawa kung mayroong political consensus o legal na batayan, ngunit nananatiling hamon ang posibilidad nito lalo na kung walang malawakang suporta mula sa mga kasalukuyang opisyal. Gayunpaman, naniniwala si Cayetano na ang ganitong hakbang ay magsisilbing “reset button” para sa bansa—isang panibagong simula para sa pamahalaan at mamamayan.
Si Alan Peter Cayetano ay isang beteranong mambabatas at dating Speaker ng House of Representatives. Kilala siya sa kanyang matapang na paninindigan laban sa korapsyon at panawagan para sa reporma sa gobyerno. Sa loob ng kanyang karera, naging tagapagsulong siya ng mga batas na may kinalaman sa transparency, kabuhayan, at moral leadership.
Bilang senador, patuloy siyang nagsusulong ng moral renewal sa politika at madalas ding maglabas ng mga pahayag sa social media na humahamon sa mga kasalukuyang sistema ng pamahalaan.
Sa ulat ng Kami.com.ph, iminungkahi ni Cayetano na kung sakaling kailanganin ng hustisya, maaaring isailalim sa house arrest si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa Philippine Embassy sa The Hague. Ayon sa kanya, ito ang magiging “honorable compromise” habang nililinaw ang mga kasong isinasampa sa dating pangulo. Nag-ugat ang kanyang pahayag sa paniniwalang dapat pa ring igalang ang due process at soberanya ng bansa.
Read also
Sa isa pang artikulo ng Kami.com.ph, muling nanawagan si Cayetano ng pagsisisi at pagbabago sa mga opisyal ng gobyerno bilang tugon sa patuloy na isyu ng korapsyon. Ayon sa kanya, kailangan ng bansa ng moral at espiritwal na muling pagkabuhay upang maibalik ang tiwala ng mamamayan sa pamahalaan. Binigyang-diin niya na ang tunay na reporma ay hindi lamang nasa sistema, kundi sa puso ng bawat lingkod-bayan.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh