Alan Peter Cayetano, nanawagan ng “repentance at national renewal” laban sa korapsyon
- Senador Alan Peter Cayetano, nagbigay-diin na ang laban kontra korapsyon ay nangangailangan hindi lang ng reporma sa politika kundi pati ng moral at espirituwal na pagbabago
- Sa kanyang Facebook live, pinuna niya ang mga “ghost projects” at sinabing ang mga sangkot ay siguradong nagsisinungaling
- Nanawagan siya ng kababaang-loob at sakripisyo mula sa mga opisyal ng gobyerno, kahit mawala ang kanilang puwesto sa susunod na halalan
- Tinapos niya ang talumpati sa panalangin para sa pambansang pagkakaisa at tunay na pagbabago
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Nanawagan si Senator Alan Peter Cayetano sa sambayanang Pilipino na harapin ang krisis ng korapsyon hindi lamang sa pamamagitan ng mga reporma sa batas at politika kundi higit sa lahat, sa pamamagitan ng “repentance at national renewal.”

Source: Facebook
Sa isang Facebook live session, inilahad ng senador ang kanyang pananaw tungkol sa malawakang anomalya, kabilang na ang flood control controversy na iniimbestigahan ngayon. Para kay Cayetano, mahalaga ang kasalukuyang mga imbestigasyon, ngunit ang mas malalim na problema ay nakaugat sa moralidad at pananampalataya ng mga Pilipino.
Binalikan ng senador ang kasaysayan ng bansa at inihambing ito noong dekada ‘60 kung saan pangalawa lamang ang Pilipinas sa Japan pagdating sa pag-unlad sa Asya. Aniya, dahil sa patong-patong na korapsyon at maling pamamalakad, bumagsak ang bansa at naiwan ng mga karatig-nasyon.
Nagbigay siya ng panawagan para sa kababaang-loob at sakripisyo mula sa mga nasa posisyon:
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
“Now is the opportunity to make self-sacrifice. To give all of us, give ourselves. So what kung next election wala na tayong position? Ang importante magbabago,” ani Cayetano.
Sa usapin ng mga “ghost projects,” mariin niyang sinabi na hindi maaaring pagkatiwalaan ang mga sangkot:
“Lahat po ng guilty sinungaling. Nag-ghost project nga eh. Kung nag-ghost project ka, kasinungalingan na yun kasi sinabi mo may project na wala naman. So i-expect mo na magsisinungaling,” dagdag pa niya.
Ayon kay Cayetano, hindi sapat ang paglilitis at pagkulong sa mga tiwaling opisyal dahil ang mismong sistema at kultura ang may problema. Binanggit niya ang pagbili ng boto, pati na ang kita mula sa sugal, na nagiging ugat ng pagkasira ng pamamahala. “You cannot have good governance if you have a corrupt mentality,” diin ng senador.
Tinapos niya ang kanyang mensahe sa pamamagitan ng panalangin, na nananawagan ng pambansang pagkakaisa at paggaling. Inanyayahan niya ang mga Pilipino, saan man sa mundo, na magsama-sama hindi lang dahil sa galit kundi dahil sa hangaring makamit ang tunay na pagbabago.
Si Alan Peter Cayetano ay isa sa mga prominenteng senador ng bansa at matagal nang nasa serbisyo publiko, dating nagsilbi bilang House Speaker at Foreign Affairs Secretary. Kilala siya sa kanyang pagiging outspoken sa mga isyu ng gobyerno, lalo na sa usapin ng transparency at accountability.
Sa kanyang mga pahayag, madalas niyang bigyang-diin na ang laban kontra korapsyon ay hindi lamang tungkol sa batas at proseso, kundi pati sa pagpapalakas ng moralidad at pananampalataya ng bawat Pilipino.
Noong nakaraan, nag-trending ang mainit na bangayan nina Cayetano at Senate President Migz Zubiri matapos silang magkainitan sa isang sesyon. Umani ng iba’t ibang reaksyon mula sa publiko ang kanilang palitan ng salita, kung saan muntik pa umabot sa pisikal na komprontasyon.
Kamakailan, iminungkahi ni Cayetano na kung sakaling matuloy ang kaso laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court, mas mainam na isailalim siya sa house arrest sa Philippine Embassy sa Hague. Ayon sa senador, ito’y para manatiling ligtas si Duterte habang gumagalang pa rin sa proseso ng batas.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh