Isang modelo at adult film aktor, arestado sa umano'y panghahalay sa stepdaughter
- Isang modelo at aktor sa adult film streaming platform ang inaresto sa Quezon City
- Ang suspek ay akusado ng umano'y ilang taong pang-aabuso sa kaniyang stepdaughter sa Tarlac
- Ayon sa balita ng '24 Oras Weekend,' ang biktima ay nagsimulang abusuhin umano noong siya ay siyam na taong gulang pa lang
- Samantala, ang CIDG ay patuloy na nag-iimbestiga kung may iba pang kaso ang suspek
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Source: Youtube
Kulong ang isang 32-anyos na modelo at aktor sa isang adult film streaming platform matapos siyang akusahan ng ilang taong pang-aabuso sa kaniyang stepdaughter sa Tarlac.
Dinakip siya ng Criminal Investigation and Detection Group Tarlac noong Setyembre 10 sa pinagtataguan nito sa Quezon City.
Nagpalipat-lipat umano siya ng hotel para makaiwas sa mga awtoridad.
Ayon kay Police Major Arvin Hosmillo, hepe ng CIDG Tarlac, isa ang suspek sa most wanted ng Police Regional Office 3.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Dagdag pa niya, inakusahan ang suspek ng panggagahasa sa kaniyang stepdaughter. Lumabas sa imbestigasyon na nagsimula umano ang pang-aabuso noong siyam na taong gulang pa lamang ang bata.

Read also
Lalaking sugatan at nakahandusay sa kalsada, patay matapos makipagbarilan sa 3 armadong suspek
Naiulat ng suspek sa pulisya na nawawala ang kaniyang stepdaughter, ngunit lumabas na naglayas pala ito matapos maranasan ang paulit-ulit na pang-aabuso.
Patuloy namang tinitingnan ng mga pulis kung mayroon pang ibang kaso ang suspek. Ibabalik din nila ang warrant of arrest sa korte na may hawak ng kaso.
Umiwas magbigay ng pahayag ang suspek.
Sinabi lamang niya na darating ang kaniyang abogado at ito ang magpapaliwanag para sa kaniya.
Patuloy ang imbestigasyon upang masiguro na mapanagot ang suspek sa mga kasong isinampa laban sa kaniya.
Panuorin ang balita sa '24 Oras Weekend' ng GMA Integrated News YouTube channel:
Ang mga balita, larawan, o video na nakakaantig ng interes ng mga netizen ay madalas nagiging viral sa social media dahil sa atensyon na ibinibigay ng publiko. Ang ganitong mga post ay kadalasang tumatama sa emosyon ng mga netizen, at sa ilang pagkakataon, maaari rin itong mangyari sa mga karaniwang tao, na mas nagiging relatable sa marami.

Read also
Matandang babae, na-scam ng nagpanggap na umano'y lalaking astronaut na stranded sa outer space
Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlo ay walang-awang pinagbabaril hanggang mamatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Nakuhanan ng CCTV ang tatlong lalaki na pumasok sa kanilang tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, kinuha pa ng isa sa mga suspek ang isang bag at cellphone mula sa biktima. Ayon sa ulat ni Gary De Leon ng TV 5 na “Frontline Pilipinas,” nagsimulang makatanggap ng pagbabanta ang pamilya matapos nilang pautangin ng P1-M ang isang residente sa kanilang barangay, na umano’y ginamit ang pera para sa negosyo.
Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na teacher sa pampublikong paaralan sa Las Piñas City ang paulit-ulit na sinaksak ng sariling asawa. Batay sa ulat ni EJ Gomez ng “Unang Balita,” naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardiya ang paaralan ngunit dahil kilala ang suspek sa lugar, madali nitong nagawang makapasok at makalabas. Ayon sa suspek, pumunta siya roon upang kausapin ang kanyang asawa at ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh