Vico Sotto, may tanong sa influencer na nagbiro ukol sa ilegal na pagyaman

Vico Sotto, may tanong sa influencer na nagbiro ukol sa ilegal na pagyaman

  • Social media influencer na si Ichan Remigio ay nag-viral matapos magbigay ng biro tungkol sa “illegal” na paraan ng pag-asenso
  • Si Pasig Mayor Vico Sotto ay nagkomento rin sa video at tinanong kung pwede pa itong gawin sa edad na 36
  • Sinagot siya ni Remigio at sinabing isa siya sa pag-asa ng marami kaya huwag nang makinig sa kanyang mga biro
  • Umabot na ng higit 200K engagements ang naturang reel na ikinatuwa ng netizens
Ichan Remigio/@little.ichan on Instagram
Vico Sotto via ABS-CBN News on YouTube
Ichan Remigio/@little.ichan on Instagram Vico Sotto via ABS-CBN News on YouTube
Source: Youtube

Nag-viral ang social media influencer na si Ichan Remigio matapos mag-post ng biro tungkol sa “illegal” na paraan ng mabilis na pag-asenso sa buhay.

Sa kanyang video sa Instagram, sinabi niyang kung mag-aral mula 5 hanggang 20, at ilaan ang natutunan sa “illegal” mula edad 25 hanggang 30, ay makakapag-enjoy na raw sa natitirang taon ng buhay.

Ang naturang content ay umani ng mahigit 200K engagements mula sa netizens. Isa sa mga nag-iwan ng komento ay si Pasig Mayor Vico Sotto.

Read also

Marcoleta sa contractors ng flood-control projects: “Magturo na kayo"

Biro ni Sotto, kung sakali raw na 36 years old na siya, pwede pa ba itong gawin.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Agad namang sumagot si Remigio sa panibagong update. Ayon sa kanya, isa si Mayor Vico sa mga inaasahan ng publiko kaya hindi dapat seryosohin ang kanyang mga biro.

Dagdag niya, ibibigay pa raw niya kay Sotto ang mobile phone na makukuha niya mula sa brand deals para hindi na ito kailangan gumawa ng “illegal.”

Sa dulo ng video, nagpasalamat siya at sinabing malaking bagay ang suporta at atensyon na natatanggap niya.

Ayon kay Remigio, dahil sa mga komento tulad ng kay Sotto, nagkakaroon sila ng inspirasyon at pag-asa.

Si Remigio ay kilala sa paggawa ng satirical content tungkol sa pagyaman gamit ang “illegal” na paraan. Sa kasalukuyan, mayroon na siyang mahigit 100K followers sa social media.

Panuorin ang bidyong ito:

Ang mga balita, larawan, o video na nakakaantig ng interes ng mga netizen ay madalas nagiging viral sa social media dahil sa atensyon na ibinibigay ng publiko. Ang ganitong mga post ay kadalasang tumatama sa emosyon ng mga netizen, at sa ilang pagkakataon, maaari rin itong mangyari sa mga karaniwang tao, na mas nagiging relatable sa marami.

Read also

Ellen Adarna, may patutsada nang mapanood ang "as a nepo baby" video ni Ansis Sy

Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlo ay walang-awang pinagbabaril hanggang mamatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Nakuhanan ng CCTV ang tatlong lalaki na pumasok sa kanilang tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, kinuha pa ng isa sa mga suspek ang isang bag at cellphone mula sa biktima. Ayon sa ulat ni Gary De Leon ng TV 5 na “Frontline Pilipinas,” nagsimulang makatanggap ng pagbabanta ang pamilya matapos nilang pautangin ng P1-M ang isang residente sa kanilang barangay, na umano’y ginamit ang pera para sa negosyo.

Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na teacher sa pampublikong paaralan sa Las Piñas City ang paulit-ulit na sinaksak ng sariling asawa. Batay sa ulat ni EJ Gomez ng “Unang Balita,” naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardiya ang paaralan ngunit dahil kilala ang suspek sa lugar, madali nitong nagawang makapasok at makalabas. Ayon sa suspek, pumunta siya roon upang kausapin ang kanyang asawa at ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Rose Dabu avatar

Rose Dabu (Editor)

Tags: