Julius Babao, todo-tanggi sa P10M issue: “Super fake news!”
- Julius Babao binasag ang pananahimik at itinanggi ang P10M bribery issue matapos akusahan ni Mayor Vico Sotto siya at si Korina Sanchez tungkol sa umano’y paid interviews
- Korina at Julius iginiit na ang kanilang mga panayam ay lifestyle content at hindi bahagi ng news reporting at idiniin na walang pera o kapalit na tinanggap mula sa mga panauhin
- Producers ng kanilang programa naglabas ng open letter at sinabing ang mga panayam ay ginawa dahil sa public interest at walang P10M placement na naganap
- Patuloy namang naglalabasan ang mga opinyon tungkol sa media ethics lalo na mula sa mga eksperto na nagbababala laban sa paid segments na maaaring makaimpluwensya sa publiko
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
“The P10 Million accusation is Super Fake News!” — ito ang mariing pahayag ni Julius Babao matapos siyang madawit sa isyu ng umano’y bayad na panayam kasama si Korina Sanchez kaugnay ng mag-asawang Sarah at Curlee Discaya, mga karibal sa pulitika ni Pasig City Mayor Vico Sotto.

Source: Facebook
Kalakip ng post ni Babao ang isang clip mula sa panayam nina Janno Gibbs at Stanley Chi sampung buwan na ang nakararaan kung saan diretsahan na niyang sinagot ang usaping ito.
Kamakailan, nagpahayag si Mayor Vico sa kanyang Facebook post na may mga kilalang mamamahayag na tumatanggap umano ng milyon kapalit ng panayam sa mga personalidad na konektado sa politika.
Bagama’t nilinaw niyang hindi eksaktong P10M ang halaga, aniya, ito ay malinaw na labag sa diwa ng Journalist’s Code of Ethics. “Bago tanggapin ng mga kilalang journalists ang alok para mag-interview ng Contractor na Pumapasok sa Politika, hindi ba nila naisip na, ‘Uy teka, ba’t kaya handa ’to magbigay ng 10 million para lang magpa-interview sa akin?’” saad ng alkalde.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Sa gitna ng kontrobersya, naglabas ng open letter ang pamunuan ng mga programang Rated Korina at Korina Interviews. Dito ay itinanggi nila ang paratang at iginiit na ginawa ang panayam sa Discaya couple dahil sila ay may public interest value. “There is no such thing as P10 million placement for an interview. This is simply not true,” paliwanag nila at sinabing posibleng cyber libel ang nagawa ng alkalde.
Sa isang hiwalay na panayam, binigyang-diin ni UP Journalism professor Danilo Arao na malinaw ang pamantayan sa larangan ng pamamahayag: hindi dapat magkaroon ng paid segments o sponsored items sa nilalamang inaasahang maghuhubog ng opinyon ng publiko. “Sponsored posts or sponsored content have no room in trying to shape public opinion… The standards remain the same,” saad niya.
Ayon naman sa mga producers, ang panayam sa mag-asawa ay hindi minanipula o inedit para pabanguhin ang kanilang imahe. Ang kwento umano ng kanilang “rags-to-riches” ay bahagi ng transparency at walang bahid ng intriga. Dagdag pa rito, sinubukan nilang hingan ng panig si Mayor Vico mismo ukol sa isyu, ngunit tumanggi umano itong magpa-interview.
Samantala, nilinaw ni Babao na ang kanyang panayam ay hindi isang news report kundi lifestyle content na inilabas sa kanyang YouTube channel na Julius Babao UNPLUGGED noong Setyembre 2024. Katulad din nito, ang panayam ni Korina Sanchez ay ipinakita sa Korina Interviews noong Enero 2, 2025, ilang buwan bago pa ang midterm elections.
Si Julius Babao, kilala bilang isa sa mga beteranong broadcaster at news anchor sa bansa, ay matagal nang bahagi ng industriya ng telebisyon at digital content. Kilala siya sa kanyang malinis na reputasyon sa news reporting at ngayon ay mas aktibo sa kanyang sariling digital platforms. Sa kabilang banda, si Korina Sanchez ay isa rin sa mga pinakarespetadong personalidad sa media na ngayon ay mas kilala sa kanyang lifestyle interviews at public service features.
Kamakailan, mismo si Mayor Vico Sotto ay nagsalita tungkol sa usapin ng paid interviews. Aniya, dapat kilalanin ng lahat na mayroong problema at kailangan itong harapin upang mapanatili ang tiwala ng publiko sa media. Hindi raw niya layunin na mag-personal kundi ipaalala ang kahalagahan ng etika at integridad.
Samantala, nagpasalamat naman si Julius Babao sa kanyang mga kaibigan at tagasuporta na hindi bumitaw sa kanya sa gitna ng kontrobersya. Sa kanyang social media post, inilarawan niya ang halaga ng pagkakaroon ng tunay na kaibigan na naninindigan para sa iyo lalo na sa oras ng pagsubok. Marami ring netizens ang nagpahayag ng suporta at nagpaabot ng encouraging messages para sa broadcaster.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh