Mayor Vico nagsalita sa isyu ng paid interviews: “Kailangan aminin natin ’yong problema”
- Nagbigay ng pahayag si Pasig City Mayor Vico Sotto matapos ang naging kontrobersyal na paninita niya sa ilang media personalities na umano’y tumanggap ng bayad mula sa mga Discaya couple
- Nilinaw ng alkalde na ang kanyang punto ay hindi para magpasikat kundi para pag-usapan ang mga isyung dapat harapin ng media at gobyerno bilang bahagi ng pagpapabuti sa bansa
- Sa pilot episode ng “Models of Manila,” sinabi ni Sotto na ang unang hakbang sa pagbabago ay ang pag-amin at pagtanggap sa problema, bago pa man ang accountability
- Mariing pinabulaanan nina Julius Babao at Korina Sanchez ang alegasyong kumalat na nakatanggap sila ng bayad mula sa Discaya couple kapalit ng kanilang mga panayam
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Nagbigay-linaw si Pasig City Mayor Vico Sotto kaugnay ng mainit na usapin hinggil sa kanyang paninita laban sa ilang mamamahayag na umano’y tumanggap ng bayad mula sa mag-asawang Sarah at Curlee Discaya kapalit ng panayam.

Source: Instagram
Sa kanyang Facebook post kamakailan, kalakip ang screengrab mula sa mga panayam ng Discaya couple kina Julius Babao at Korina Sanchez, nag-ugat ang kontrobersya na muling binigyang-diin ng alkalde sa pilot episode ng kanyang bagong programa na “Models of Manila” nitong Agosto 25.

Read also
Jam Magno, sinagot ang pasabog post ng mister tungkol sa umano’y pananakit: “Prove it in court”
Nilinaw ni Mayor Vico na hindi siya naghahabol ng publicity o gumagawa ng ingay para sumikat. Aniya, “Sa topic na ’yan, with regard to media, or some media personalities, or shows, sa akin, kung ano ang kailangan kong sabihin sa topic na ’yan, nasabi ko na. Hindi naman ako gumagawa ng isyu para magpasikat, e.”
Gayunpaman, inamin niyang may mga bagay na kailangang talakayin nang harapan—kahit hindi ito komportable. “Ang point ko lang dito, kung gusto natin umayos ang Pilipinas, kahit hindi siya komportable, kahit minsan parang awkward o nakakahiyang pag-usapan [...] kailangan aminin natin ’yong problema. Pag-usapan natin. At the very least. kailangang magsimula tayo sa gano’n. Ta’s next na ’yong accountability,” dagdag pa ng alkalde.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Samantala, mariin namang pinabulaanan nina Julius Babao at Korina Sanchez ang mga alegasyong kumalat laban sa kanila. Giit ng mga beteranong journalist, walang katotohanan na sila ay tumanggap ng bayad mula sa Discaya couple para itampok ang mga ito sa kanilang programa.
Si Mayor Vico Sotto ay kilalang mukha ng “good governance” sa lokal na pamahalaan, madalas na tampok dahil sa kanyang mga polisiya na nakasentro sa transparency, integridad, at serbisyo publiko. Sa mga nakaraang taon, ilang ulit na siyang nagpahayag ng matapang na opinyon laban sa mga gawi at sistema na sa tingin niya ay sagabal sa pag-unlad ng pamahalaan. Sa isyung ito, ang paninindigan ni Sotto laban sa umano’y paid interviews ay nakikita ng ilan bilang pagpapatuloy ng kanyang adbokasiya para sa accountability at malinis na pamumuno.
Kamakailan, nagbigay ng matinding pahayag si Arnold Clavio laban sa akusasyon ni Vico Sotto tungkol sa isyu ng media. Ayon sa beteranong broadcaster, hindi umano dapat basta magbitiw ng pahayag ang alkalde nang walang sapat na basehan. Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng kredibilidad at reputasyon ng mga mamamahayag na nadadamay sa kontrobersya.
Samantala, ipinagtanggol naman ni Angelu de Leon si Mayor Vico matapos itong ma-expose sa isyu. Ayon sa aktres, naniniwala siyang tapat at totoo ang pamumuno ng alkalde at na hindi ito gumagawa ng ingay para lamang sa pansariling interes. Para kay de Leon, ang paninindigan ni Vico ay pagpapakita ng kanyang malasakit sa bayan at sa kanyang mga nasasakupan.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh