News anchor Julius Babao, nagbigay ng pasasalamat sa kanyang “tunay na kaibigan”
- Lalong naging kontrobersyal ang vlog ni Julius Babao kina Curlee at Sarah Discaya matapos ungkatin ni Pangulong Bongbong Marcos ang umano’y anomalya sa flood control project
- Mula sa wala pang isang milyong views, umakyat na sa milyon ang panayam ni Babao sa YouTube, kasabay ng pagdagsa ng batikos laban sa kanya
- Ilang netizens ang nagsabing lumabag umano si Babao sa journalism ethics dahil sa feature ng Discaya couple
- Hindi pa nagbibigay ng direktang pahayag si Babao pero nag-post ito ng pasasalamat sa kanyang mga “tunay na kaibigan” sa Instagram
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Nagbigay ng makahulugang post si Julius Babao sa Instagram kasabay ng kaliwa’t kanang batikos laban sa kanya matapos muling umingay ang panayam niya sa kontrobersyal na Discaya couple. Sa kanyang post, ibinahagi niya ang quote mula kay American columnist Walter Winchell: “A real friend is one who walks in when the rest of the world walks out.”

Source: Instagram
Sinamahan niya ito ng caption na: “Maraming Salamat sa pagmamahal at pag-unawa ng mga TUNAY na kaibigan! Ngayon alam ko na kung sino kayo. God Bless You All!” Naka-off ang comment section ng kanyang IG account, indikasyon na pinili niyang umiwas sa karagdagang diskusyon.
Ang cryptic post ay dumating matapos dumagsa ang batikos laban sa kanya kaugnay ng panayam kay Curlee at Sarah Discaya, na ini-upload niya sa YouTube channel na “Unplugged” noong nakaraang taon. Dating wala pang isang milyong views ang vlog, ngunit dahil sa pagsangkot ng mga Discaya sa umano’y anomalya sa flood control project ng Department of Public Works and Highways (DPWH), umakyat na ito sa milyon-milyong panonood.
Habang lumalakas ang traction ng vlog, lalong dumami ang kritisismo laban sa news anchor. Ilang netizens ang nagsabing lumabag umano si Babao sa journalism ethics dahil sa pagkaka-feature ng mag-asawang ngayon ay iniimbestigahan. May ilan ding nagsabing kumikita siya mula sa pagtaas ng views, dahilan upang madagdagan ang negatibong opinyon ng publiko.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Sa kabila nito, nananatiling tikom si Babao tungkol sa kanyang panig. Wala pa siyang direktang tugon sa mga alegasyon, maliban sa kanyang pasasalamat sa mga malalapit na kaibigan.
Si Julius Babao ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Kilala siya sa kanyang mga investigative reports at public service programs, bukod sa pagiging news anchor ng “Frontline Pilipinas” sa TV5. Matagal siyang nagsilbi sa ABS-CBN bago lumipat sa TV5 noong 2022.
Sa mahigit dalawang dekada niyang karera sa media, nakilala si Babao bilang isa sa mga pinakarespetadong personalidad sa larangan ng pagbabalita. Kaya naman ang pagkakadawit ng kanyang pangalan sa kontrobersyal na panayam ay nagdulot ng mainit na diskusyon hinggil sa journalism ethics at transparency ng media.
Noong nakaraang taon, nagbigay-pugay si Julius Babao sa ABS-CBN Broadcasting Center matapos itong isara bilang bahagi ng pagbabago sa Kapamilya network. Sa kanyang post, ibinahagi niya ang mga alaala at karanasan niya sa iconic na gusali kung saan siya nagsimula at lumago bilang mamamahayag. Para kay Babao, mananatiling makasaysayan ang lugar na ito para sa lahat ng nagtrabaho at nagsakripisyo sa ABS-CBN.
Samantala, kamakailan ay ibinahagi ni Jennica Garcia kung paano siya natulungan ng pagkakaibigan nila kina Julius Babao, Tintin Bersola, at Jewel Mische sa mahihirap na yugto ng kanyang buhay. Ayon sa aktres, naging sandigan niya ang mga ito at laging handang sumuporta, bagay na nagpapatunay sa pagkatao ni Babao bilang isang mapagkalinga at tapat na kaibigan.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh