Bayanihan para maihatid ang kabaong sa kabilang pampang dahil sa kawalan ng tulay, viral

Bayanihan para maihatid ang kabaong sa kabilang pampang dahil sa kawalan ng tulay, viral

  • Mga residente sa Sitio Gusane, Barangay Dumalogdog, Sindangan tumawid ng kabaong sa ilog dahil walang tulay
  • Ang insidente ay nakuhanan sa video at nag-viral online habang umaaray ang mga residente sa kawalan ng imprastraktura
  • Pagbaha rin ang nakaapekto sa mga estudyante ng Gusane Elementary School ayon sa teacher na si Joy Sabanal Cinco
  • PAGASA nagpaalala sa lokal na pamahalaan na ayusin ang drainage at magsagawa ng regular na dredging laban sa pagbaha

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Isang nakakabagbag na tagpo ang nasaksihan sa Sitio Gusane, Barangay Dumalogdog, Sindangan, Zamboanga del Norte matapos bumuhos ang malakas na ulan at tumaas ang tubig sa ilog. Dahil sa kawalan ng tulay, napilitan ang mga residente na buhatin ang kabaong ng kanilang mahal sa buhay at itawid ito sa rumaragasang agos ng ilog.

Bayanihan para maihatid ang kabaong sa kabilang pampang dahil sa kawalan ng tulay, viral
Bayanihan para maihatid ang kabaong sa kabilang pampang dahil sa kawalan ng tulay, viral (đź“·CoLyn Olis Mandate/Facebook)
Source: Facebook

Ayon sa nag-upload ng video na si Colyn Olis Mandate, matagal nang hinaing ng mga taga-lugar ang kawalan ng tulay. “Ang problema diri tulay, mao na ang among ginapangayo,” aniya. Sa kabila ng panganib, nagtulungan ang mga residente upang maihatid ang kabaong sa kabilang pampang.

Read also

Magtiyuhin sa Negros Oriental, nagtagaan; parehas patay

Ang kabaong ay dapat sana’y naihatid sakay ng sasakyan, ngunit dahil sa baha, kinailangan ng mga residente na magbayanihan at dalhin ito sa pamamagitan ng paglakad at pagtawid sa ilog. Agad na nag-viral ang video sa social media at umani ng iba’t ibang reaksyon mula sa netizens.

Hindi lamang ang mga namatayan ang naapektuhan ng sitwasyon. Ayon kay Joy Sabanal Cinco, teacher ng Gusane Elementary School, malaking problema rin ang dulot ng baha sa mga estudyante. “Isip teacher, maluoy ko sa akung pupil kay naa time dili sila ka eskwela tungod sa baha. Naa time pagtabok nila para sa school basa ilang sanina, na slide sila,” ani Cinco.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Bagama’t humupa na ang baha, hirap pa rin ang mga motorsiklo na makatawid sa lugar. Ang pangyayaring ito ay muling nagbukas ng panawagan mula sa mga residente para sa mas maayos na imprastraktura at tulong mula sa pamahalaan.

Samantala, sa Zamboanga Sibugay, ilang residente rin ang na-stranded matapos bahain ang mga kalsada at kabahayan sa Barangay Kawayan, Alicia. Makalipas ang ilang oras, bumaba rin ang tubig at nakadaan muli ang mga motorista.

Read also

14-anyos na babaeng estudyante, patay matapos aksidenteng madikit sa live wire

Sa Tantangan, South Cotabato, kinailangan namang tulungan ng mga residente ang isang motorista na maiahon ang kanyang motorsiklo mula sa tubig-baha. Nagdulot din ng hirap sa mga driver ang pagbaha sa Barangay Poblacion.

Ayon sa PAGASA, ang mga pagbaha ay dulot ng southwest monsoon o Habagat at mga localized thunderstorm. Pinayuhan ng ahensya ang mga lokal na pamahalaan na magsagawa ng regular na dredging at pag-improve ng drainage system upang maiwasan ang ganitong klase ng problema.

“Mas maayo nga padak-an base kana siya sa kining gitawag nato og annual rainfall or natigum nga ulan. Atung irekomenda kung mahimo lang dunay regular nga dredging matag tuig,” paliwanag ni Engr. Jaymar Artigas ng PAGASA SOCCSKSARGEN.

Ang pagbaha ay isa sa mga pinakamadalas na sakuna sa bansa, partikular sa mga rehiyong mababa at kulang sa maayos na drainage. Sa tuwing may malakas na ulan dulot ng habagat o bagyo, maraming residente ang naaapektuhan—mula sa mga mag-aaral na hindi makapasok hanggang sa mga pamilyang napipilitang lumikas. Ang kawalan ng imprastraktura tulad ng tulay at maayos na kanal ay lalong nagpapalala sa sitwasyon.

Read also

Dagupan 7-year-old slay: Pulis tiniyak na “airtight” ang kaso laban sa mga suspek

Sa Laurel, Batangas, isang pamilya rin ang napilitang tumawid ng baha habang buhat ang kabaong ng kanilang mahal sa buhay. Sa kabila ng panganib, hindi sila tumigil hanggang maihatid ang kabaong sa ligtas na lugar. Ang insidenteng ito ay mabilis ding nag-viral online at nagpaalala ng kahirapan ng mga Pilipino tuwing may kalamidad.

Sa isa pang balita, nagtulungan ang mga residente sa Ilijan upang maiahon ang isang jeep na na-stranded sa baha. Ipinakita ng video ang bayanihan spirit ng mga Pilipino na kahit sa gitna ng sakuna, handang magtulungan para sa kapwa. Ang eksenang ito ay nagpapatunay kung paano nagiging sandigan ang komunidad sa panahon ng krisis.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate