14-anyos na babaeng estudyante, patay matapos aksidenteng madikit sa live wire
- Isang 14-anyos na estudyante sa Samal Island ang namatay matapos makuryente sa loob ng paaralan
- Kaibigan niyang sumubok sumagip ay nakuryente rin ngunit nakaligtas at patuloy na nagpapagaling
- Matagal nang inireklamo ng mga magulang at estudyante ang live wire ngunit hindi umano naaksyunan
- DepEd at mga awtoridad nagsasagawa na ng imbestigasyon at pag-inspeksyon sa electrical systems ng mga paaralan
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Source: Youtube
Isang 14-anyos na babaeng estudyante ang pumanaw matapos aksidenteng madikit sa live wire sa loob ng Mambago-B National High School sa Samal Island, Davao del Norte.
Ayon sa ulat ni Jandi Esteban ng GMA Regional TV, nakilala ang biktima bilang si Jana. Pauwi na siya noong Martes ng hapon nang mangyari ang insidente.
Kwento ng mga nakakita, nangisay si Jana matapos madikit sa live wire. Sinubukan siyang iligtas ng kaibigan ngunit nakuryente rin.
Mabuti na lamang at may mga tumulong na nagawang maalis sila sa kuryente kaya agad silang naisugod sa ospital.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Sa kasamaang-palad, hindi na naisalba si Jana, habang ang kanyang kaibigan ay nagpapagaling pa.
Ayon kay Mimi, isa sa mga sumaklolo, nakita nilang nakapulupot na sa kamay ni Jana ang kable ng kuryente at may sugat ito sa paa at paso sa kamay.
Dagdag pa niya, matagal na nilang inireklamo ang live wire sa mga pulong ng mga magulang ngunit hindi raw ito naaksyunan.
Ganito rin ang pahayag ng ina ni Jana na si Femia, na nagsabing matagal nang nakabuyangyang ang kable at minsan na ring nakuryente ang kuya ng isa pang estudyante.
Sinubukan ng media na kunin ang panig ng pamunuan ng paaralan at ng Northern Davao Electric Cooperative, ngunit wala pang tugon.
Ayon naman sa Department of Education - Davao Region, nagsasagawa na sila ng imbestigasyon at nakikipag-ugnayan sa mga lokal na awtoridad.
Emosyonal namang nanawagan ng hustisya ang ina ni Jana, na iginiit na hindi sana nangyari ang trahedya kung hindi nagkaroon ng kapabayaan.
Panuorin ang ulat sa bidyong ito:
Ang mga balita, larawan, o video na nakakaantig ng interes ng mga netizen ay madalas nagiging viral sa social media dahil sa atensyon na ibinibigay ng publiko. Ang ganitong mga post ay kadalasang tumatama sa emosyon ng mga netizen, at sa ilang pagkakataon, maaari rin itong mangyari sa mga karaniwang tao, na mas nagiging relatable sa marami.
Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlo ay walang-awang pinagbabaril hanggang mamatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Nakuhanan ng CCTV ang tatlong lalaki na pumasok sa kanilang tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, kinuha pa ng isa sa mga suspek ang isang bag at cellphone mula sa biktima. Ayon sa ulat ni Gary De Leon ng TV 5 na “Frontline Pilipinas,” nagsimulang makatanggap ng pagbabanta ang pamilya matapos nilang pautangin ng P1-M ang isang residente sa kanilang barangay, na umano’y ginamit ang pera para sa negosyo.
Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na guro sa pampublikong paaralan sa Las Piñas City ang paulit-ulit na sinaksak ng sariling asawa. Batay sa ulat ni EJ Gomez ng “Unang Balita,” naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardiya ang paaralan ngunit dahil kilala ang suspek sa lugar, madali nitong nagawang makapasok at makalabas. Ayon sa suspek, pumunta siya roon upang kausapin ang kanyang asawa at ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh