3 rider, patay matapos mahagip ng truck na nawalan umano ng preno; mga biktima, nahulog pa sa bangin

3 rider, patay matapos mahagip ng truck na nawalan umano ng preno; mga biktima, nahulog pa sa bangin

  • Tatlong rider ang nasawi matapos mahagip ng truck ang kanilang motorsiklo sa Cagayan de Oro City
  • Dalawang angkas ang sugatan at agad na dinala sa ospital para gamutin
  • Ayon sa pulisya, pumalya umano ang preno ng truck na may kargang graba
  • Mahaharap ang truck driver sa kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

One Mindanao/GMA 7/GMA Regional TV on YouTube
One Mindanao/GMA 7/GMA Regional TV on YouTube
Source: Youtube

Tatlong rider ang nasawi at dalawang angkas ang sugatan matapos mabangga ng isang truck ang kanilang mga motorsiklo sa Cagayan de Oro City.

Sa ulat ni James Paolo Yap ng GMA Regional TV One Mindanao nitong Biyernes, nangyari ang insidente sa Barangay Lumbia kaninang umaga.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, patungo sa city proper ang tatlong motorsiklo habang papunta naman sa Talakag, Bukidnon ang truck na may kargang graba.

Ayon kay Police Captain Emilita Simon, tagapagsalita ng Cagayan de Oro City Police Office, sinabi ng driver ng truck na pumalya ang preno ng kanyang sasakyan kaya niya nabangga ang tatlong motorsiklo.

Read also

Mag-live-in couple sa Davao del Sur, patay matapos ang karumal-dumal na pananaksak at pananaga

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sa tindi ng impact, nahulog pa ang mga biktima sa bangin na tinatayang may lalim na 30 hanggang 50 metro.

Dead on the spot ang tatlong rider habang sugatan naman ang dalawang angkas na agad na isinugod sa ospital.

Samantala, mahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide ang driver ng truck.

Sa ngayon, wala pa itong inilalabas na pahayag tungkol sa insidente.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad para sa karagdagang detalye at upang matiyak ang hustisya para sa mga biktima.

Panuorin ang ulat ng 'One Mindanao' ng GMA Integrated News:

Ang mga balita, larawan, o video na nakakaantig ng interes ng mga netizen ay madalas nagiging viral sa social media dahil sa atensyon na ibinibigay ng publiko. Ang ganitong mga post ay kadalasang tumatama sa emosyon ng mga netizen, at sa ilang pagkakataon, maaari rin itong mangyari sa mga karaniwang tao, na mas nagiging relatable sa marami.

Read also

TikTok mommy, pinatay ang mister na may cancer, 2 nilang anak, at ang kanyang sarili

Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlo ay walang-awang pinagbabaril hanggang mamatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Nakuhanan ng CCTV ang tatlong lalaki na pumasok sa kanilang tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, kinuha pa ng isa sa mga suspek ang isang bag at cellphone mula sa biktima. Ayon sa ulat ni Gary De Leon ng TV 5 na “Frontline Pilipinas,” nagsimulang makatanggap ng pagbabanta ang pamilya matapos nilang pautangin ng P1-M ang isang residente sa kanilang barangay, na umano’y ginamit ang pera para sa negosyo.

Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na guro sa pampublikong paaralan sa Las Piñas City ang paulit-ulit na sinaksak ng sariling asawa. Batay sa ulat ni EJ Gomez ng “Unang Balita,” naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardiya ang paaralan ngunit dahil kilala ang suspek sa lugar, madali nitong nagawang makapasok at makalabas. Ayon sa suspek, pumunta siya roon upang kausapin ang kanyang asawa at ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.

Read also

Buy-bust operation sa Parañaque, nauwi sa pagkamatay ng suspek dahil sa heart attack

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Rose Dabu avatar

Rose Dabu (Editor)

Tags: