FPRRD supporter, nagsalita na sa issue ng awayan umano sa pagitan nila at Atty. Roque dahil sa humba

FPRRD supporter, nagsalita na sa issue ng awayan umano sa pagitan nila at Atty. Roque dahil sa humba

  • Nag-viral ang video ng umano’y alitan ng ilang Duterte supporters at ni Atty. Harry Roque sa The Hague, Netherlands
  • Umani ng intriga ang isyu matapos sabihing pagkain ng humba ang pinagmulan ng gulo
  • Nilinaw ni Alvin Sarzate na usaping pulitika at hindi ang ulam ang dahilan ng tensyon
  • Humingi ng dispensa si Roque matapos ang mainit na palitan ng salita sa ilang supporters

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Harry Roque on Facebook
Alvin & Tourism on Facebook
Harry Roque on Facebook Alvin & Tourism on Facebook
Source: Facebook

Nagsalita na si Alvin Sarzate, isang tagasuporta ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, tungkol sa kontrobersyal na video.

Ang bidyo ay nagpakita ng umano’y pagtatalo sa pagitan ng ilang Duterte supporters at ni dating presidential spokesperson Atty. Harry Roque sa The Hague, Netherlands.

Ayon sa ulat, naganap ang tensyon noong Agosto 15, sa mismong kaarawan ni Sarzate, kung saan kumalat ang video na nagsasabing humba ang pinagmulan ng gulo.

Sa nasabing salusalo, makikitang tila nakipagsagutan si Roque matapos makuwestyon ang pagkain niya ng naturang ulam.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Gayunman, agad na nilinaw ni Sarzate sa kaniyang Facebook Live na hindi totoo ang kumakalat na dahilan.

Read also

Bureau of Customs, humingi ng paumanhin kay Bela Padilla sa tax computation issue

Giit niya, ang isyu ay hindi tungkol sa pagkain kundi may kinalaman sa usaping pulitika.

Aniya, hindi niya akalaing dadalhin ng ilang media outlet sa mababaw na isyu ang nangyari sa kaniyang 33rd birthday.

Paliwanag pa niya, ang tunay na pinagmulan ng tensyon ay personal na alitan ng isang supporter na nagngangalang Aldo at isa pang kababayan.

Normal lamang daw ito sa isang lipunan kung saan malaya ang mga tao na magpahayag ng opinyon.

Dagdag pa ni Sarzate, nanatiling maayos at civil ang pakikitungo niya kay Roque sa kabila ng mainit na diskusyon.

Sa huli, humingi rin ng dispensa si Roque sa ilang supporters matapos ang palitan ng salita.

Paulit-ulit na iginiit ni Sarzate na walang kinalaman ang humba sa naging usapan at hindi rin sila nag-away ni Roque sa mismong salusalo.

Ang humba ay isang tradisyunal na putaheng Pilipino na gawa sa pata ng baboy na niluluto kasama ang toyo, suka, asukal, saging na saba, at iba’t ibang pampalasa.

Read also

BINI, nagpunta sa Hall of Justice upang pormal na magsampa ng kaso laban sa isang indibidwal

Panuorin ang panayam ng News5 kay Atty. Harry Roque sa bidyong ito:

Ang mga balita, larawan, o video na umaantig sa interes ng mga netizen ay kadalasang nagva-viral sa social media, dahil sa atensyon na ibinibigay dito ng publiko. Ang ganitong mga post ay tumatagos sa emosyon ng mga netizen, at sa ilang pagkakataon, maging ang mga ordinaryong tao ay nagiging bahagi nito dahil sa pagiging relatable nila.

Sa isang naunang ulat ng KAMI, naging tensyonado ang birthday celebration sa The Hague, Netherlands nang ma-involve si Atty. Harry Roque sa komprontasyon hinggil sa pagkain ng humba. Sa gitna ng Facebook live, narinig ang pagtuligsa kay Roque na agad naman niyang sinagot at iginiit na kailangang manindigan sa tama at mali. Nainis si Roque nang malamang pinapatamaan siya ng isang “Aldo” dahil sa pagkain niya ng humba at nag-alok pa siyang bayaran ito nang buo. Nakasagutan pa niya mismo ang celebrant at iginiit na siya ang “binastos” at dapat ay may kumondena sa mali.

Read also

Post ni Gardo Versoza tungkol kay Mayor Vico Sotto, viral: "Ang huling baraha"

Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na public school teacher sa Las Piñas City ang pinagsasaksak ng maraming beses ng sarili niyang asawa. Ayon sa ulat ni EJ Gomez sa ‘Unang Balita,’ naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardya naman ang eskwelahan, ngunit dahil kilala na roon ang suspek, madali itong nakapasok at nakalabas. Sinabi ng suspek na gusto lang sana niyang kausapin ang kanyang misis upang ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Rose Dabu avatar

Rose Dabu (Editor)

Tags: