Claire Castro, dinepensahan si Vice Ganda laban sa kritiko ng concert joke
- Depensang pahayag ang inilabas ni Palace Press Officer Claire Castro para kay Vice Ganda matapos ang batikos sa kanyang “jet ski” joke
- Ayon kay Castro, hindi imbento ang remark ni Vice dahil mismong dating Pangulong Rodrigo Duterte ang nagbitaw ng naturang pahayag noong kampanya
- Iginiit din niya na hindi dapat ituring na kabastusan ang biro ni Vice at binanggit na mas dapat itanong kung sino ba talaga ang naging bastos sa mga Pilipino
- Ang joke ay tumukoy rin sa isyu ng water cannon attack ng China sa Philippine Coast Guard sa West Philippine Sea
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Ipinagtanggol ni Palace Press Officer Claire Castro ang komedyanteng si Vice Ganda matapos ang mainit na reaksyon ng publiko sa kanyang “jet ski” joke sa dalawang gabing concert nila ni Regine Velasquez sa Araneta Coliseum.

Source: Youtube
Naging viral ang segment kung saan binanggit ni Vice ang dating pangako ni Rodrigo Duterte noong 2016 presidential campaign na magje-jet ski patungong Spratly Islands at magtatanim ng watawat ng Pilipinas doon. Sa kanyang biro, sinabi ni Vice:
“Nothing beats a jet ski holiday, right now from Manila to the West Philippine Sea via jet ski. Get unlimited water bombing from Chinese vessels and a free trip to The Hague by the ICC… Promo applies to DDS only. Pinklawans and BBMs are prohibited. Huwag niyo akong subukan, mga pu****i** niyo.”
Dahil dito, maraming Diehard Duterte Supporters (DDS) ang umalma. Isa sa mga pinakamalakas na kritiko ay si dating presidential spokesperson Harry Roque, na nagsabing tila “sinipa” pa ni Vice ang dating pangulo kahit ito’y “nasa sahig na” at nahaharap sa mabigat na sitwasyon.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Ngunit sa kabaligtaran, depensa naman ang ibinigay ni Claire Castro. Giit niya, “Hindi ito imbento—mismong siya (Duterte) ang nagsabi noon.” Dagdag pa niya, “Isn’t it true that China used water cannons against our Philippine Coast Guard?… Sino ba ang bastos? Sino ba ‘yung palamura? Sino ang bumastos sa mga Pilipino?”
Para kay Castro, hindi dapat ikahon bilang pambabastos ang ginawa ni Vice, lalo’t ang biro ay hango sa totoong pangyayari at tumutukoy sa patuloy na tensyon sa West Philippine Sea.

Read also
Kris Aquino, emosyonal sa kondisyon ng panganay habang siya’y may sakit: “Kuya is traumatized"
Ang West Philippine Sea dispute ay matagal nang pinag-aawayan ng Pilipinas at China. Isa sa mga mainit na isyu ay ang paggamit ng Chinese vessels ng water cannon laban sa Philippine Coast Guard, na mariing tinutulan ng gobyerno. Noong 2016, nanalo ang Pilipinas sa arbitral ruling sa The Hague laban sa China, ngunit nanatiling mataas ang tensyon sa rehiyon. Ang “jet ski” remark ni Duterte ay naging simbolo ng kanyang kampanya noon, ngunit kalaunan ay tinuring niyang biro lamang ito.
Sa kanyang programa, diretsong sinagot ni Cristy Fermin ang patutsada ni Vice Ganda tungkol sa mga isyung inilalabas umano niya. Giit ni Cristy, hindi sila nag-iimbento ng kuwento at may basehan ang kanilang mga binabasa. Naging usap-usapan ito matapos magbiro si Vice sa concert tungkol sa diumano’y hindi nila pagkakaunawaan.
Matapos mabatikos si Vice Ganda sa kanyang mga biro, ipinagtanggol siya ng kaibigang si Pokwang. Ayon sa kanya, hindi dapat idamay ang ina ni Vice, si Nanay Rosario, sa mga isyung wala naman itong kinalaman. Iginiit niya na bilang public figure, sanay na si Vice sa pambabatikos, ngunit dapat respetuhin ang mga taong walang partisipasyon sa isyu.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh