Harry Roque, bumuwelta kay Vice Ganda: “Sinipa-sipa mo pa si Tatay Digong!”

Harry Roque, bumuwelta kay Vice Ganda: “Sinipa-sipa mo pa si Tatay Digong!”

  • Vice Ganda nagbiro tungkol kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa concert kasama si Regine Velasquez
  • Diehard Duterte Supporters at ilang personalidad kabilang si Harry Roque bumatikos sa komedyante
  • Roque kinuwestyon kung ano ang dahilan ng patutsada ni Vice laban kay PRRD
  • Isang DDS supporter nanawagan na ideklarang persona non grata si Vice sa Davao City

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Nag-ugat ang isyu matapos ang biro ni Vice Ganda tungkol sa dating Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang concert kasama ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez. Sa skit, ginamit ng “It’s Showtime” host ang isang satirical scenario tungkol sa pagpunta sa West Philippine Sea sakay ng jet ski, na may kasamang patutsada sa mga tagasuporta ni Duterte.

Harry Roque, bumuwelta kay Vice Ganda: “Sinipa-sipa mo pa si Tatay Digong!”
Harry Roque, bumuwelta kay Vice Ganda: “Sinipa-sipa mo pa si Tatay Digong!” (📷Harry Roque/Facebook)
Source: Facebook

“Nothing beats a jet ski holiday! Ride now from Manila to the West Philippine Sea by jet ski. Get unlimited water bombing from Chinese vessels and free trip to the Hague by the ICC. Promo applies to DDS only; pinklawan and BBMs are prohibited. ‘Wag niyo kong subukan, mga put*ng ina niyo!” ayon kay Vice sa naturang segment.

Read also

Grade 3 pupil sa Iligan, bugbog-sarado ng apat na high school students—nasa ICU ngayon

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Hindi ito nagustuhan ng mga Diehard Duterte Supporters (DDS) na agad nagpaabot ng batikos sa social media. Kabilang sa naglabas ng reaksiyon si Malcolm Conlan, isang British citizen na may asawang Filipina, na sumulat ng open letter laban sa komedyante. May DDS supporter din na nanawagan na ideklarang persona non grata si Vice Ganda sa Davao City.

Isa sa mga pinakamatinding boses ng suporta para kay Duterte, si Atty. Harry Roque, ay diretsahang kumuwestyon kay Vice. “Ang ginawa mo, nasa sahig na si Tatay Digong, nakakulong na, 80 anyos, mamamatay na yata sa kulungan, sinipa-sipa mo pa!” aniya. Idinagdag pa ng abogado na dati’y hinahangaan umano ni Vice ang dating pangulo nang makapanayam niya ito.

Tinuligsa rin ni Roque ang posibleng motibo ng biro, at nagbato ng akusasyon na may kaugnayan ito sa tinawag niyang “Tambaloslos” na umano’y nagbayad para sa patutsada. “May kaligayahan ka ba diyan?” tanong pa niya sa komedyante. Ayon kay Roque, hindi niya nais na maranasan din ni Vice na habang nakadapa na sa hirap ay may nananakit pa.

Read also

Vice Ganda, 'ipinaubaya' si Cristy kay Bea: "Sagot tayo ni Ate Bea, siya nang bahala"

Si Jose Marie Borja Viceral, mas kilala bilang Vice Ganda, ay isang komedyante, TV host, at singer. Kilala siya sa kanyang mga witty remarks at pagiging outspoken sa mga isyu, ngunit ilang beses na ring nasangkot sa kontrobersiya dahil sa mga biro na ikinainis ng iba.

Si Herminio “Harry” Roque Jr. ay isang abogado at dating tagapagsalita ni Pangulong Rodrigo Duterte. Isa siyang matibay na tagasuporta ng dating pangulo at madalas sumasagot sa mga kritisismo laban dito, lalo na sa usapin ng International Criminal Court (ICC).

Noong nakaraang linggo, pinayuhan ng international law expert na si Rodney Kaufman si Atty. Harry Roque na huwag makialam sa ICC investigation kaugnay sa war on drvgs ni Duterte. Ayon kay Kaufman, dapat hayaan ang legal process at iwasan ang mga hakbang na maaaring makasagabal sa imbestigasyon.

Itinanggi ni Atty. Harry Roque ang mga alegasyon na nakikialam siya sa ICC case laban kay dating Pangulong Duterte. Ayon sa kanya, wala siyang ginagawang hakbang para impluwensyahan ang kaso at lahat ng kanyang ginagawa ay para lamang ipagtanggol ang dating pangulo sa publiko.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Hot: