Kaufman, pinayuhan si Roque na iwasan ang pakikialam sa ICC case

Kaufman, pinayuhan si Roque na iwasan ang pakikialam sa ICC case

  • Sinabi ni Atty. Nicholas Kaufman na maaaring nalagay sa panganib ang depensa ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa ICC dahil sa mga naging pahayag at kilos ni Harry Roque
  • Ipinahayag ni Kaufman na hindi niya mapapatawad si Roque kung mauwi sa pagkatalo ang kaso ni Duterte bunsod ng umano’y pakikialam nito sa mga usaping legal sa The Hague
  • Hinimok ni Kaufman si Roque na tumutok na lamang sa kanyang apela kaugnay ng pagkakait sa kanya ng refugee status sa Netherlands kaysa makialam sa kaso ng dating pangulo
  • Matatandaang naghain ng asylum si Roque sa Netherlands matapos tanggalin bilang legal counsel ni Duterte at kinasuhan din siya ng human tràfficking kaugnay ng operasyon ng isang POGO hub sa Pampanga

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Sa isang written interview na inilathala noong Hulyo 29, 2025 sa Facebook page na Alvin and Tourism, iginiit ni Atty. Nicholas Kaufman na seryosong banta si Harry Roque sa defense strategy para sa dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC).

Read also

Ogie Diaz, nagpahayag ng saloobin tungkol sa pag-uugali ni Fyang Smith sa publiko

Kaufman, pinayuhan si Roque na iwasan ang pakikialam sa ICC case
Kaufman, pinayuhan si Roque na iwasan ang pakikialam sa ICC case (📷Harry Roque/Facebook)
Source: Facebook

Ani Kaufman, “He could very well have jeopardized the Defence’s efforts to release the former President.he could very well have jeopardized the Defence’s efforts to release the former President.”

Dahil dito, mariing sinabi ni Kaufman na hindi niya mapapatawad si Roque kung magdudulot ito ng alanganin sa kaso ni Duterte. Pinayuhan din niya si Roque na mas pagtuunan na lamang ng pansin ang kanyang appeal sa asylum status sa Netherlands kaysa sa pakikialam sa ICC proceedings.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Kaugnay nito, tinuligsa ni Kaufman ang balak ni Roque na kasuhan ang Dutch government dahil sa umano’y “illegal detention” ni Duterte sa ICC facility sa Hague, at muling iginiit na mas makabubuti para kay Roque na ituon ang enerhiya sa pagtatanggol sa kanyang sariling refugee appeal.

Si Rodrigo Duterte, ika-16 na Pangulo ng Pilipinas, ay naharap sa imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) dahil sa sinasabing crimes against humanity na nag-ugat sa kanyang “war on drúgs.” Isinampa ang mga reklamo laban sa kanya dahil sa libu-libong kaso ng extrajudicial killings mula nang ilunsad ang malawakang kampanya kontra iligal na droga simula 2016.

Read also

PNP Chief Torre tinapos na ang usapin sa posibleng boxing rematch kay Baste Duterte

Si Nicholas Kaufman ay isang British barrister na bahagi ng legal team ni dating Pangulong Duterte para sa ICC defense. Matagal na siyang kasangkot sa mga legal na usapin sa Hague.

Si Harry Roque naman ay dating Presidential Spokesperson ni Duterte at naging legal counsel din sa ICC. Noong unang bahagi ng 2025, nagdeklara siya ng asylum sa Netherlands matapos magkaroon ng isyu sa kanyang legal status sa bansa at pagkakasangkot sa umano’y human tràfficking kaugnay ng POGO operations sa Pampanga.

Sa ika‑20 ng Marso 2025, hinamon ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla si Harry Roque na bumalik sa Pilipinas at harapin ang mga kasong inihain laban sa kanya. Binanggit dito na nagsabog si Roque ng plano mag-asylum sa Netherlands upang maiwasan ang mga legal na proseso dito sa bansa

Harry Roque, planong humingi ng asylum sa Netherlands: “I do have rights to non‑refoulement” Noong ika‑17 ng Marso 2025, opisyal na inihayag ni Roque ang kaniyang plano magsumite ng asylum sa Netherlands. Ipinunto niya na may karapatan siyang protektahan ang sarili batay sa internasyonal na batas. Itinuring din niyang bahagi siya ng legal team ni Duterte sa ICC

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate