Harry Roque, pinabulaanan ang umano’y panghihimasok sa ICC kaso ni Duterte
- Mariing pinabulaanan ni Atty. Harry Roque ang akusasyon ni Atty. Nicholas Kaufman na siya ay nakialam sa depensa ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa ICC at nanindigang patuloy ang kanyang suporta sa legal team ng dating pangulo
- Iginiit ni Roque na wala siyang inilabas na anumang pahayag na maaaring makasira o makaapekto sa legal na estratehiya ng depensa at nananatili siyang tapat na tagasuporta ng pamilya Duterte
- Pinaliwanag niyang ang kanyang alok na legal na remedyo ay labas sa ICC at ginawa ito nang may pahintulot at kaalaman ng pamilya Duterte, at ito ay bunga ng kanyang pagnanais na makabalik nang ligtas si Duterte sa Pilipinas
- Binasag din ni Roque ang pananahimik sa gitna ng mga personal na batikos laban sa kanya at nanawagan siya kay Kaufman na itigil na ang paninisi at magtulungan na lamang sila para sa interes ng dating pangulo
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Sa isang pahayag na inilabas ngayong Hulyo 30, 2025, mariing itinanggi ni Atty. Harry Roque ang mga paratang ni Nicholas Kaufman na siya ay nakialam sa ICC legal strategy para sa dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Source: Instagram
Ani Roque: “There is no truth that I have interfered in the case or I have given statements that might affect the Defense legal strategy in the International Criminal Court (ICC).”
Binigyang-diin ni Roque na bilang isang tapat at matatag na tagasuporta ng Dutertes, ang kanyang pangunahing hangarin ay buhay na makauwi si Pangulong Duterte sa Pilipinas.
Dagdag pa niya: “As a loyal foot soldier of the Dutertes, I have no wish but to bring the former President back to the Philippines alive.”
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Ipinahayag din niya na nag-alok siya ng alternatibong legal na remedyo sa labas ng ICC—kasama ang pakikipagpulong kay Vice President Sara Duterte—ngunit iniba ang plano hangga’t hinihintay ang resulta ng interim release ni Duterte. “I thus offered an additional legal remedy, outside of the ICC, subject to the approval of the former President and his family.”
Labis niyang kinondena ang mga ad hominem attacks at karakter assasination na ibinato laban sa kanya bilang “walang lugar sa legal profession at decent society,” at nanawagan si Atty. Kaufman na itigil na ang tinawag niyang “blame game” at ituon na lamang ang kanilang sama-samang pagsisikap na maibalik si Duterte sa bansa nang ligtas.
Si Harry Roque ay naging presidential spokesperson at kalihim ng Department of Justice noong administrasyon ni Pangulong Duterte. Sa 2025, siya ay nakaranas ng mga legal na isyu kabilang ang human tr^fficking charges kaugnay ng POGO operations, at ngayon ay nasa Netherlands bilang asylum seeker matapos maalis sa ICC defense team ni Vice President Sara Duterte
Si Nicholas Kaufman, isang British barrister na inatasan bilang lead counsel ni Duterte sa ICC, ay nagbantang pigilan ang diumano’y hindi tamang pakikialam sa kaso habang inaasahan ang confirmation of charges hearing sa Septiembre 23, 2025
Kamakailan, tumugon si Roque sa mga balitang may inilabas na arrest warrant laban sa kanya, at iginiit na siya ay ginawang politikal na biktima. Tinanggihan niya ang intensiyon na umewas sa batas at iginiit na wala siyang tinakas na hearing o kasong kinakaharap sa Pilipinas
Kamakailan, isa sa mga kasama ni Roque sa tinucutoc na Lucky South 99 POGO hub ang naaresto dahil sa human tr^fficking charges. Ito’y lalong nagpatingkad sa ligal na sitwasyon ni Roque habang naghahain siya ng asylum sa Netherlands
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh