Suspek sa pagpatay sa TNVS driver, umiyak, humingi ng tawad matapos ituro ang libingan ng biktima
- Isa sa mga suspek sa pagpatay kay Raymond Cabrera ay humingi ng tawad matapos ituro ang kinaroroonan ng kanyang labi sa Nueva Ecija
- Tatlong suspek ang isinama ng NBI sa operasyon sa Barangay Batitang, Zaragoza kung saan nakuha ang mga labi ng biktima
- Nawawala si Cabrera mula pa noong Mayo 18 matapos hindi makauwi mula sa isang ride-booking trip
- Patuloy ang forensic examination at imbestigasyon upang matukoy ang motibo at mapanagot ang mga salarin
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Humingi ng tawad ang isa sa mga suspek sa umano’y pagpatay sa TNVS driver na si Raymond Cabrera matapos nilang ituro sa mga awtoridad ang kinaroroonan ng labi ng biktima sa Barangay Batitang, Zaragoza, Nueva Ecija.

Source: Instagram
Sa isinagawang operasyon ng National Bureau of Investigation (NBI), isinama ang tatlong suspek upang tukuyin ang lugar kung saan inilibing si Cabrera.
Mula roon, natagpuan ang naaagnas nang bangkay ng biktima, na halos dalawang buwan nang nawawala.
Isa sa mga suspek, emosyonal na humingi ng tawad sa pamilya ni Cabrera habang siya ay nasa kustodiya ng mga awtoridad.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Hindi pa inilalantad ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng mga suspek habang nagpapatuloy pa ang imbestigasyon.
Nawawala si Cabrera mula noong Mayo 18 matapos siyang hindi na makauwi mula sa isang ride-booking trip.
Mula noon ay nagsagawa na ng malawakang paghahanap ang kanyang pamilya, katuwang ang mga ahensya ng gobyerno.
Patuloy pa rin ang isinasagawang forensic examination sa mga labi ni Cabrera upang makuha ang iba pang ebidensya na makatutulong sa ikalulutas ng kaso.
Inaalam pa rin ng mga imbestigador ang motibo sa krimen.
Umaasa ang pamilya ni Cabrera na makakamit nila ang hustisya para sa sinapit ng kanilang mahal sa buhay.
Samantala, mahaharap sa kasong murder ang mga nasangkot sa karumal-dumal na krimen.
Ang mga balita, larawan, o video na pumupukaw ng interes ng mga netizen ay kadalasang nagiging viral sa social media dahil sa atensyong ibinubuhos ng publiko. Karaniwan, ang ganitong mga post ay tumatagos sa emosyon ng mga netizen, at sa ilang pagkakataon, maging ang mga ordinaryong tao ay puwedeng sumikat dahil dito, dahilan upang maging relatable sila sa marami.
Sa isang naunang ulat ng KAMI, si Josh Mojica, may-ari at CEO ng Kangkong Chips Original, ay naharap sa batikos matapos mag-viral ang kanyang video. Sa Facebook video na in-upload niya noong Hulyo 2, makikitang nagmamaneho siya sa EDSA sakay ng kanyang sports car habang hawak ang kanyang cellphone at kinukuhanan ng video ang sarili, ang sasakyan, at ang kalsada. Dahil dito, umani ng atensyon ang video at umaksyon ang Land Transportation Office (LTO), na naglabas ng suspensyon sa lisensya ni Mojica sa loob ng 90 araw.
Bukod pa rito, naglabas din ng show cause order ang LTO laban kay “Yanna,” isang motorcycle vlogger. Ito ay kaugnay ng viral road rage video kung saan siya at isang pickup driver ay nagkaroon ng sagupaan habang nagmamaneho sa baku-bakong daan sa Zambales. Matatandaang naglabas na si Yanna ng pampublikong paghingi ng tawad sa isang Facebook video. Kaugnay nito, sinabi ni Senador JV Ejercito na bagama’t humingi na ng tawad ang moto-vlogger, nararapat pa rin niyang harapin ang kahihinatnan ng kanyang ginawa.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh