3 ina, arestado matapos mang-agaw umano ng cellphone sa QC; 'Para sa school supplies,' giit nila
- Arestado ang tatlong ina sa Barangay Commonwealth, Quezon City matapos magnakaw umano ng cellphone mula sa dalawang babaeng government employee
- Dalawang babae ang nang-distract habang ang isa ay pumasa ng cellphone sa kasamahan, ayon sa modus na inilarawan ng mga awtoridad
- Ang mga suspek ay may naitalang kriminal na rekord at sinasabing bahagi ng grupong aktibo sa ilang lungsod tulad ng QC, Manila, Caloocan, at San Jose del Monte
- Ayon sa mga suspek, nagawa lamang nila ito dahil sa kagipitan at nais umano nilang makabili ng gamit sa eskwela para sa kanilang mga anak
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Nahuli ng mga awtoridad ang tatlong babaeng ina sa Barangay Commonwealth, Quezon City matapos magnakaw umano ng cellphone sa 2 babae.employee.
Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, bandang madaling araw ng Lunes, Hunyo 9, 2025, papasok sa trabaho ang mga biktima nang tabihan sila ng mga suspek at kinuha ang kanilang cellphone gamit ang tinatawag na "distract-and-pass" modus.

Source: Youtube
Ayon kay Police Major Jerryzaldy Tugbo, Deputy Station Commander ng Batasan Police, "Yung biktima natin dito na dalawang babae, papasok sila sa trabaho nila, mga government employee… then itong apat na suspek natin, tinabihan sila, then nakita ng mga bystander yung ginawa nilang pagkuha sa cellphone. Then yung isang bystander, dahil malapit lang yung Traffic Sector 5, humingi ng tulong doon."
Kaagad na rumisponde ang mga traffic enforcer at naaresto ang tatlong babae. Kinilala ang mga suspek bilang dalawang magkapatid na may edad 42 at 39, kasama ang kaibigan nilang 39 anyos din. Base sa tala ng pulisya, lahat sila ay may history ng pagnanakaw—ang pinakamatanda ay anim na beses nang naaresto, habang ang dalawa ay dati na ring nakulong sa parehong kaso.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Ayon sa pulisya, bahagi ng mas malaking grupo ang mga suspek na umano’y aktibong gumagala at nagnanakaw sa iba’t ibang lungsod gaya ng Manila, Quezon City, Caloocan, at San Jose del Monte, Bulacan. Isa sa kanilang kasabwat ay pinaghahanap pa ng mga awtoridad.
“Sa modus nila, ang ginagawa nila, yung dalawang babae didikit sa biktima nila. Then pag nakuha yung cellphone, pinapasa na doon sa mga kasamahan… may grupo po sila,” dagdag pa ni PMaj. Tugbo.
Nabawi mula sa mga suspek ang dalawang cellphone na tinatayang nagkakahalaga ng P6,000 at P5,000. Ayon sa tatlong babae, wala silang koneksyon sa anumang gang at ginawa lamang nila ito dahil sa matinding kagipitan. Giit nila, plano sana nilang ibenta ang mga cellphone sa kapitbahay kapalit ng perang pambili ng school supplies ng kanilang mga anak.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng mga awtoridad ang tatlong babae at nahaharap sa kasong theft. Bagamat nagpakita sila ng pagsisisi, kinumpirma ng pulisya na hindi ito ang unang pagkakataon na sila ay nasangkot sa ganitong krimen.
Ang krimen ng petty theft sa kalakhang Maynila ay patuloy na tinututukan ng mga awtoridad, lalo na kung may pattern na nasusundan. Sa kaso ng tatlong ina, lumilitaw na hindi ito unang beses nilang gumawa ng ganitong krimen. Habang inaangkin nilang desperasyon ang nagtulak sa kanila, may rekords na nagpapatunay ng kanilang paulit-ulit na pagkakasangkot sa mga ganitong insidente.
Isang tatay ang ninakawan habang natutulog sa labas ng tindahan sa Quezon City. Nakuhanan ng CCTV ang insidente kung saan kinuha ng suspek ang wallet at cellphone ng biktima. Agad na inireport ng mga concerned citizens sa barangay ang pangyayari.
Sa Antipolo, biglang napilitan ang dalawang snatcher na tumakbo at iwan ang kanilang motorsiklo at ninakaw matapos silang mahuli sa akto. Nagtangkang tumakas ang dalawa ngunit naiwan nila ang ebidensya. Patuloy silang pinaghahanap ng pulisya sa tulong ng CCTV footage.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh