Yanna Motovlog, hindi dumalo sa LTO hearing kaugnay ng viral road rage incident sa Zambales
-Inutusan ng LTO si motovlogger Yanna na isuko ang kanyang driver’s license at dalhin ang motorsiklo sa opisina
-Hindi dumalo si Yanna sa hearing dahil sa mga natatanggap na banta, pero nagpadala ng abogado
-Ibinasa ng abogado ang kanyang sulat ng paghingi ng tawad sa LTO at sa pickup driver
-Pansamantalang sinuspinde ng 90 araw ang lisensya ni Yanna habang nagpapatuloy ang imbestigasyon
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Trending na naman online ang pangalang Yanna Motovlog matapos siyang pagpasyahan ng Land Transportation Office (LTO) na isuko ang kanyang driver’s license kaugnay ng isang road rage incident sa Zambales na kumalat sa social media.

Source: Facebook
Noong Martes, Mayo 6, hindi personal na dumalo si Yanna sa isinasagawang pagdinig ng LTO, ngunit dumalo ang kanyang abogado na nagbasa ng isang sulat mula sa kanya na naglalaman ng paghingi ng tawad sa LTO at sa pickup driver na sangkot sa insidente.
Ayon kay LTO Chief Assistant Secretary Vigor D. Mendoza II, binigyan ng hanggang Huwebes, Mayo 8 si Yanna para isuko ang kanyang lisensya at dalhin ang motorsiklong ginamit niya noong insidente para sa inspeksyon.
“We imposed a 90-day preventive suspension on her driver’s license as part of the ongoing investigation into the incident. In the light of her absence during the hearing, we mandated her, through her legal counsel, to surrender her driver’s license. That is for her own good,” ani Mendoza.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Sa pagdinig, ipinaliwanag ng abogado ni Yanna na hindi ito nakadalo sa hearing para sa kanyang kaligtasan, dahil sa mga natatanggap nitong pagbabanta at pangungutya matapos maging viral ang video ng insidente. Ibinahagi rin ng abogado ang laman ng kanyang sulat kung saan ipinahayag ni Yanna ang kanyang panghihinayang sa mga negatibong epekto ng video sa pickup driver at sa pamilya nito.
Samantala, ang pickup driver na kabilang sa viral video ay personal na humarap sa hearing. Ayon sa kanya, una na niyang binalak na palampasin na lamang ang nangyari, ngunit napilitan siyang humarap at komprontahin ang grupo ng mga motorcycle rider matapos mapansing tila inabangan siya ng mga ito. Dito niya napagtanto na babae pala ang naka-motorsiklong kanyang kinompronta—eksaktong tagpo na nakita sa viral video.
Ang nasabing hearing ay pinamunuan ni LTO-Intelligence and Investigation Division (IID) chief Renante Melitante, at itinakda ang susunod na pagdinig sa Mayo 8.
Ang road rage ay tumutukoy sa galit o agresibong asal ng isang motorista habang nasa kalsada, na maaaring humantong sa pisikal na komprontasyon o aksidente. Sa kasong ito, naging sentro ng usapan si Yanna, isang kilalang motovlogger, matapos niyang makuhanan ng video na tila nakasangkot sa agresibong komprontasyon sa isang pickup driver. Dahil dito, muling lumutang ang usapin sa responsibilidad ng mga motorista, lalo na ang mga may malaking impluwensiya online.
Matapos lumabas ang viral video ng komprontasyon, agad na naglabas ng Show Cause Order ang LTO laban kay Yanna upang siya ay humarap sa pagdinig. Nilalayon ng ahensya na imbestigahan ang posibleng paglabag sa mga regulasyon ng trapiko at paggamit ng lisensya.
Sa isang emosyonal na video, humingi ng tawad si Yanna sa publiko at sa pickup driver. Inamin niyang labis niyang naramdaman ang galit at poot ng netizens sa kanya, at umaasa siyang magkakaroon ng pagkakataon na maitama ang kanyang pagkakamali.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh