Jinkee Pacquiao, umalma sa mga ‘paid ads’ sa socmed laban kay Pacman
-Ibinunyag ni Jinkee Pacquiao ang pagkadismaya sa mga paid ads sa social media na tumutuligsa kay Manny
-Tinawag ng ilang bashers na “clown” ang Pambansang Kamao sa gitna ng kampanya nito sa pagkasenador
-Naniniwala si Jinkee na may mga grupong gumagastos ng malaki para sirain ang imahe ng asawa
-Hinikayat niyang gamitin na lang ang pera sa pagtulong sa mga nangangailangan
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Hindi na napigilan ni Jinkee Pacquiao ang kanyang galit at pagkadismaya matapos makarating sa kanya ang balita tungkol sa mga paid ads na nagpapakalat ng negatibong impormasyon laban sa kanyang mister na si Manny Pacquiao.

Source: Instagram
Ayon sa post niya sa kanyang Facebook page, tila may mga taong sinadyang gumastos ng malaking halaga para lamang sirain ang kandidatura ng dating senador at boxing champ na muling tumatakbo ngayon sa midterm elections.
“Ang daming paid ads sa feed ko. Here’s one saying that Manny is a ‘CLOWN’. Mas funny yung idea na they spend a lot of money in running negative campaign,” pahayag ni Jinkee na halatang dismayado sa mga nakikita sa social media. Bukod pa rito, ibinahagi rin niya ang screenshot ng ilan sa mga ads na umaabot sa halagang ₱4,000 hanggang ₱5,000 kada sponsored content.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Para kay Jinkee, imbes na gamitin sa paninira, mas mainam sana kung ginamit na lang ang perang iyon sa pagtulong sa mga kapus-palad. “Instead of helping those in need, mas gusto nila manghamak, mag-hate and troll.
Laki mga pera ng mga kalaban ni Manny sa senate,” dagdag pa niya. Hindi lingid sa publiko na aktibo si Manny Pacquiao sa mga adbokasiya para sa mahihirap, kaya’t labis na ikinasama ng loob ni Jinkee ang mga batikos na tila kinukuwestiyon ang motibo ng kanyang asawa.
Matagal na ring target ng fake news at paninira si Manny, lalo na tuwing panahon ng eleksyon. Ngunit ayon kay Jinkee, hindi ito dahilan upang magpatahimik o umatras ang kanyang mister sa pagnanais na maglingkod.
Sa kabila ng mga bashers at trolls, nanatiling matatag ang pamilya Pacquiao sa kanilang paninindigan. Sa social media, maraming netizens ang nagpahayag ng suporta kay Jinkee at nagsabing mas kitang-kita raw ngayon kung gaano kahalaga ang pagkakaroon ng malinis na kampanya sa politika.
Si Jinkee Pacquiao ay kilalang personalidad sa larangan ng showbiz at social media, ngunit higit siyang nakilala bilang asawa ng boxing legend at dating senador na si Manny Pacquiao. Maliban sa pagiging hands-on wife at ina, isa rin siyang negosyante at aktibong sumusuporta sa mga charity work, lalo na sa Mindanao.
Sa isang emosyonal na Instagram post, ipinaabot ni Jinkee Pacquiao ang kanyang pagmamahal at panalangin para sa kanilang kambal na anak na sina Queenie at Princess. Kalakip ng kanyang mensahe ang mga throwback photos at larawan ng kanilang masayang pamilya. Ipinahayag niya kung gaano niya kamahal ang mga ito at kung paanong sila ang nagbibigay saysay sa buhay nila ni Manny.
Bukod sa kambal greetings, may hiwalay ding post si Jinkee at Manny para sa kanilang anak na si Queenie. Makikitang puspos ng pagmamahal ang birthday message nila sa dalaga na anila'y “blessing from above.” Nagpaabot sila ng pasasalamat sa Diyos para sa anak at ipinagdiwang ang pagiging mabuting anak ni Queenie sa kanilang pamilya.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh