Dia ate, nagbahagi ng mensahe matapos niyang manalo bilang Reina Hispanoamericana 2025
- Nanalo si Dia Maté bilang Reina Hispanoamericana 2025 at naging pangalawang Pilipinang nag-uwi ng korona matapos si Winwyn Marquez noong 2017
- Nagpasalamat siya sa kanyang core team, mentors, designers, creatives, pamilya, kaibigan, at Filipino community sa Bolivia sa kanilang suporta
- Ipinahayag niya ang kanyang dedikasyon na maging pinakamahusay na reyna at hindi niya sasayangin ang pagkakataong ibinigay sa kanya
- Binanggit din niya ang kanyang mentor na si @yeoh.stylestudio na sumuporta sa kanya mula sa kanyang unang pageant hanggang sa internasyonal na entablado
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Nasungkit ni Dia Maté ang titulo bilang Reina Hispanoamericana 2025 sa prestihiyosong beauty pageant na ginanap sa Bolivia noong Pebrero 10, 2025. Siya ang ikalawang Pilipina na nakapag-uwi ng korona matapos ang tagumpay ni Winwyn Marquez noong 2017.
![Dia ate, nagbahagi ng mensahe matapos niyang manalo bilang Reina Hispanoamericana 2025 Dia ate, nagbahagi ng mensahe matapos niyang manalo bilang Reina Hispanoamericana 2025](https://cdn.kami.com.ph/images/1120/3b31cb674c1a71b7.jpeg?v=1)
Source: Instagram
Sa pamamagitan ng isang taos-pusong liham na ibinahagi niya sa social media, ipinaabot ni Dia ang kanyang pasasalamat sa lahat ng sumuporta sa kanyang laban, kabilang ang kanyang team, pamilya, kaibigan, at ang Filipino community sa Bolivia.
"Soy Dia Remulla Maté, tu Reina Hispanoamericana 2025 ❤️" panimula ng beauty queen sa kanyang mensahe. Ibinahagi rin niya ang pinagdaanan niyang sakripisyo at dedikasyon upang makamit ang tagumpay.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
"The past few days have been a whirlwind of emotions. Years of dedication and hard work finally manifested into the second Reina Hispanoamericana crown for the Philippines! I’m honored to have represented my country on an international stage."
Pinasalamatan din niya ang kanyang core team, mentors, designers, creatives, at ang buong sambayanang Pilipino na hindi tumigil sa pagbibigay ng suporta sa kanya.
"Big thank you to everyone who has supported me in this journey to the RHA: my core team, mentors, designers, creatives, family & friends, the Filipino people and the fil-com of Bolivia. Your unwavering support pushed me to be the queen I am today."
Bilang bagong Reina Hispanoamericana, nangako siyang hindi niya sasayangin ang pagkakataong ito at ibibigay ang kanyang buong husay sa kanyang panunungkulan.
"Thank you to the organization and to God for giving me this opportunity. I will not take this reign for granted. I will be the best Reina I can be!"
Sa pagtatapos ng kanyang mensahe, binigyang-pugay rin niya ang kanyang longtime mentor na si @yeoh.stylestudio na naging gabay niya mula sa kanyang unang pageant hanggang sa tagumpay niya sa international stage.
"Another special mention to @yeoh.stylestudio who has had my back in the pageant industry from the beginning 🥹 from my first small pageant to RHA, he was always there. For whatever I needed, he was there to help and guide me. One of the most loyal mentors you’ll know."
Sa kanyang pagkapanalo, muling pinatunayan ni Dia Maté ang husay ng mga Pilipina sa larangan ng pageantry, at lalo pang pinatingkad ang pangalan ng Pilipinas sa international beauty scene.
Ang Reina Hispanoamericana pageant ay unang itinatag noong 1991 bilang Reina Sudamerica upang itampok ang Bolivia bilang isang destinasyong panturista. Noong kalaunan, pinalawak ito at binago ang pangalan upang isulong ang Hispanic culture, kaya't nagsimulang lumahok ang mga bansang may impluwensiyang Espanyol, kabilang ang Pilipinas.
![](https://cdn.kami.com.ph/images/360x203/0c80e6b9d550ab01.jpeg?v=1)
Read also
Bardagulan nina Boobay at Karen delos Reyes sa 'Extra Challenge', hindi scripted ayon kay Boobay
Matatandaang sa post ni Juan Karlos Labajo, humiling siya ng suporta para sa aniya'y 'beautiful bebe na si Dia Mate. Si Dia ang kumakatawan sa Cavite sa nalalapit na Miss Universe Philippines pageant.
Itinanghal bilang Reina Hispanoamericana 2025 ang Pilipinang si Dia Mate sa grand coronation night na ginanap sa Santa Cruz, Bolivia nitong Pebrero 9 (Pebrero 10 sa Maynila). Napagtagumpayan ng dalaga mula sa prominenteng pamilya Remulla ng Cavite ang prestihiyosong titulo laban sa 24 na iba pang kandidata mula sa mga bansang may Hispanic heritage.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh