Sen Cynthia Villar, viral matapos ang kumalat na video sa loob ng simbahan
- Kinompronta ni Senator Cynthia Villar si Las Piñas Councilor Mark Anthony Santos sa loob ng Our Lady of Fatima Church
- Nakuhanan ng video ang insidente kung saan makikitang galit na tinawid ni Villar ang kabilang hilera ng upuan
- Napansin ni Vice Mayor April Aguilar ang tensyon at bahagyang umiwas mula sa kanilang lugar
- Wala pang opisyal na pahayag mula kay Villar kaugnay ng kontrobersyal na insidente sa simbahan
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Usap-usapan ang isang viral video kung saan nakita si Senator Cynthia Villar na tila nawalan ng kontrol sa emosyon sa loob mismo ng simbahan. Sa isang video na kumakalat ngayon sa social media, makikita si Sen. Villar na tumayo mula sa kanyang upuan at tumawid patungo sa kabilang hilera upang harapin ang isang lalaki.
Base sa ulat ng Bilyonaryo, ang kinompronta ng senador ay si Las Piñas Councilor Mark Anthony Santos, na inaasahang magiging katunggali niya para sa nag-iisang congressional seat ng lungsod sa darating na halalan sa Mayo 2025.
Sa gitna ng tensyon, napansin na tila nagulat si Vice Mayor April Aguilar, na pamangkin ni Villar, at bahagyang umiwas mula sa kanilang pwesto tila kinakausap si Santos ni Villar.
Ayon pa sa ulat, naganap ang insidente sa loob ng Our Lady of Fatima Church sa Philamlife Village, Barangay Pamplona Dos, Las Piñas.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Hanggang sa kasalukyan ay wala pang inilalabas na pahayag si Villar kaugnay ng kontrobersyal na pangyayari. Umani ito ng samu't saring reaksiyon mula sa publiko.
Si Cynthia Villar ay isang Pilipinong senador at negosyante. Siya ang asawa ni dating Senate President Manuel "Manny" Villar, Jr. at ina ng mga politicians at negosyanteng sina Mark Villar, Camille Villar, at Paolo Villar.
Noong 2011, nakuha ni Manny Villar ang unang pwesto bilang pinakamayamang Pilipino sa listahan ng Forbes. Ang real estate mogul ay lalo pang pinalago ang kanyang yaman sa gitna ng pandemya. Mula sa yaman na $5.6 bilyon, tumaas pa ito at ngayon ay tinatayang nasa $7.2 bilyon. Sa 2,755 bilyonaryo sa buong mundo, 17 ang Pilipino, at si Villar ang nangunguna sa listahan.
Matatandaang sa paglabas ng mga litrato ni Willie Revillame kasama ang dating senador na si Manny Villar at anak nitong si Cong. Camille Villar, lalong naging maugong ang balitang sa TV network na pagmamay-ari ni dating senator lilipat si Willie.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh