Binatilyo, nasawi matapos kumain ng karne ng aso; Contact tracing, isinasagawa sa Davao del Norte

Binatilyo, nasawi matapos kumain ng karne ng aso; Contact tracing, isinasagawa sa Davao del Norte

- Nagsagawa ng contact tracing ang Rural Health Unit ng New Corella sa Davao del Norte matapos masawi ang isang 15-anyos na kumain ng karne ng aso

- Ayon sa Rural Health Unit, rabies ang sanhi ng pagkamatay ng binatilyo dahil sa pagkain nito ng dog meat

- Magkaibang resulta ang iginigiit ng Davao Regional Medical Center na nagsabing kidney infection ang sanhi ng pagkamatay ng biktima

- Nagbabala ang Animal Kingdom Foundation na lubhang mapanganib ang pagkain ng karne ng aso dahil maaaring magdulot ito ng seryosong sakit

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Nagsasagawa na ng contact tracing ang Rural Health Unit ng New Corella matapos ang pagpanaw ng isang binatilyo na kumain umano ng karne ng aso sa naturang lugar. Ang kaso ay iniulat noong Oktubre 30, 2024, ng 93.1 Brigada News FM-Davao. Ayon sa ulat, isang 15-anyos na binatilyo ang nasawi matapos kumain ng karne ng aso na pinaniniwalaang kontaminado ng rabies.

Read also

Rita Daniela, isinumite ang 'resibo' ng alegasyon niya laban kay Archie Alemania

Binatilyo, nasawi matapos kumain ng karne ng aso; Contact tracing, isinasagawa sa Davao del Norte
Binatilyo, nasawi matapos kumain ng karne ng aso; Contact tracing, isinasagawa sa Davao del Norte
Source: Facebook

Nagkaroon ng magkaibang opinyon ukol sa sanhi ng pagkamatay ng binatilyo. Ayon sa New Corella Rural Health Unit at sa pahayag nito sa opisyal na Facebook page noong Oktubre 25, 2024, rabies ang sanhi ng pagkamatay ng biktima matapos kumain ng dog meat. Naglabas pa sila ng contact tracing form sa comment section upang mahanap at masubaybayan ang iba pang posibleng nakasalo ng binatilyo sa pagkain ng karne ng aso.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Samantala, iba naman ang naging resulta ng pagsusuri ng Davao Regional Medical Center, kung saan isinugod ang binatilyo noong Oktubre 24. Matapos ang pagsusuri, ini-discharge siya kinabukasan noong Oktubre 25 dahil umano sa kidney infection, ayon sa diagnosis ng ospital. Ang ganitong pagsusuri ay sinang-ayunan din umano ng mga magulang ng binatilyo.

Sa kabila ng magkaibang resulta, patuloy pa rin ang pagsasagawa ng contact tracing ng Rural Health Unit upang masigurong ligtas ang komunidad.

Read also

DOJ, nagsampa ng kaso laban sa independent contractors na sina Jojo Nones at Richard Cruz

Samantala, nanawagan ang Animal Kingdom Foundation (AKF) noong Agosto 2024 hinggil sa panganib ng pagkain ng karne ng aso. Ayon sa AKF, may posibilidad na magdulot ng seryosong sakit tulad ng Leptospirosis, Hepatitis, Rabies, Cholera, at Anthrax ang karne ng aso, kaya’t mariin nilang ipinapayo na iwasan ang ganitong uri ng pagkain.

Patuloy na nag-iingat ang mga awtoridad at nagbibigay paalala sa publiko ukol sa panganib ng pagkain ng mga hindi karaniwang pagkain upang mapanatili ang kalusugan ng komunidad.

Nagulat ang pamilya ng 11-anyos na bata na pumanaw dahil umano sa rabies. Hindi kasi nalaman agad ng kanyang pamilya na nakagat pala siya ng aso. Ayon sa kalaro nito, isang linggo na halos ang nagdaan nang makagat ito ng aso na pilit pa rin na itinatanggi ng bata.

Samantala, nagpositibo sa rabies ang Golden Retiever na asong si Killua. Sa nilabas na pahayag na Philippine Animal Welfare Society (PAWS), magsasampa pa rin sila ng criminal charges laban kay Anthony Solares para sa animal cruelty.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate